"nagbabanta ang day of the deadlines. salamat baguio, sa maraming layers ng inspiration shit. hellow at pakyu, metro manila, pumapatay ka ng panaginip. magandang gabi."
"'Estratehiyang praktikal ang pagdarasal, ang pagkamit ng pansamantalang bentahe sa mga pamilihang kapital ng Kasalanan at Kapatawaran.' - Don Delillo (pasintabi, sala ko ang salin mula sa orihinal na Ingles)"
ito na ata ang dalawa sa apat na ipinaskil kong status messages sa nakaraang linggo, ang una ng nobyembre. mukang nakakapagbawas na ako ng foot prints sa cyberspace, pero wala, nagdagdag na naman ako nitong panibagong entry. palaging nakakaulul ang pangangailangang makipagusap sa wala, tulad mo, dahil wala ka naman. iiral ka lang kung tutugon ka rito, paguusapan natin ang pagiging wala mo. sa pagkakataong iyon, iiral (exist) ka na. weird mo.
pivotal, na naman, palagi na lang. may pivotal na namang naganap nitong katatapos na weekend. may nagtatahi sa gabi ng mga pagtatanghal upang alalahanin ang masaker (hlmx) at sa relaunch ng alamat ng panget. may tumawid sa una, patungo sa huli, mula maskom tungong morato, at nakadagdag sa pagiging buhay ko (alive and fvcking killing) ang naturang problema. nakadagdag sa pagiging buhay, dahil suliranin ang naturang problemang dapat lutasin. pasasalamat sa mga kaibigang nagpahayag ng kahandaan sa pagtulong.
tatapusin ko ang cryptic sharing ng saloobin sa pag-iiwan ng 1) tulang ito, ambag sa patimpalak ng km64, at sa kampanya para sa katarungan; at 2) ng photo caption na may iba't ibang suson o antas ng kahulugan:
meron akong ANO? meron akong [alamat ng panget at iba pang] kwento