urriculum Vitae? Seriously?
Okay, allow me to sell my
or kung gusto mong tagalog, at medyo updated (12132011)
Fellow si Acuña para sa Poetry and Fiction in Filipino noong 10th IYAS Creative Writing Workshop. Nagtapos siyang cum laude sa programang BA Communication Arts (writing major) sa Unibersidad ng Pilipinas Los Baños, kung saan naging punong patnugot din siya ng UPLB Perspective. Maiispatan ang ilan sa iba niya pang katha / likha sa Duguang Lupa at Tulagalag ng KM64 Poetry Collective, sa Sunday Times Magazine, sa Kritika Kultura: The Anthology of New Philippine Writing in English, sa UNDER THE STORM: An Anthology of Contemporary Philippine Poetry, sa Philippines Free Press, sa UP Forum, sa Quarterly Bathroom Companion Comics Compendium, at sa Blinds: Pantas Tomo IX. May apat din siyang komix tungkol sa UPLB na mabibili pa rin pero hindi sa mga suking tindahan ng libro: Lihim ng mga Lespu, Ang Engkwentro sa Palma Bridge, Panayam kay Io at Ang Sandatahang Banga, kung saan ang naunang dalawa ay isinalang sa nasabing palihan. May masasama pa siyang mga balak na maglabas pa ng mga katulad na materyal. Sa daigdig ng sining-biswal, ng komix, ng http://carcosite.blogspot.com, at ng pang-araw-araw na buhay, umiiral siya bilang si Tilde.
dsdasfa
ReplyDelete