Monday, August 15, 2011

31-DAY WRITING CHALLENGE #006 - 008 - TRINITY

(EDSA / ELBI / RATM - ekprasis / dalit / salin)
Tatlong Marya ni Tilde Acuña

Maryang EDSA* (1: Ekprasis?)

Simbolo ng kapayapaan, reyna ng kalangitan,
ginintuan diumano hindi lang ang puso,
maging ang buto, balat at suot ng Maryang EDSA.
Sagisag daw ang dilaw ng pagbabago noong

matapos ang diktadurya ng umastang
Kristong hindi ko na inabutan, pero
ano itong natatanaw? Malabo man ang

mata, tiyak kong malinaw ang aking isip
sa nasasaksihang pangitain ng nakalipas
na kinabukasan: tumatangis ang Marya

ng EDSA, hindi ng tubig, kundi ng tintang
pumupulandit; at lumuluha ng namumuong
likidong nagiging nag-aalumpihit

na mga uod hanggang tuluyang maagnas
ang maskara at sumisingaw ang lansa
ng nabubulok na butanding at naglilipana

ang mga galamay ng mga pugita mula
sa gula-gulanit na abitong gintong
pinipira-piraso ng mga apendaheng

nagiging ulupong na lumalason sa utak
ng mga walang muwang hanggang maging
bangkay sila nang hindi nila nalalaman.

Ang kanina'y altar o dambana, ngayo'y
puntod na. Tunay kang sagisag ng pagbabago,
reyna ng kalangitan, simbolo ng kapayapaan.

*Epifanio Delos Santos Avenue -- nagkaroon daw dito ng rebolusyon noong 1986.

Maryang ELBI* (2: Dalit?)

Batung-bato na ang Maryang
estatwang may bangang bitbit.
Tirik-matang nagbibilang,
hindi ng poste, kundi ng

mga paso. Batu-bato,
seme-semento wala nang
samyo ng hamog at damong
malanghap sa gazebo niyang

pedestal. Lansa lamang ang
gumuhit sa kanyang ilong;
Batung-bato sa sangsang na
kundi tamod ay dugo ng

mga nilaglag na 'skolar
na kulang sa matrikulang
gagastusin sa palayok
na batung-bato sa kanyang

pag-iral. Masunurin at
humayo't nagpakarami
silang mga banga ngunit
nagdulot ng pagkabato

ni Maryang nawala'ng sigla.
Dati, gumagalaw pa daw
ang dilag at bumabati--
hanggang puso niya'y nabato.

*Tawag sa University of the Philippines Los Banos ng mga nag-aral dito.

Maryang RATM* (3: Salin?)

Naglalagablab ang araw sa pagtapak
ni Marya sa kalatagan ng buhangin
sa hilagang lupain
bilang taong kontrabandong
ipinuslit ng milyonaryong
mula Jalisco para sa bossing.
Nang isalpak sa papag ng trak,
siya'y kumakapit sa krusipiho.
Heto na ang usok ng tambutso,
winawakwak ang kanyang baga,
palayong pumaspas papuntang pastulan
na tila bakang dumaranas
ng matinding lagnat.
Pawis at suka ang bumulwak,
at siya'y nagdarasal at nasasakal
sa alaala ng tahanan
ng mga armas ng kano para sa dugong inutang
ng nagbabagang mga bukiring dinambong ang tipak at buto
ng itinagong mga puntod na binitag ng bungang-isip ng digma
ng kawalan ng wala ng walang sinumang walang natira.
Ang lahat ng ito ang kanyang bulubundukin at himpapawid at
siya'y nagpapamalas
nang palagos sa madugong ragasa ng kasaysayan.
Siya'y isinisilang muli
at, tulad ng araw, nagmamaliw lamang upang muling lumitaw.
Siya'y nandito habang panahon.
Malapit na ang kanyang sandali.
Kailan ma'y hindi malulupig ngunit narito pa rin

Upang baklasin ang balatkayo.

At ngayo'y mayroon na siyang kota,
ang krusipiksyon ng karayom at sinulid,
binenta at dinispatsa sa bagong palugit
ng Mason Dixon,
nilalaslas ang maong,
isang pulgada mula sa kanyang ugat,
nang dumating ang bossing
na ngayo'y sa utak ni Marya tumatapak,
bumabayo, naninindak,
inaanod ang maghapong
walang minuto sa pagpapahinga,
walang saglit sa pagdarasal
at halos walang tinig
habang siya'y hinahagupit,
kaluluwa niya'y iginapos sa nais ng bossing,
"Tungkulin kong kumitil kung malilimot mong lumunok ng pildoras!"
Braso niya'y nangingisay,
pinalibutan ng mga kapatid niyang tumitili,
na parang nasa masamang panaginip,
mga mata'y nakatitig sa pulang batis,
manhid habang pulso'y tumutudla ng dugo sa sahig,
Ako'y kawalan ng wala ng walang sinumang walang natira.
Ang lahat ng ito ang kanyang bulubundukin at himpapawid at
siya'y nagpapamalas
nang palagos sa madugong ragasa ng kasaysayan.
Siya'y isinisilang muli
at, tulad ng araw, nagmamaliw lamang upang muling lumitaw.
Siya'y nandito habang panahon.
Malapit na ang kanyang sandali.
Kailan ma'y hindi malulupig ngunit narito pa rin,

upang baklasin ang balatkayo,
upang baklasin ang balatkayo,
upang baklasin ang balatkayo,

walang minuto sa pagpapahinga,
walang saglit sa pagdarasal,
walang minuto sa pagpapahinga,
walang saglit sa pagdarasal,
walang minuto sa pagpapahinga,
inaanod ang maghapon,
isang pagkakataon lang para magdasal

Upang baklasin ang balatkayo
baklasin ang balatkayo
upang baklasin ang balatkayo
upang baklasin ang balatkayo.

*Rage Against The Machine. Rapmetal band. Baka trip itong iperform ng Axel Pinpin Propaganda Machine. Mukang bagay dahil pareho namang may machine. Walang bantas. Si Che Guevarra talaga. Si Che yung vocalist ng Rage Against the Machine. Old Joke. Andito ang orihinal:

http://www.ratm.net/lyrics/mar.html

MARIA

Tha sun ablaze as Maria's foot
Touches tha surface of sand
On northern land
As human contraband
Some rico from Jalisco
Passed her name to tha boss
She stuffed ten to a truckbed
She clutches her cross
Here comes tha exhaust
And it rips through her lungs
She's off fast to tha pasture
Like cattle she'll cross
Degree 106
Sweat and vomit are thrown
And she prays and suffocates
Upon tha memories of home
Of Yanqui guns for blood debts on tha loans
Of smoldering fields rape rubble and bones
Of graves hidden trapped up in visions of war
Of nothing no one nobody no more
These are her mountains and skies and
She radiates
Through history's rivers of blood
She regenerates
And like tha sun disappears only to reappear
She's eternally here
Her time is near
Never conquered but here

To tear away at tha mask

And now she got a quota
Tha needle and thread crucifixion
Sold and shipped across tha new line
of Mason Dixon
Rippin' through denim
Tha point an inch from her vein
Tha foreman approach
His steps now pound in her brain
His presence it terrifies
And eclipses her days
No minutes to rest
No moment to pray
And with a whisper
He whips her
Her soul chained to his will
"My job is to kill if you forget to take your pill"
Her arms jerks
Tha sisters gather round her and scream
As if in a dream
Eyes on tha crimson stream
Numb as her wrists spit shots of blood to tha floor
I am nothing, no one, nobody, no more

These are her mountains and skies and
she radiates
And through history's rivers of blood
she regenerates
And like tha sun disappears only to reappear
Maria she's eternally here
Her time is near
Never conquered but here

To tear away at tha mask
To tear away at tha mask
To tear away at tha mask

No minutes to rest
No moment to pray
No minutes to rest
No moment to pray
No minutes to rest
It eclipses her day
Just a moment to pray

ugh!

To tear away at tha mask
Away at tha mask
To tear away at tha mask
To tear away at tha mask

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]