Monday, August 22, 2011

31-DAY WRITING CHALLENGE #019 - 022 - SALIN

Pasensya na at inatake ng sakit ng ulo at ngayon lang ulit nagtangkang humabol sa hamon. Salin ulit ang mga ito. Bukod sa pag-aalay ng unang salin sa alaala nina Edith Tiempo at Kerima Polotan bilang pakikiramay sa literary community, pagdiriwang din ito ng parating na ika-262 kaarawan ni Goethe, kahit pa hindi na ako umabot sa reservation sa pelikulang Dante's Inferno na may tugtog ng Razorback, sponsored ng Goethe-Institut Manila. Medyo mahirap siyang isalin, btw! Mas nadalian ako kina Baudelaire at Brecht. Anyway! Heto na po. Andaming pasubali.

***

Burial by Johann Wolfgang von Goethe

To the grave one day from a house they bore
A maiden;
To the window the citizens went to explore;
In splendour they lived, and with wealth as of yore
Their banquets were laden.
Then thought they: “The maid to the tomb is now borne;
We too from our dwellings ere long must be torn,
And he that is left our departure to mourn,
To our riches will be the successor,
For some one must be their possessor.

Paglilibing salin ni Tilde Acuña

Patungo sa hukay isang araw mula sa bahay na kanilang ipinasan
ang isang dalaga;
Dumungaw sa mga bintana ang mga mamamayang dumayo upang masumpungan;
Sa luwalhating kanilang sinabuhay at yamang mula sa nakaraan
Kanilang salu-salo'y naging matimbang.
At kanilang naisip: "Ang dalaga patungo sa puntod ay isinilang ngayon;
Nagalusan maging tayong nagmula sa ating mga tahanan noong unang panahon,
At maging siyang naiwan ng ating nagdadalamhating pagyao,
Sa ating mga kayamana'y magiging kapalit,
Dahil marapat na sa kanila'y may magkamit.

***

Growth by Johann Wolfgang von Goethe

O'ER field and plain, in childhood's artless days,
Thou sprang'st with me, on many a spring-morn fair.
"For such a daughter, with what pleasing care,
Would I, as father, happy dwellings raise!"
And when thou on the world didst cast thy gaze,
Thy joy was then in household toils to share.
"Why did I trust her, why she trust me e'er?
For such a sister, how I Heaven should praise!"
Nothing can now the beauteous growth retard;
Love's glowing flame within my breast is fann'd.
Shall I embrace her form, my grief to end?
Thee as a queen must I, alas, regard:
So high above me placed thou seem'st to stand;
Before a passing look I meekly bend.

Pagbulas salin ni Tilde Acuña

Sa kabukiran at kapatagan, sa kamusmusang walang sining,
Kasama kitang sumibol sa pagdiriwang ng tag-sibol sa umaga.
"Para sa isang anak, na may kasiya-siyang pag-intindi,
Anong aking lugod sa tahanang tumatatag, bilang ama!"
At kung iyong tititigan ang daigdig,
Kagalakan mong nasa gawaing-bahay ay ibabahagi.
"Bakit ako nagtiwala, bakit nagtiwala ba siya sa akin?
Para sa isang kapatid, marapat papurihan ang Langit."
Ngayo'y wala nang pipigil sa kariktan ng pagbulas;
Pagsintang nagbabaga sa aking dibdib ay napaypayan.
Yayakapin ko ba'ng anino n'ya, lumbay kong walang katapusan?
Ay, bilang paraluman ika'y aking ituturing:
Sa pagkakatindig mo'y mataas pa sa akin ang kalalagyan;
Mapagkumbaba akong yuyukod bago ka tunghayan.

***

Petition by Johann Wolfgang von Goethe

OH thou sweet maiden fair,
Thou with the raven hair,

Why to the window go?

While gazing down below,
Art standing vainly there?

Oh, if thou stood'st for me,
And lett'st the latch but fly,

How happy should I be!
How soon would I leap high!

Pakiusap salin ni Tilde Acuña

O ikaw sintang dalagang marilag,
na may kinang ang buhok na kulay uwak,

Bakit ka nagsadya sa bintana?

Habang tumatanaw sa ibaba,
May ibinunga ba ang pagpwesto mo riyan?

Ay, kung ikaw ay nariyan para sa akin
at hahayaang pasalimbayin ang kawit,

Gaano na lang ang aking galak!
Gaano kakagyat ang lutang kong lundag!

***

Solitude by Johann Wolfgang von Goethe

OH ye kindly nymphs, who dwell 'mongst the rocks and the thickets,
Grant unto each whatsoe'er he may in silence desire!
Comfort impart to the mourner, and give to the doubter instruction,
And let the lover rejoice, finding the bliss that he craves.
For from the gods ye received what they ever denied unto mortals,
Power to comfort and aid all who in you may confide.

Pag-iisa salin ni Tilde Acuña

O magigiliw na nimpa, na namamalagi sa mga batuhan at kasukalan,
Pagkalooban ang bawat isa ng anumang lihim niyang hangad!
Gawaran ng kaalwanan ang nagluluksa at bigyan ang nagdududa ng tagubilin,
at hayaang magdiwang ang umiibig sa pagtuklas ng kanyang hinihiling.
Dahil natanggap ninyo mula sa mga bathala ang ipinagkait sa mga mortal,
Kapangyarihang magpaginhawa at tumuwang sa lahat nang sa inyo'y maglalahad.

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]