Hindi ko alam kung katulad ito nung quote na diumano e mula kay Bob Marley, yung paano ibigin ang isang binibini shit na di nagtagal, mukhang hindi naman pala mula kay rastaman at kumalat lang sa social media at inattribute sa kanya. Ewan ko kung ganoon din ito, pero, it's the thought that counts naman, e, di ba?
"Ang pinakabobo ay ang bobong pulitikal, hindi siya nakakarinig, hindi nakakaimik, hindi rin dumaranas ng mga karanasang pulitikal. Hindi niya alam na ang halaga ng buhay, ang presyo ng gulay, ng isda, ng bigas, ng upa, ng tsinelas at ng gamot, maging ng langis, ay nakadepende sa mga pagpapasyang pulitikal. Sukdulan ang kahangalan ng bobong pulitikal kaya taas-noo niyang ipagmamalaking ayaw niya ng pulitika. Hindi alam ng hunghang na, mula sa kamangmangan niyang pulitikal isinisilang ang puta, ang ulila, at ang pinakamatindi sa mga kawatan, ang trapo, binulok at inalipin ng mga pambansa at multinasyunal na korporasyon." -sinabi diumano ni Bertolt Brecht, tinangka ko isalin at dagdagan nang kaunti.
Tinangka kong hanapin yung naispatang quote sa facebook feed, pero hindi ko natunton kung saan galing ang nasabing sipi. Maliban pa sa The Cabinet, nakita ko itong painting na kasama ang orig na naispatang quote sa isa pang cabinet:
“The worst illiterate is the political illiterate, he doesn’t hear, doesn’t speak, nor participates in the political events. He doesn’t know the cost of life, the price of the bean, of the fish, of the flour, of the rent, of the shoes and of the medicine, all depends on political decisions. The political illiterate is so stupid that he is proud and swells his chest saying that he hates politics. The imbecile doesn’t know that, from his political ignorance is born the prostitute, the abandoned child, and the worst thieves of all, the bad politician, corrupted and flunky of the national and multinational companies.”
Okay, tama nang #Noynoying. Hindi ako makapokus dahil *some text missing* May shameless plug pala ako, bukas ko na ipaplug kasi wala pa yung, say, rekisito. Nga pala, natutunan ko ngayong araw na ito na bagamat walang gitling ang walanghiya, mayroon at maari nitong pagkabitin ang walang-hanggan. Naispatan ko lang ang link ni Makoy: "Gabay sa Tungkol sa Ispeling, Bokabularyo at Balarilang Pilipino."
No comments:
Post a Comment