Saturday, August 27, 2011

31-DAY WRITING CHALLENGE # 028 - TULA

Para Sa Ating Mga Poncio Pilato

"Bakit pa pepreno? Simple lang: Bobo
Si Chris Lao. Sinumang ilulusong
Ang kotse sa baha at inakalang
Hindi ito lulutang ay mangmang,
Walang pinag-aralan, katawatawa."

LOL.

"Bakit iintindihin ang sining? Bastos
Si Mideo Cruz. Nakakaoffend ang uten sa
Mukha ni Kristo, pero hindi ang
Banal na mga titing pilit sumisiksik
At nanghihimasok sa ari ng iba."

GBU.

"Bakit hindi magagalit kay Soriano? Gago
Ang sinumang bumaboy sa sariling wika lalo
Kung Buwan ng Wika! Putangina, mahiya ka
Sa Inang Bayan! Mag-Filipino ka, at nang
Mabawasan ang lansa mo, Conyong taksil!"

STFU.

Hindi, hindi ko sisisihin ang mga nagbitiw
Ng mga kahawig na kataga dahil lahat tayo'y
Minumulto ng krisis: Imbis na libro, basura
Sa tv at iba pang midya ang hinahain sa atin.
Imbis na Kristong tumuligsa sa mga Pariseo,

K.

Kimi ang Hesus na ikinukwento sa pulpito.
Imbis na pagmamahal sa sambayanan, makitid
Na pagtingin sa wikang pambansa ang pangaral ng
Pamantasan (Alalahaning makabayan ang mga
Alemang Nazi). Ganito ang aking mungkahi:

TNX.

Bakit hindi ituring na salik ang pag-aaral ng
Mga nabanggit na kristong maaring hindi kristo
Sa mga "dekalidad" diumanong pamantasan? Bakit
Tila sinuka sila ng bayan? Mas mainam itanong:
Bakit tila hindi nila nakasalamuha ang mamamayan?

BYE.

Matapos magmuni, huhugasan ko ang aking kamay,
At bahala na kayo kung muli ninyo silang ipapako
Sa Krus ng kalbaryo ng birtwal na daigdig kung saan
Ang may impormasyon at ang nakakapagpalaganap nito
Ang nagiging pansamantalang panginoon at diablo.

4 comments:

  1. ang lalim ng nais mong ipahiwatig...

    ReplyDelete
  2. hindi ko naman ho tinangka na palalimin, pero kung may nahinuha ho kayong mas malalim na mensahe, wala rin namang problema. salamat sa pagbisita.

    ReplyDelete
  3. Replies
    1. Salamat! Lalabas ito, hopefully, somewhere. Mangwawalanghiyang shameless plug, kunsakali. Nakow, wag nawang mapreempt. Hehe.

      Delete

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]