[source]
(May disclaimer sana pero, sa dulo na lamang ho. Dito na ho nagwawakas ang paglahok sa 31-Day Writing Challenge, at sa dulo na rin ang iba pang komentaryo. Salamat ho!)
“Kathanga(h)an!,” Komentaryo ng Kalbo (firstime fanfiction ni Tilde Acuña)
Tinipon ang mga artikulong ito mula sa “Nampota, Hasel Todits!,” ang pansamantalang kolum ni Spider Jerusalem sa pahayagang MENSAHE NG MAYNILA. Sabay-sabay nilimbag ang mga ito nang tatlong ulit tulad ng pakiusap ng may-akda. Ito ang dahilan kung bakit patung-patong ang kasong isinampa sa MENSAHE. Naglaho ang may-akda at kinalulungkot naming hindi namin nabayaran ang isa’t isa sa mga dinulot na pinsala ng mga artikulong ito kaya minabuti naming ilimbag na lamang at ibenta upang kahit papaano’y makabangon muli ang MENSAHE.
–Punong Patnugot
Panimulampotangena!
Oo, tangina ano? Pang-ilang insulto na ba ito sa akin? Ako na naman ang nagsusulat ng paunang salita sa sarili kong kuleksyon. Eto kasing editor kong si Royce, parang gago. Sabi ko, nasa ibang panahon ako na para na ring ibang daigdig dahil sobrang atrasado, kingina, tas ang sabi ba naman sa akin ng gago, magjakol na lang daw ako. Tapos yung mga alalay kong chics, ang sabi sa akin, day-off daw nila. Kahit yung publisher, ayaw gumawa ng introduksyon. Pero bilang responsableng mamamahayag, ginawa ko itong panimulang salitang ito para maipakita sa inyo ang dedikasyon ko sa paghahanap ng Katotohanan.
At ano namang inasahan n’yo sa akin? Ano? Hindi n’yo ako kilala? E mga pukingina pala kayo, eh. Hindi n’yo ako kilala, tas aasahan n’yong babatiin ko kayo ng, “Hello, you guys! I love you all and I’m so happy to welcome you to my very new collection of dreams and tourism and love for the countrymen and the nation—” Ganun ba ang tipo n’yo? Yun ang inasahan n’yo? E mga bwakanangina n’yo pala talaga, eh. Kung gusto n’yo ng ganun, bumili kayo ng kuleksyon ni Kris Aquino, kung mayroon. O pwede ring kay Jonas D. Drothers, Jonas Drothers. Ewan kung sino man ang mga iyan, basta narinig ko lang ang mga pangalan dito sa Siyudad ninyo.
Bagamat humihina ang baga ko sa Siyudad n’yo dahil masyadong malinis ang hangin (oo, tarantado, alam ko sinasabi ko, malinis pa ang hangin dito sa inyo) kumpara sa Siyudad na pinagmulan ko, kaya ko pa ring hampasin ng crowbar ang kahit sinong nagtatago ng Katotohanang hinahanap ko kahit hindi ko kasing tikas yang pinagtitilian ninyong Azkals na supot naman sa palakasan pero andaming patalastas—andaming patalastas, ha, galing ako sa mundong kahit saan ka lumingon, may hihindot sayo’ng impormasyon, sa ayaw mo at sa gusto.
Iklian ko na lang hanggat maaari ang salaysay kung bakit nangyari ang tanginang trip na nagbunga nitong pagbisita ko sa Siyudad n’yo. Nakasalubong ko kasi si King Mob. Malay ko kung anong ginagawa niya sa Siyudad noong mga panahong iyon. Pero basta, puta, badtrip ako n’un, at kinailangan ko ng tropa. Di ko alam kung nasaan ang mga tao, o kung naglalaplapan ba yung mga alalay ko o ano, pero si King Mob, bigla ko na lang nakitang tumatakbo at namamaril. Edi sinabayan ko tas akala ko, binibira rin siya ng mga bata ni Beast o ni Smiler. Kinapanayam ko siya para naman maupdate ang sarili sa mga nangyayari sa pulitika bilang responsableng mamamahayag. Hindi ko kilala ang mga sinasabi niyang kaaway na Outer Church, etc, etc. Wala rin naman akong gaanong pakialam sa mga gerang nilalahukan niya ano, at may sarili akong gera! Pero nagkaroon ako ng pakialam nang makita ko ang mukha niya.
Hindi naman ako nabakla dahil kung nabakla ako, parang titi naman akong pinagjajakulan at pinanlilibugan ang sarili. Dahil, nampucha, kamukha ko si King Mob. Nang tanungin ko kung marami pa kaming magkakamukha, tumango siya at nagbigay ng dalawa pang pangalan. Binigyan ko siya ng libreng turok, kung nadidigs mo. Bilang kapalit, tinulungan niya akong “bumalik”—o “maglakbay” dahil para sa akin, bahagi ang karanasang yun ng pagsulong papunta sa isang hinaharap—sa ibang oras at ibang panahon. Tulad ng payo niya, una kong pinuntahan ang telepatikong lumpong chic boy na propesor na magtuturo sa akin kung paano magsalita sa Wika ng inyong Siyudad. At sa isang komix convention ko siya dinatnan.
Ang Baldadong Kalbong Edukador-Kuno
[source]
May habilin si King Mob na mag-ingat daw ako kay Propesor Xavier dahil tuso daw ang gago. Kaya daw nitong basahin ang isip at magbura o magmanipula ng alaala. Ha! Ako? Pucha, ulul, pakyu! Matagal nang magulo ang utak ko at sabit-sabit ang alaala, kaya hindi ko alam kung paano niya pa ito guguluhin. Nadama ko ang bentahe sa una pa lamang naming pagkikita dahil nakakunot ang noo niya na para bang hirap na hirap at parang matatae na hindi mo maintindihan. Sabay tanong kung sino raw ako, saan galing, at baka daw “mahalata” kami.
Edi syempre, sinagot ko, at sinabing mamamahayag ako ng MENSAHE NG MAYNILA at kailangan ko siya mainterview para sa aking kolum. Sa ingles pa kami nag-uusap, kasi, potangena, ano ‘ko, linguist tulad ng bayani n’yong si Rizal? Mas malupit naman ako nang di hamak doon, ano! Marami pang tinanong si Propesor, kesyo hindi pa daw siya nag-a-out na mutant siya, kesyo delikado, kesyo baka daw malagay sa peligro ang buhay niya at ang disposisyong pinanghahawakan niya, at iba pang kahindutang kabaklaang hindi ko maintindihan. Sabi ko, ganito ko ipapakete sa kolum: cosplayer siyang magkokomentaryo sa kalagayan ng edukasyon. Tiniyak ko rin sa kanyang gaguhan lang panayam, ang lahat, at basta ang gusto ko naman talaga ay magkaroon ng pagsusuri sa krisis sa edukasyon at batayang serbisyo, etc.
Tangina n’yo, wag n’yo ko husgahan. Syempre, kailangan kong manloko at gumamit ng mga lumpen na paraan para maipahayag ang Katotohanan. Pasalamat ka sa pamamaraan ko at nababasa mo ang obra maestra ko ngayon. At mas maganda sigurong abangan kung anong gagawin mo matapos ang mga rebelasyong isisiwalat ko, kaysa naman pansinin mo pa ang mga pamamaraan ko. Eh ikaw, ano bang ginagawa mo at paano at anong gagawin mo matapos mabasa itong mga katarantaduhang naririto? Basta hakbang ito sa Katotohanan at sa unang araw ko sa Siyudad n’yo, tinuruan ako ng Propesor ng inyong Wika, at nagtiwala naman siya sa akin.
Natagalan nga lamang kaysa sa normal ang pagtuturo ng Wika dahil nahirapan daw siyang magpasikut-sikot sa mga kabuktutan ng utak ko. Pinagyaman kasi ang aking isip ng mga bawal na gamot na yari sa teknolohiya ng pinagmulan kong Siyudad. Nagtakda na lamang kami ng sunod na pag-uusap at mabuti na lang at matagal itong mga kaululang komix convention na kahawig noong mga pagtitipon ng daanlibong relihiyon sa Siyudad namin. Hindi ko alam kung mabuti o masama na monopolyado at sentralisado ang relihiyon dito sa inyo.
Dahil sa napansin, nagdamit ako bilang Hesu-Kristo sa anime convention at kapag tinatanong kung sinong kinocosplay, sinasabi ko na lang na yung main character sa Jesus manga—ang pinaka-rare na manga sa sanlibutan na ako lang ang mayroon, kaya naging ‘astig’ ako sa mata ng mga cosplayer. Gagamit na lang ako ng pormula para ibuod kahit papaano ang napagusapan namin, na karamihan, sabi ko, off the record naman, pero dahil ako ito, na hindi niya kilala at maaring hindi mo kilala, nakakuha ako ng maseselang mga impormasyon:
Nang tanungin kung saan siya nagtuturo at anong, parang, press release niya, sinabi niyang sa Pamantasan at itinalaga na raw siya sa iba’t ibang matataas na posisyon dahil na rin sa kanyang kapangyarihan sa pagmamaniobra ng mga isipan ng iba. Kita ninyo, mga ungas? Wala kaming pinag-iba at magkamukha kami! At, dagdag pa niya, ginagawa niya raw ang mga ito para rin sa ikabubuti ng Pamantasan at para makapagpanukala na rin ng mga patakarang magtatanggol sa mga maglaladlad na mga mutant na nahihiya lang mag-out dahil sa malaking posibilidad ng diskriminasyon. Parepareho lang daw ang nadarama ng mga mutant na hiya, kahit pa sa Siyudad na ito, kung saan hayok sa landing o exposure sa masmidya ang mga tao.
Nang tanungin kung anong tingin niya sa edukasyon, nagmalaki siya ng mga nagawa. May sarili daw siyang “institute for learning” kung saan pinangangalagaan niya diumano ang mga espesyal na kabataan—yung mga mutant nga. At kung anu-anong shit na ang sinabi niyang hindi ko naman tinatanong hanggang ipinasok ko sa usapan ang pondo. Ang pondo raw ay nagmumula sa iba’t ibang mga NGO at LGU at pribadong korporasyon. Balak din daw niyang magtayo ng ganoong institute dito, at mabuti na lang daw na may public-private partnership program ang pamahalaang ito. Parang mauutot ako.
Nang tanungin kung hindi ba magiging mahal ang babayaran ng mga potensyal na estudyante, ngumisi lang siya—na pucha, parang si Smiler—at sinabing yun nga raw ang dahilan kung bakit humihingi siya ng tulong sa nasabing mga organisasyon. Babayaran na lang daw ito ng mga iskolar “in kind.” Napansin niyang magtatanong pa ako kaya sinagot na niyang sa pamamagitan daw ng pagseserbisyo sa mga sangay o anumang may kaugnayan sa mga nasabing organisasyon, mababayaran daw ng mga mutant ang matrikula. Dito na nagpantig ang tainga ko.
Naitago ko naman ang pagdidilim ng paningin, kaya nakagawa pa ako ng hakbang bago siya parusahan. Nagyaya akong ililibre ko siya bilang pasasalamat. Dudukot ako kunwari ng pitaka, pero ang aking sandata ang binunot ko: ang bowel disruptor. Para itong baril at batay sa pangalan, magkakaroon ka ng ideya kung anong kapangyarihan ang taglay nito. Tulad mong tangina mo ka, hindi niya alam kung anong kakayanan ng baril kong ito kaya hinamon ko siyang basahin ang iniisip ko. Wala siyang nasabi at nanatili ang mukha niyang ganoon hanggang iwanan ko ang bituka niyang nagbubulwak ng burak. Naging mabait ako at ang setting na “moderate to heavy diarrhea” lamang ang ipinataw kong parusa sa kanya.
Bagamat iligal, paborito kong armas ang bowel disruptor dahil bukod sa hindi naman ito nakamamatay, wala itong naiiwang kahit anong bakas. Oo, gago, hindi ‘to nakamamatay, pero kung mahina ang katawan tulad neto ni Propesor, maaring mawalan ng malay ang biktima—na sa pagkakataong ito ay parang na-comatose na hindi ko alam kung dahil sa pagtatae o kahihiyan dulot ng pandidiri sa sarili. Daig pa niya ang tumae lamang sa salawal dahil nakaupo at nanatili siyang nakaupo sa naninilaw niyang wheelchair nang mangyari ang sakuna.
Ang Salamangkerong Anarkistang Kalbo
[source]
Tutal, nasimulan nang edukasyon ang paksa, at mukhang may kinalaman dito ang asal at pakikitungo at kultura at maraming bagay sa Siyudad na ito, minabuti ko na ring sumama sa mga nagrarally para sa dekalidad na edukasyon. At katulad na katulad ni Smiler sa pinanggalingan ko itong presidenteng pinupulaan sa mga sigaw at sa mga plakard. Ngiti lang nang ngiti ang putangina na nadinig kong puta raw talaga ang ina. Kung gaano yun katotoo, e, hindi ko pa malaman at iba naman ang Katotohanang hanap ko sa mundong ito, at tulad ng nabanggit, o masyado akong sabog para maalala kung nabanggit, gusto ko lang namang mag-enjoy at magliwaliw at makilala ang mga kamukha ko. Nakakasurpresang may kamukha rin pala ang mga tarantadong burukrata sa Siyudad ko sa Siyudad na ito. At ang sunod kong kinapanayam nang hindi sadya ay hindi lang may kamukha. Isang photocopy ng kaibigan. Siya mismo. Si King Mob.
Nilapitan ko siya at tinanong kung bakit galit na naman siya sa gobyerno at kung underground ba siya. Tinitigan lang niya ako at sinabing baka daw ikamatay niya ang mga paratang ko, at kinuwestyon niya rin ang pagkatao ko, tulad ng Propesor. Sabi ko na lang, e punyeta naman kasing demokrasya ito, hindi pa kumikilos ang lahat ng tao, pucha. Ang sagwa pero, may kakatwang lubag ang loob namin sa isa’t isa. Baka dahil pareho kaming mukhang durugistang lutang na prinsipyado at may sinasabi pa rin namang may silbi. At, siyangapala, putangina nitong mundo ninyo, ang hirap na nga huminga dahil sa kakulangan ng carbon dioxide, hindi pa umuubra ang antipara kong kamera. Kaya wala na akong magagawa at gumuhit na lang ako sa kung anumang tawag dito. Papel. Tama? Kala n’yo, bobo ako? Mga gago.
Sa pagguhit ko ng tila mga self-protrait, parang mga accessories lang ang pinagkaiba ko sa mga ito. At tattoo na rin siguro. Walang tattoo si “Gideon,” kaya mas malaki ang titi ko sa kanya. Pero malakas din ang apog nito dahil tangina, anarkista ang gago. Bossing pala siya ng isa sa mga kolektib ng anarkistang organisasyong tinatawag na “Imbisibol.” Mas marami pa akong nadiskubre sa kanya at marami siyang alam na kung anu-anong shit na conspiracy theories. Mukhang nagsasaliksik parati. Pero sa katunayan, hindi ko alam kung mas nakatatanda o mas nakababata itong King Mob na kinakausap ko. May iba sa kanya.
Tulad ng gawi, sinabi kong mamamahayag ako at may kolum ako sa MENSAHE NG MAYNILA at baka pwedeng magtakda kami ng mas pormal na interbyu, at ang magiging output ay isa sa tatlong bahagi ng isang limited edition, once in a life time serye kong “Nampota, Hasel Todits!” Dahil sa bentaheng baka mahanap niya ang sunod na rekrut kung magkakaroon siya ng publicity, pumayag si kalbo. Sa tono nga lang ng pananalita, parang mas may yagbols yung unang King Mob na nakausap ko. Ang gulo naman ng Panahon at Espasyo, putanginang iyan!
Kinabukasan, nagkita kami sa kapihan sa Pamantasan tulad ng tinakda namin kahapon. At halos katulad nung mga tinanong ko kay Propesor ang binalangkas kong mga tanong, pero siyempre, dahil hindi naman ako tuod na robot tulad ng ibang nakita kong mamamahayag ditong nakarekord na ata ang lahat at scripted ang tanong at may maitanong lang, maaring magbago ang mga tanong, dipende sa palitan namin ng kuru-kuro. Tsaka karamihan pa rin ng diyarista dito, pucha, parang mga gago. Obhetibo, walang kinikilingan, mga ulul! Mga pakyu! Kaya nananatili sa anak nampotang lusak ang mga Siyudad dahil sa hindi paninindigan para lang manatiling ligtas. Kung si Smiler o ang Smiler ng Siyudad n’yo ang pag-uusapan, wala dapat obhetibo obhetibo. Patawan ng karampatang trato ang mga tarantadong pulitiko.
Kaya ayos naman itong si Gideon dahil halos nagkakasundo kami sa puntong iyan—ang pagpanig ng isang manunulat, o ng kahit sino, para maipakita man lamang na nag-iisip siya at hindi nag-uulat lamang ng kung anong nangyari. Edi sana, nilagyan na lang ng, kumbaga sa Siyudad ninyo, CCTV, para obhetibo at walang kampihan, pero, bwakanangina, wala ring pag-unlad kung ganoon. Kung gusto mo maging obhetibo, tangina mo, tumigil ka na sa pagbabasa, at baka mag-init ang ulo ko, sabihan pa kita ulit ng tangina mo, duwag!
Una kong tinanong ang hinggil sa pag-aaklas, kung ano bang magagawa nito, at kung bakit niya ito ginagawa. Dito na ako bahagyang napailing sa kanya, nang sabihing sa ganoon niya nakikita ang pagbabagong lipunan, sa reporma, sa pagkilos lamang sa lansangan. Sapat na raw yung ganoon. Kahangalan. Nampota pala neto, sabi ko sa loob ko, dahil, pucha, rally, anong mararating nun? Rally lang? Tumingala siya sa langit kung saan sinasabing naninirahan ang mga panginoong iniimbento ng mga putanginang mga debotong nito. Maya-maya’y umamin siyang tumiwalag na siya sa Imbisibols, at tumutulong na lang siya paminsan.
Sunod kong tinanong, kahit wala sa listahan, ay ang dahilan ng pagbaliktad niya. Itinama niya agad ang tanong ko at sinabing hindi siya nagtaksil. E gago ka pala, ba’t ka umalis at hindi na lang tumulong sa internal na pag-aayos ng organisasyon ninyo? Anlabo nampota. Akala ko ba, naghahanap kang rekrut? Hinawakan ako nito sa kwelyo at agad ko namang sinunggaban ang aking upuang ipanghahambalos, pero kapwa kaming parang tangang natigilan. Una siyang bumitiw, at hinagis ko ang upuan sa salamin. Dumampot siya ng isa sa mga bubog, at ihinarap sa akin hanggang maaninag ko ang mukha ko.
Tarantado, alam kong magkamukha tayo, bulyaw ko sa kanya. Tuluyan niyang binasag ang bubog at ikinwento ang nangyari sa isang misyon nila sa Roswell—kung anong misyong ito, hindi na niya pinalawig, basta ang mahalaga, may inumit daw siyang mahiwagang bubog na nagpakita sa kanya kung gaano karahas ang karahasan. Ay, gago ka pala, karahasan nga, putangina, wag mo ko daanin sa talinghaga mo, ano ka, makata? At sumagot ang gago. Nobelista raw siya noon. Nabanas na ako at iniba ko ang pinaguusapan.
Bilang huling katanungan, dahil gusto ko na siyang gulpihin para lang isuka niya sa dugo ang Katotohanan kung bakit siya tumiwalag, nagpigil na lang ako at tinanong kung anong plano ng kanyang grupo at kung paano nila tinitignan ang lipunan, at ang panitikan at pamamahayag sa kani-kaniyang partikularidad nito. Hinabaan ko na ang tanong, dahil ang gusto ko na lang ay pakinggan ang carbon copy na tumulong sa aking maglakbay sa Siyudad ninyong ito. Ang King Mob sa ibang panahon at espasyo. Mas malala ang sinagot nito. Magrarally daw sila tuwing walang klase, at hanggat maaari, laging papasok sa klase para maperpekto ang attendance. Sa gayong paraan daw, sa pag-aaral, sa minsanang pagrarally, sa pagsusulat tulad ni Rizal, mapabubuti nila ang kalagayan ng Siyudad. Idolo niya raw si Propesor Charles. At isa pang idolo niya kaya siya nananatiling kalbo ay si Lex Luthor na tumutulong magpuno sa kulang na badyet ng Pamantasan. Mission accomplished ako, tarantado! Dahil may ideya na ako kung sino ang huling pupuntahan, nagprisinta na akong magbayad ng inorder naming kape. At, tama, nalasap niya ang bangis ng bowel disruptor. Nakakadismaya, at sana akala ko lang na siya si King Mob. Hindi, pangungumbinsi ko sa sarili, nagkocosplay lang rin siguro ito bilang King Mob.
Dahil nabadtrip ako, ang ipinataw kong parusa sa kanya ay “complete rectal prolapse.” Iwinaglit ko sa isipang militante itong si Gideon. Swerte lang pala at pagpapala ng panginoong HesuKristo na natyempuhan ko siya sa bihira niyang pagkilos at pakikisangkot. Mabuti rin palang nagbigay-pugay ako kay Kristo nung isang araw sa pamamagitan ng pagko-cosplay, at sinwerte akong makapanayam ang cosplayer na King Mob. Teka, swerte nga ba? Torture sa aking iwaglit ang mga napagusapan namin ni Gideon. Nakakaputangina.
Ang Burukratang Negosyanteng Kalbo
[source]
Hindi ko na mawari kung tinarantado ba ako ng unang nakilalang King Mob sa Siyudad kong pinagmulan. May ganito palang Siyudad na parang hinindot na pekpek at sinalpakan ng mga tamod ng iba’t ibang hayop at putik at libag at pawis ng iba’t ibang mikorobyong nagdudulot ng masangsang na amoy na mas matapang at mapangwasak pa kay Cthulhu ang amoy na gumuguhit sa ilong hanggang sa isipan hanggang sa utak hanggang sa spinal column hanggang sa lahat ng ugat patungo sa kaluluwa. Nanunuot ang masidhing lansa na gusto ko nang agad na ilabas pero hindi mailabas dahil pilit na pumapasok ulit. Tanginang gobyerno, tanginang mga tao, sino ba ang hindi tangina sa Siyudad na ito? Wala rin palang pinag-iba sa Siyudad na pinanggalingan ko. Dibale, isang pekpek na lang, at ipapasa ko na sa publisher ang huling kolum na ito, at jajakulin ko na ang portal para labasan at ilabas ako sa Siyudad—Ang Siyudad.
Hindi mahirap hanapin si Luthor. Punung-puno kasi ng pangalan niyang pangalan rin ng mga korporasyon niya ang lahat ng produktong binebenta sa Pamantasan, at maging sa mga binebenta sa suking tindahan o mga bangketang ukinamshet sa pamimirata. Ukinamshet sa nakakatawa at nakakatuwang paraan dahil nilalapastangan talaga ang mga produkto ni Lex at binebenta sa mas murang halaga. Kaya kahit papaano, natitira nila sa puwet ang negosyanteng dati palang naging Presidente ng siraulong mundong ito. Tulad ng ibang mga dating Presidente, napanatili niya ang kuneksyon at kapit sa kapangyarihan. Hayup, matindi sigurong pagpuputa at pamumuta o pambubugaw ang ginawa nitong kinginang ito.
Hindi siya mahirap hanapin, pero mahirap maka-appointment. Matapos matunton ang opisina niya, dalawang araw ang lumipas bago kami nagkaharap. At matindi ang pinagdaanan ko sa ngalan ng paghahalungkat sa Katotohanan, at hindi naman ako nagsisis. Dahil hindi naman ako kasintanga ng mga nabalitaan kong pulis na humawak sa isang hostage krisis kamakailan, naghanda ako ng sapat na armas. Pang-finale at nireserba ko para kay Luthor ang secret weapon. Nasaid ang mga mga punglong dala ko, at dumating na sa puntong kinukuha ko ang mga armas ng mga napapatumbang putangina. Nang wala na talagang madekwatan, nariyan naman ang mga bangko, at pwede namang magsilbing crowbar ang anumang kahugis o kahawig nito.
Tulad ng maraming pa-astig na nakakapakyu na mga putanginang nasobrahan ata sa pagtitikol at ikinosplay ang Godfather kahit hindi naman ito anime, humarap ang nakaupong si Luthor na parang mafia boss—malumanay pero maangas kumilos, may kumpyansa sa sarili, at parang titi kung umasta. Itinuwid nito ang braso bilang mwestra ng pagiging maginoo. Nakikipag-kamay si gago. Dahil katulad niya rin akong gago, hindi ko pinansin ang alok niyang shakehands. Nagpakilala na lang ako bilang kolumnista ng MENSAHE NG MAYNILA, at nagpahayag ng interes sa sobrang busilak niyang damdaming singputi ng tamod na nais tumulong diumano sa Pamantasan na walang bahid ng layuning mambuntis at manghindot.
Ngiti ang putangina. Akala siguro niya, tiniis ko ang lahat ng sakit ng katawan, nabasag ang mukha ko, at nagkaroon ng bitak ang mga tadyang ko, para lamang makipagsalsalan sa kanya. Ulul! Dahil inutil ang gago, agad naman itong nagbahagi matapos tiyaking mamamahayag nga ako at maililimbag ko ang artikulo. Marami ring off the record, at babanggitin ko na para hindi makaabala mamaya sa paglalahad ko ng katigangan ng manyak na ito na wala yatang balak tumigil sa panggagahasa sa Siyudad at sa pagchupa sa sinumang tutulong sa kanyang maabot ang pangarap niyang maabot ang sukdulan ng libog at yaman.
Sa pagitan ng mga palitan, may mga pagkarinyo at pambubrutal na naganap. Minsan, bigla niyang tatanggalin ang kandado ng kahadeyero at mayamaya’y magbibilang na siya ng pera. Tapos, biglang bubuksan niya ang isang aklatan na hindi pala aklat ang mga nakasilid, kundi mga dekalidad at matataas na kalibre ng armas na halos katumbas na ng mga armas sa Siyudad na pinagmulan ko. Tapos, magbubuklat siya ng magazine ng mga chics at tatanungin kung anong mga putahe na ang natikman ko at kung ano gusto kong tikman. Mga ganoong tipo ng mga pagpapatagal sa panayam, sa kabila ng matinding pagnanais kong bumatsi na.
Pero hindi ako lumayas at hindi tumakas dahil bilang responsableng mamamahayag, dapat ko munang gawin ang aking tungkuling hanapin at ipahayag ang Katotohanan, at dahil edukasyon na rin ang paksa, doon ko na rin itinuon ang panayam. Nang tanungin sa mga polisiya niya noon sa edukasyon, at kung napatupad ba ito, hambog itong sumagot na nakabuti raw ang pagtaas ng matrikula na ngayon lamang napatupad sa Pamantasan, at sana raw ay dati pang naipatupad para agad nang napunuan ang kakulangan sa badyet na binibigay ng gobyerno.
Sinabi kong dapat singilin ang pamahalaan dahil nasa kanila naman ang buwis, at tulad ng karamihan ng mga negosyanteng ang interes lamang ay kumita, sinabi niyang hindi naman na raw iyon kailangan. At isa pa, panyero niya daw ang Smiler, o ang Presidente ng lahat ng mga Siyudad dito. Tumayo siya at kumuha ng replika ng daigdig at hinawakan ito na para bang siya ang manghuhulang may hawak sa kapalaran ng mundo. Ngumiti na naman siya ng ngit ng isang titing malapit nang makakantot at pinaliwanag na nasa krisis ang mundo at ang mga katulad niya lamang ang makapagliligtas dito. Ginagawa na raw niya ang mga kinakailangang sakripisyo. At mabuti na lamang daw ay pinahintulutan ito ng pamahalaan: ang tinatawag na private-public partnership kung saan ang isang tulad niyang mabuti ang kalooban ay maaring mag-ambag para sa ikabubuti ng lahat. Mas mabuti na raw ito kaysa mag-aklas. Ang hindi ko maintindihan, ay ang ibinulong niya sa sariling gagamitin naman daw ang kikitain mula sa Pamantasan at iba pang negosyo upang patayin si Superman. Sino ang putanginang si Superman?
Akala ko, ako ang durugista dito at ako ang sabog at ako ang may sayad, pero mukhang nakahanap ako ng katapat at mas matindi pa ata ang saltik sa akin. Kinilabutan ang isang tulad kong nakakita na ng lahat ng mas nakakasuklam at mas nakakahilakbot pang mga bagay o pangyayari at ilan lamang dito ang mga nagsasalitang kanser na may kakayanang magdahilan, ang pamamayagpag ng sopdrinks na may ebola, at mga taong dating taong naging elektronikong usok na nagtatalik. Hindi ko kinaya ang putanginang pursigidong bitiw niya ng mga salita na nagsasaad na inilaan niya ang buhay sa pagtugis kay Superman. Edukado at mayaman ang hindot na si Luthor, pero matindi talaga ang lamat sa utak. Sakto siyang kinatawan ng Siyudad na ito.
Nangatal ang putangina kong mga kamay na hindi nakisama sa partikular na pagkakataong iyon. Ilang ulit kong napihit ang pihitan ng bowel disruptor hanggang sumabog ito at ang nabasa ko na lang—sa, kumbaga, LCD display sa Siyudad at panahon ninyo—ay “Fatal Intestinal Maelstrom.” Hindi ko alam kung si Luthor ba ang salarin sa nadamang hilakbot o ang kapeng may pampabangong halamang damong cannabis at asukal na may pulburang pinaghalong shabu, cocaine, LSD at iba pang mga patok na drogang produkto ng Siyudad ninyong mas malakas ang tama sa akin kaysa sa mga droga ng Siyudad na pinagmulan. Kahit gusto kong upakan ang putanginang Smiler ninyong punyetarantado, hindi ko na tinangka dahil bukod sa hindi ko siya kamukha at hindi siya kalbo, tingin ko, kayong mga hindot kayo ang dapat magpabagsak sa kanya. Mga tangina n’yong lahat, anong gusto n’yo, umupo at maghintay na lang na gawin ko ang mga diskarteng kayo dapat ang gumagawa? Mga ulul. Pwe. D’yan na kayo! Pakyu!
(Disclaimer na nasa wakas: Hindi ko alam kung matatawag itong fanfiction dahil hindi naman ako gaanong naging fan ng tatlong kalbong kinapanayam ni Spider Jerusalem. Hindi ko rin tiyak kung may "mali" sa pagkaka-characterize ko sa pagkatao ng mga ginamit na karakter sa ehersisyong ito. Bukas naman ho ako sa puna, kaya, atak lang ho kung may problema.
Salamat sa writing challenge na ito at kahit papaano e nakapagsulat ulit ako. Itatala ko ulit sa pangwakas na entry na ito ang mga naisulat:
#001 Titi sa Noo Challenge (Tula - Malayang Taludturan)
#002 Tinigang (Tula - Malayang Taludturan)
#003 Hikbi ng Isang Icarus (Salin ng tula ni Baudelaire)
#004 Ang Hinamak na Buwan (Salin ng tula ni Baudelaire)
#005 Lethe (Salin ng tula ni Baudelaire)
#006 Maryang EDSA (Tula - Ekprasis)
#007 Maryang ELBI (Tula - Dalit)
#008 Maryang RATM (Salin ng kanta ng Rage Against The Machine)
#009 Pag-iimbestiga sa Mabuting Pilipino (Salin ng tula ni Brecht)
#010 Habang Dumarami ang Tula (Salin ng tula ni Bukowski)
#011 Maging Maunawain (Salin ng tula ni Bukowski)
#012 Mga Balyena sa Klase ng Arte (Salin ng tula ni Bukowski)
#013 Tipid Tip (Tula - Tanaga)
#014 DSL Tip (Tula - Tanaga)
#015 UPCAT Tip (Tula - Tanaga)
#016 Badtrip [i] (Tula - Tanaga)
#017 Badtrip [ii] (Tula - Tanaga)
#018 Badtrip [iii] (Tula - Tanaga)
#019 Paglilibing (Salin ng tula ni Goethe)
#020 Pagbulas (Salin ng tula ni Goethe)
#021 Pakiusap (Salin ng tula ni Goethe)
#022 Pag-iisa (Salin ng tula ni Goethe)
#023 Ang Suwail (Salin ng kwento ni Calvino)
#024 Isang Kalipumpon Ng Mga Niknik (Salin ng tula ni Hesse)
#025 Palihim Tayong Nagnanais (Salin ng tula ni Hesse)
#026 Sa Gabi Nang Maglayag Sa Laot (Salin ng tula ni Hesse)
#027 Mga Yugto (Salin ng tula ni Hesse)
#028 Para sa Ating Mga Poncio Pilato (Tula - Malayang Taludturan)
#0xx Kung Bakit Mapalad ang May Pagkukulang (Salin ng tula ni Brecht)
(FanFic - Spider Jerusalem (Transmetropolitan) & Professor X (X-Men))
(FanFic - Spider Jerusalem (Transmetropolitan) & King Mob (The Invisibles))
(FanFic - Spider Jerusalem (Transmetropolitan) & Lex Luthor (Superman))
Salamat ho sa lahat ng sumubaybay, lalo sa nagpasimuno!)
No comments:
Post a Comment