(Hindi ko nagawa ang inisyal na balak. Nagsalin. Mukhang okay naman bagamat lalaking lalaki itong si Bukoski, kainis.)
As The Poems Go by Charles Bukowski
as the poems go into thousands you
realize that you've created very
little.
Habang Dumarami Ang Tula
salin ni Acuña
habang dumarami ang tula iyong
mawawari ang kinatha mo ay sakdal na
kakaunti.
***
Be Kind by Charles Bukowski
we are always asked
to understand the other person's
viewpoint
no matter how
out-dated
foolish or
obnoxious.
Maging Maunawain
salin ni Acuña
parating hinihiling sa ating
intindihin ang pagtingin
ng ibang tao
kahit gaano
ka-gasgas,
ka-hunghuang
o katutul-tutol.
***
Cows in Art Class by Charles Bukowski
good weather is like
good women-
it doesn't always happen
and when it does
it doesn't
always last.
man is more stable:
if he's bad
there's more chance
he'll stay that way,
or if he's good
he might hang
on,
but a woman
is changed
by
children
age
diet
conversation
sex
the moon
the absence or
presence of the sun
or good times.
a woman must be nursed
into subsistence
by love
where a man can become
stronger
by being hated.
Mga Balyena sa Klase ng Arte
salin ni Acuña
ang mabuting panaho'y
parang
mabubuting babae--
hindi parating nangyayari
at kung sakali
hindi parating
nagtatagal.
mas matatag
ang lalaki:
kung siya'y gago
malaki ang tsansang
mananatili siyang gago,
o kung maginoo
mananatili siyang
maginoo,
pero ang babae
ay binago
ng
mga supling
katandaan
kinakain
talastasan
pakikipagtalik
ng buwan
ng pagdating o
pagliban ng araw
o matatamis na alaala.
Marapat na itaguyod ang babae
sa pagiging ganap
sa pag-ibig
kung saan ang lalaki ay maaring
tumatag lalo
kung siya'y kasusuklaman.
No comments:
Post a Comment