Monday, August 22, 2011

31-DAY WRITING CHALLENGE #024 - 027 - SALIN

Aadbans na ko nang maagang makabayad-utang sa hamon. Patawad at nahihirapan akong kumatha dahil sa mga naisulat na, na sa tingin ko ay mainam na maisalin. Kung mabuti iyon o masama e hindi ko pa tiyak. Basta kasi ang mas naiisipan kong gawin, bagamat hindi pa mabuo, e mga komix projects. Nga pala, binabalak kong mag-abstinence muna sa internet sa mga susunod na araw. Sige po. Dami na namang pasubali.

***

A Swarm of Gnats by Herman Hesse

Many thousand glittering motes
Crowd forward greedily together
In trembling circles.
Extravagantly carousing away
For a whole hour rapidly vanishing,
They rave, delirious, a shrill whir,
Shivering with joy against death.
While kingdoms, sunk into ruin,
Whose thrones, heavy with gold, instantly scattered
Into night and legend, without leaving a trace,
Have never known so fierce a dancing.

Isang Kalipumpon Ng Mga Niknik salin ni Acuña

Libong sanlaksang kumukutitap na mga katiting
Ang sama-samang hayok na sumisiksik pasulong
Sa sumisikdong mga pag-ikot.
Masyadong nagpapakasasa palayo
para sa isang buong oras ng paglalaho,
Ngumangawa sila, nahihibang, isang matinis na ugong,
Nagigimbal nang may galak laban sa pagpanaw.
Habang ang mga kaharian, bumulusok sa pagkawasak,
Na may mga trono, pinabigat ng ginto, na dagling naglipana
Patungo sa kadiliman at alamat, nang hindi nag-iiwan ng bakas,
hindi kailanman naging tanyag sa mabangis na pag-indak.

***

In Secret We Thirst by Herman Hesse

Graceful, spiritual,
with the gentleness of arabesques
our life is similar
to the existence of fairies
that spin in soft cadence
around nothingness
to which we sacrifice
the here and now

Dreams of beauty, youthful joy
like a breath in pure harmony
with the depth of your young surface
where sparkles the longing for the night
for blood and barbarity

In the emptiness, spinning, without aims or needs
dance free our lives
always ready for the game
yet, secretly, we thirst for reality
for the conceiving, for the birth
we are thirst for sorrows and death

Palihim Tayong Nagnanais salin ni Acuña

Mayumi, banal,
taglay ang pagiging banayad ng arabeska
ang buhay nating katulad
ng pamamalagi ng mga diwatang
sumasayaw sa pinong indayog
paikot sa kawalan
kung saan ating hinahandog
ang dito at ngayon

Hinagap ng karilagan, ligayang musmos
tulad ng dapyo ng lubos na pagkakatugma
ng lalim ng iyong bubot na talop
kung saan kumikisap ang pagkasabik sa gabi
ng dagta at kagaspangan

Sa kahungkagan, lumiligid, nang walang layon at nais
paindak na pawalan ang ating mga buhay
parating handa sa paglilibang
ngunit, palihim, tayo'y uhaw sa katotohanan
para sa paglilihi, para sa pagluwal
tayo ay uhaw sa mga pighati at pagpanaw.

***

At Night On The High Seas by Herman Hesse

At night, when the sea cradles me
And the pale star gleam
Lies down on its broad waves,
Then I free myself wholly
From all activity and all the love
And stand silent and breathe purely,
Alone, alone cradled by the sea
That lies there, cold and silent, with a thousand lights.
Then I have to think of my friends
And my gaze sinks into their gazes
And I ask each one, silent, alone:
"Are you still mine,
Is my sorrow a sorrow to you, my death a death?
Do you feel from my love, my grief,
Just a breath, just an echo?"
And the sea peacefully gazes back, silent,
And smiles: no.
And no greeting and now answer comes from anywhere.

Sa Gabi Nang Maglayag Sa Laot salin ni Acuña

Sa gabi, kung kailan ako ay dinuduyan ng dagat
At nakahandusay sa hayag nitong mga alon
Ang sinag ng lupaypay na tala,
Saka ko pinawalan ang sarili nang lubos
Mula sa lahat ng liksi at lahat ng pagsinta
At tahimik na tumindig at huminga nang wagas,
Nangungulila, mag-isang dinuduyan ng dagat
Na nakahimlay doon, walang init at walang imik, taglay ang libong sinag.
Saka ko kinailangang isipin ang aking mga kaibigan
At ang titig ko'y nilulunod ng kanilang mga titig
At tinanong ko ang bawat isa, tahimik, nangungulila:
"Kayo ba'y sa akin pa rin,
Ang pighati ko ba'y pighati n'yo rin, at pagpanaw ang aking pagpanaw?
Nakadarama pa ba kayo mula sa aking pagtatangi, aking panglaw,
Hininga lamang, alingangaw lamang?"
At ang dagat ay tumitig pabalik, tahimik,
At ngumiti: hindi.
At walang pagbati at ngayon sumasalubong ang tugon saan mang dako.

***

Stages by Herman Hesse

As every flower fades and as all youth
Departs, so life at every stage,
So every virtue, so our grasp of truth,
Blooms in its day and may not last forever.
Since life may summon us at every age
Be ready, heart, for parting, new endeavor,
Be ready bravely and without remorse
To find new light that old ties cannot give.
In all beginnings dwells a magic force
For guarding us and helping us to live.
Serenely let us move to distant places
And let no sentiments of home detain us.

The Cosmic Spirit seeks not to restrain us
But lifts us stage by stage to wider spaces.
If we accept a home of our own making,
Familiar habit makes for indolence.
We must prepare for parting and leave-taking
Or else remain the slave of permanence.
Even the hour of our death may send
Us speeding on to fresh and newer spaces,
And life may summon us to newer races.
So be it, heart: bid farewell without end.

Mga Yugto salin ni Acuña

Tulad ng bawat bulaklak na kumukupas at tulad ng kasibulang
Lumilisan, ang buhay sa bawat yugto nito,
Maging ang kabutihan, maging ang bawat pagdalumat sa katotohanan
Ay namumukadkad sa araw nito at hindi mananatili magpakailanman.
Dahil maari tayong sunduin ng buhay sa bawat taon,
Ihanda, ang damdamin, para sa pahimakas, panibagong pagpupunyagi,
Ihanda nang walang takot at walang pagsisisi
Sa pag-apuhap ng bagong tanglaw na hindi maigagawad ng lumang likaw.
Namamahay sa lahat ng bukal ang mahiwagang dahas
Upang magbantay sa atin at tumulong sa ating mabuhay.
Tiwasay tayong kumilos pasulong sa malalayong pook
At huwag hayaang bimbinin tayo ng pag-aasam bumalik sa pinagmulan.

Hindi ninanais ng Kaluluwa ng Sansinukob na tayo'y igapos
Bagkus ay inaangat tayo nang hakbang hakbang sa mas malalawak na puwang.
Kung ating tatanggapin ang isang tahanang ating nilikha,
Ang karaniwang kinagawian ay tutungo sa pagpapabaya.
Dapat tayong mag-gayak para sa pahimakas at pamamaalam
Kung ayaw nating maging alipin ng pananatili.
Maging ang oras ng kamatayan natin ay maaring maghatid
Sa atin nang matulin sa naiiba at bagong mga puwang,
At pulungin tayo ng buhay sa panibagong mga tunggalian.
Kung magkagayon, damdamin: mamaalam nang walang patid.

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]