Sunday, August 28, 2011

31-DAY WRITING CHALLENGE EXTRA - SALIN - BRECHT

Dahil hindi ako makapagsulat dahil sa gurl to gurl fangurling doon sa may dakong Santiago ng Chile, nagsalin na lamang ako at hindi ho ito bahagi ng 31-day writing challenge--at isang bagsak ho ulit ang next na entry ko para doon. #029 - 031. Finale baga. Wala lang ho ito. Kailangan magfeeling produktibo, eh. Iyan ang napili kong isalin dahil sobrang gusto ko humithit ng Dead Can Dance at isa sa mga paborito kong nilalang si Bertolt Brecht. Hayun lang po. Matsala sa pagbisita.

Kung Bakit Mapalad ang May Pagkukulang salin ni Tilde Acuña

Kilala n'yo si Solomong mapagkuru-kuro
Alam n'yo ang kanyang sinapit,
Payak sa kanya ang masalimuot.
Isinumpa niya ang sandaling sa kanya'y nagsilang
At nakita niyang walang katuturan ang lahat.
Kung bakit dakila at marunong si Solomon.
Bagamat hindi sumubaybay ang sansinukob,
Natunghayan pa rin sa malao't madali ang nangyari.
Dinala siya ng dunong sa kanyang kinahantungan.
Kung bakit mapalad ang may pagkukulang.

Sunod n'yong nakilala si Caesar na matapang
Alam n'yo kung napaano siya.
Itinuring nilang bathala noong buhay pa,
Ngunit kanila rin namang pinaslang.
At bago itarak sa kanya ang punyal
Nakatutulilig ang kanyang daing: ikaw rin ba, anak!
Bagamat hindi sumubaybay ang sansinukob,
Natunghayan pa rin sa malao't madali ang nangyari.
Dinala siya ng tapang sa kanyang kinahantungan.
Kung bakit mapalad ang may pagkukulang.

Narinig n'yo ang tungkol kay Socrates na matapat
Ang ginoong hindi nagsinungaling kailanman.
Wala silang utang na loob, tulad ng inakala n'yo
Sa halip, mga pinuno'y umareglo ng paglilitis
At pinilit siyang uminom ng lason.
Kung bakit matapat ang maharlikang anak ng madla.
Bagamat hindi sumubaybay ang sansinukob,
Natunghayan pa rin sa malao't madali ang nangyari.
Dinala siya ng katapatan sa kanyang kinahantungan.
Kung bakit mapalad ang may pagkukulang.

Dito makikita n'yo ang mga taong kagalang-galang
Naninindigan sa angking batas ng Panginoon.
Sa ngayon, hindi pa niya binibigyang-pansin.
Kayong ligtas at tahimik sa inyong mga silid
Sumaklolo, pahupain ang paghihikahos naming mapait.
Kung bakit dalisay tayong nag-umpisa.
Bagamat hindi sumubaybay ang sansinukob,
Natunghayan pa rin sa malao't madali ang nangyari.
Takot sa diyos ang nagdala sa atin doon sa kahahantungan.
Kung bakit mapalad ang may pagkukulang.
How Fortunate the Man with None by Bertolt Brecht

You saw sagacious Solomon
You know what came of him,
To him complexities seemed plain.
He cursed the hour that gave birth to him
And saw that everything was vain.
How great and wise was Solomon.
The world however did not wait
But soon observed what followed on.
It's wisdom that had brought him to this state.
How fortunate the man with none.

You saw courageous Caesar next
You know what he became.
They deified him in his life
Then had him murdered just the same.
And as they raised the fatal knife
How loud he cried: you too my son!
The world however did not wait
But soon observed what followed on.
It's courage that had brought him to that state.
How fortunate the man with none.

You heard of honest Socrates
The man who never lied:
They weren't so grateful as you'd think
Instead the rulers fixed to have him tried
And handed him the poisoned drink.
How honest was the people's noble son.
The world however did not wait
But soon observed what followed on.
It's honesty that brought him to that state.
How fortunate the man with none.

Here you can see respectable folk
Keeping to God's own laws.
So far he hasn't taken heed.
You who sit safe and warm indoors
Help to relieve our bitter need.
How virtuously we had begun.
The world however did not wait
But soon observed what followed on.
It's fear of god that brought us to that state.
How fortunate the man with none.

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]