the illustration is an approximation, or perhaps a rip-off, of the most perfect crab, as created by calvino's story's Chuang-tzu with one stroke. after the cut, dennis, hani and i tried to break the crab, the artist who created the crab and the writer who created the artist who created the crab, etc etc (btw, i have a similar issue to address, but i'd rather have it addressed visually, since the issue that bothered me for a couple of weeks lies in the visual realm).
"Among Chuang-tzu's many skills, he was an expert draftsman. The king asked him to draw a crab. Chuang-tzu replied that he needed five years, a country house, and twelve servants. Five years later the drawing was still not begun. 'I need another five years,' said Chuang-tzu. The king granted them. At the end of these ten years, Chuang-tzu took up his brush and, in an instant, with a single stroke, he drew a crab, the most perfect crab ever seen." —Italo Calvino on "Quickness," from Six Memos for the Next Millennium
D— meta na agad! the story is itself the crab. pag nabasa mo na'to parang chuan-tzu's butterfly rin ang epek: na sa sandaling narinig mo ang am i a butterfly dreaming of a man dreaming of a butterfly, awtomatikong kasama na iyon sa mahahalagang mariposa references sa buhay mo. mahirap nang makaisip ng crab story (lalo't ganitong kaigsi) na papantay sa piyesang ito
T— ibang lebel ano? antaas, badtrip. pero alalahaning ang inception nga, nagawa (pa) after ng paprika, so andaming namindfvck, kahit may nauna naman na (pero palagi namang may nauuna, may mas powerful lang in terms of dissemination).
etong chinese story na tila sinisipi rin ni calvino na hindi mawari kung mula ba sa tsina o bahagi ng fiction yung mismong pag-attribute ng kwento sa chinese peeps, parang may problema ako sa "five years later the drawing was still not begun," dahil sa short fiction, yung simula ng kwento, tama ba, hindi naman yun ang "simula." at wala namang nagkukwento mula sa "simula," dahil gudlak naman kung mapunta ka sa beginning of time (parang pag magkiclear ng history, wasak lang.)
isa pang isyung nakikita ko rito ay pagbasag sa stereotype (na matagal naman nang nabasag, i think, ng lifestyle ng maraming artiste!) ng "starving artist." dito, pampered artist na respetado ng representative ng ruling class, artist na after pagbigyan ang whims, snap, splash tada: heto, artwork ko, crab, ganda no? same w writers. kailangan nasa ganitong lugar, ganito ang temperature, etc etc pag nagsulat akong nobela. kung ganito, klaro, i guess, factor ang lugar at/o kuneksyon sa economic ladder sa pag-art.
H— Yung issue din ng time frame at timing yung interesado ako madikdik dito. At yung, tulad nga ng sinasabi ni Tilde tungkol sa pagkukwento, na hindi naman sa simula nagsisimula. Kung gayon, saan nagsisimula ang mga kwento? Ano ba ang proseso ng pagpe-phasing at pacing ng mga "artiste?" Mehehe
^ Yan, "vis-a-vis" (hehe) dun sa a single stroke, he drew the most perfect crab.
^ At maikunek--anong nagbibigay ng karapatan sa isang artist na mag-struggle nang marangya, hence, the notion of a "starving artist" na alagang i-idealize at i-romanticize.
D— "dahil sa short fiction, yung simula ng kwento, tama ba, hindi naman yun ang 'simula.'" siguro nga isa itong dahilan kumbakit si chuangtzu ang ginamit dito sa halip na (hal) mga sinaunang griyego. eto ay superreductionist pero may impresyon tayo na sa west, accumulation ang laro, saturation. pinakamatalino yung pinakamaraming footnotes (si plato, therefore, kasi lahat daw ng philo footnote lang sa kanya). dun sa mga tradisyon nina lao tzu, emptying out ang pangunahin. yun yung diskarte sa tibet, gagawa nung sand painting tas iwawaksi sa hangin. being entirely in the moment, walang bagahe ng nakalipas (dahil illusory) at ng bukas (dahil illusory). yun yung stroke: tsing! alimango!
level up talaga pag "artiste" at "auteur" ano? kawawang mga artisano
"anong nagbibigay ng karapatan sa isang artist na mag-struggle nang marangya" ang ganda ng pagkaka-phrase mo, hehe. kung sa kwento sino ang candidates? mga maaari: hari (basbas ng hegemon), o crab (talento o "insight"), o 12 servants (pagpasa ng mga intindihin ng katawan sa mga walang basbas o talento o pangalang "chuangtzu" upang makapagpokus ang isang ito sa sampung taon ng buwelo)
H— I guess ang tanong pala ay gaano katotoo yung "struggling" at "starving" part sa pagiging artist at artisano? Once and for all. Gusto kong bumigay agad dun sa struggling my arse na attitude towards "them" pero sa isang banda, naisip ko, it was indeed a perfect crab, and a perfect story. Which brings me dun sa meta nya, bakit ang lupit nito eh technically sipi lang? Bakit ang perpekto ng crab na single stroke ginawa eh ia-assume ko na maraming draftsmen ang kayang gumawa ng ganito kaperpekto? Gaano kaimportante ang moment? (P.S. Pasensya na sa mga tanong, spellbound pa rin ako sa concept. LOL)
T— isa rin yung medyo hindi ganoong kalinaw sa akin--ang buwelo. hindi ba nagsimula na ang drawing sa buwelo? sa intent? pag manghahampas ka, o mananapak, yung amba o postura bago ka umopensiba, hindi ba kabilang na iyon? so, sa 10 years na, wat, pag-incubate bago ang grand stroke sa perfection, kabilang yung preps kung saan, ayun nga--yung gumawa nung regular routine ng artiste, iba na yung gumawa: imbis na magtrabaho para may panggastos, prinovide na ng hari--at kasama sa prinovide ang mga alipin na silang gagawa ng paglalaba, etc etc nung artiste para hindi ito mabagahe nung mga task na pang-, wat, pang-layman. kasi, talented kuno ang artiste pero mas privileged lang siya, i guess. kung saan niya nakuha ang pribilehiyo, doon silent ang kwento. mula ba siya sa artistic dynasty? may relasyon ba sila nung hari? and so on
re: kaperpekan ng crab--isa pa ito, hindi ba patron lang, i.e. ang hari, o marahil yung storyteller ang nagsabing perpekto ito? nagsasalsal lang si calvino, bale. joke lang. pero ayun nga, kung ginastusan mo nang matindi, hindi ba kailangang paniwalaang worth every penny ang binili mong produkto o kinomisyon mong artwork?
D— tahimik talaga ano? for some reason ang image ko may villa sya tas naroon sya sa porch pinapaypayan . . . for 10 years! pero hindi naman pwedeng yun lang ang 10 years nya di ba? pagligo, pananaginip, pagsasaayos ng mga bagay-bagay, etc. awtomatiko bang masaya ang buhay gayong may utang ka sa hari? paano kung di mo natupad ang pangako mo? paano kung nagawa mo pero panget?! imperfect talangka? yung starving artist ay hindi naman trope lang, may mga naging ganun talaga though mas marami siguro ang starving servants sa kasaysayan, by far. siguro hindi mamatay-matay yung trope kasi nga kahit provided for, may mga presyur, ekspektasyon sa sarili, bigat ng (bagong) kahulugan sa mundo, etc. na gusto nilang maparamdam, maicommunicate sa mga non-artiste na tao. kaso ang best notion sa mundong ibabaw ng suffering ay physical suffering (hindi emo o spiritual o aesthetic o intelektwal o anuman . . . hesus na pasyon, hindi mala-buddha) kaya yung gutom sa ibang bagay (perfection, insight, meaning, order, anupaman) ay kailangang ihayag sa gutom ng tiyan, tulo sa kisame, hindi mapansing punit sa laylayan ng pantalon
teka, bakit 12? disipulo, chinese zodiac?
H— ibang suffering bukod sa pisikal = the "darkness" that "sur- / rounds" -- na interesanteng nagli-lead sa mga "perpektong" bagay. (Kinowt ko na para pag-usapan din natin later on kung gaano kaperpekto ito. Though kung sa usapin ng pagka-artisan ni Kuya Chuang Tzu eh baka mas batay sa realism, pero pag iniisip ko baka panimulang imahe lang din ito kasi naman, single stroke?)
Chinese Zodiac? Each animal (personality) ay may partikular na job description?
D— dragon ang tagasaing, tigre tagahiwa, manok tagapaypay? hehe. single stroke, ang iniisip ko rito baka kaligrapiya? (kahit hindi rin naman single-stroke ang mga yun tho in fairness napakatagal pag-aralan yun a) prosaic, allegorical take: divine mandate (o specific destiny ni chuang tzu?) ang dala ng "hari" tipong "ito ang bagay na kailangan mong magawa sa buhay mo" at si chuang tzu: "fine, basta ba makikisama sa akin ang panahon, ang buhay, hindi ako magugutom, hindi ko iisipin ang renta, walang problema so forth..." pero ewan. baka may iba pang take sa perfect stroke na ito?
H— Yung 12 animals pala sa Chinese zodiac eh batay sa 12 periods ng isang buong araw. Bawat isang period ay may katumbas na animal na pinili dipende sa behavior ng hayop na yon.
https://en.wikipedia.org/wiki/Chinese_zodiac#Zodiac_origin_stories
Calligraphy din una ko naisip pero nung Ginoogle ko yung "crab in Chinese," medyo imposibleng single stroke yung Chinese character ng "Xiè." Haha.
>divine mandate: Kung ang buhay nya ay isang preparasyon para sa moment na yon na in a single stroke, perfect crab, does that mean na ending na ito? Mission accomplished? O pwede sigurong iimmortalize siya ng crab nya at yung moment na yon ay yung nirvana, mga ganun.
T— bagamat mukang may ugnay ang 12 servants sa 12 animals sa chinese zodiac, yung output i.e. that maderpaker op a crab na sobrang perpek, e tila wala. at kung ikukunek man natin ang crab sa zodiac, mas sa western astrology ito--cancer. kaya kebs ni kuya artiste sa 12 chinese zodiac servants niya na mas tiga-watevs lang talaga. pero onga ano, interesting din yung posibilidad na kaligrapi yung crab pero sa puntong ito, mas ang di ko dig, bat crab? bat trip netong haring ito ang samting na ni wala sa list nila ng profound na mga hayop? nang igoogle ko naman ang chinese crab, ang lumabas lang, kundi pang-biology, pang-culinary. perfect crab ba e yung mukang perfect pag na-taste-test, ganun? (tas going w hani, kung preps ang buhay nya for dat stroke, hindi kaya artiste = crab? haha, siya pala yung gagawing main dish of the decade, naging morbid na e no)
D— "bakit crab?" at bakit maglalaan ng kayamanan ng estado para sa crab likeness (at dodoblehin pa niya ito sa halip na pinugutan ng ulo si chuangtzu for making lustay-lustay the resources)? whim lang ng hari, pagiging aesthete? kailangan ba ito sa pamamalakad ng bansa o pakiramdam ng kapangyarihan. totem animal ba niya ito? maganda ang crustacean, syemps, undeniably. intricate. hindi ito basta-basta makukuha sa one stroke as opposed to say a snake. sideways ang kilos nito, obliqueness ng art? o ng mga art in capsule form (tula, short prose, parables). bakit nga kaya alimango? tindi ng kapit? pero ng ano . . . at sa ano?
anyway isa pang anggulo: paano kung may pagka-conman ang dating. parang emperor's new clothes. baka kailangan ng 10 years bilang prepa. kailangang maluto muna ang crab hindi sa utak ng artist kundi sa utak ng expectant consumer . . . tas pag nilabas na, perpekto sa paningin ng hari dahil mismo sa paghihintay sa at accumulated cost ng product
T— kapit sa, ahm, ibang kultura? hindi ko tiyak kung kalabisang sabihing parang wala naman ito sa indigenous, folk, ancient trad ng mga tsino. so, baka pwedeng iiintroduce pa lang (pero bat magaantay ng sandekada?!) ng hari ang crab sa chinese peeps, crab na simbolo ng bagong yugto yada yada ng kanilang existence as a people [?]
conman nga. parang mga brand na ang selling point e sila e ganto na katagal gumagawa nitong partikular na produkto. or kumg dynast yung artiste, baka kilalang ganoon ang atitud nila (parang mga, haha, wag na-- na kapag gumawa ng anything, art agad)
H— Or yung pangako ng mga boutique at specialty store. Tipong handpicked yan, handmade yan, organic, home-grown, limited edition, hindi yan mass produced.
Wala rin ako masyadong alam sa folk significance ng crab sa mga Chinese at sa naturalesa nya, pero ang una kong impression sa crab, lalo na bilang pagkain na masarap at hahanap-hanapin mo eh yung pagiging scary nya kung titingnan. I mean, WTF evolution, sino kakain at mag-aakalang masarap yon? Haha.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment