Kamusta Ang Puso Mo?
hinalaw [?] ni Acuña sa tula ni Bukowski [source]
sa pinakamasahol kong mga oras
sa mga bangko sa liwasan
sa mga piitan
o sa pakikisama sa
mga puta
parati akong mayroon nitong tahasang
pagkakuntento --
hindi ko ito tatawaging
kasiyahan --
mas katulad ito ng pangkaloobang
timbangang
tumitining sa
anumang nangyayari
at tumutulong sa mga
pabrika
at tuwing ang mga pakikipagrelasyon
ay sumasablay
sa mga
babae.
tumutulong itong
iraos ang
mga digmaan at ang
alimpungat
ang mga banatan sa madidilim na eskinita
ang
mga ospital.
ang pag-gising sa mumurahing kuwarto
sa isang kakatwang lungsod at
paghila pataas ng silong --
ito ang pinakabangag na uri ng
pagkakuntento
at ang paglalakad patawid sa sahig
patungo sa lumang tokador na may
salaming may lamat --
makita ang aking sarili, pangit,
nakangisi sa lahat ng ito.
ang pinakamahalaga sa lahat ay
kung gaano ka kagaling
sumuong sa
panganib.
***
sakto lang. may mga hindi gaanong nakakasalamuha pero lalong tinitingala habang nakikilala, may mga dating madalas nakakasalamuha pero lalong kinamumunghian habang, well, nakikilala ang panibago nilang mga mukha. sagwa. ang blind item. yak. anyway. mas malamang sa hindi, hindi makakaramdam yung latter. or, kung makaramdam, character assassination yan. kidding. fiction ito, fiction.
***
How Is Your Heart?
Charles Bukowski
during my worst times
on the park benches
in the jails
or living with
whores
I always had this certain
contentment—
I wouldn’t call it
happiness—
it was more of an inner
balance
that settled for
whatever was occuring
and it helped in the
factories
and when relationships
went wrong
with the
girls.
it helped
through the
wars and the
hangovers
the backalley fights
the
hospitals.
to awaken in a cheap room
in a strange city and
pull up the shade—
this was the craziest kind of
contentment
and to walk across the floor
to an old dresser with a
cracked mirror—
see myself, ugly,
grinning at it all.
what matters most is
how well you
walk through the
fire.
<3
ReplyDelete