tulad ng unang nabanggit, parang gusto kong isalin nang isalin si szymborska hanggang lahat ng piyesa niya ay maisafilipino (o tagalog, okay), bagamat may ilan na rin, tiyak, na gumagawa na nito. sa ngayon, hindi naman malaking isyu ang pagsasalin tulad ng nangyayari sa mga obrang pampanitikang kalebel ng mga akda ni dostoyevsky. sa mga ganyang antas, nagkakaroon na ng "translation wars." nakapagbahagi ng insight si ser D. hindi naman kasi talaga maiiwasang sumingit ang biases at sensibilities ng tagasalin. minsan tuloy naiisip ko, kung paano kaya kung may sablay na salin halimbawa sa mga sinulat halimbawa nina lenin, o ni mao zedong na death anniversary kahapon na ginawan ng comics ng kung sinuman na binahagi sa akin ni ser R ang link;
at nakakita rin ako sa aking feed ng link (si mam J ata ang nag-post) sa isang piyesa tungkol sa isang rebolusyonaryong binibining dating jing-jing lang sa kanyang kaibigan at ngayo'y pangalan na ng isang gerilyang yunit, isang command sa katunayan, ng bagong hukbong bayan. naririyan ang larawan niya sa ibaba, at kasunod nito (matapos ang cut) ay ang salin ng inyong lingkod ng tula ni szymborska na alay sa isang tinitingalang aktibistang kakaluwal lamang ng isang anak. ayaw ko siyang pangalanan kahit hindi naman itinatago ang kanyang pagkakaroon ng sanggol, at bahala na ang sinumang makababasa nito kung papaano aangkinin ang tula at ilalapat sa kanyang karanasan. tulad ng anumang tekstong isinalin, ang tama at maling interpretasyon, marahil, e masusukat sa kasalukuyang pangangailangan ng mambabasa. andami kong shit.
Mga Anak ng Ating Panahon
malayang salin ni Tilde Acuña ng salin ni
Joanna Trzeciak ng tula ni Wislawa Szymborska
Mga anak tayo ng ating panahon;
ang panahon natin ay politikal.
Lahat ng gawain, araw at gabi,
sa inyo, sa atin, sa kanila,
ay gawaing politikal.
Sa ayaw at sa gusto,
taglay ng inyong dugo ang isang politikal na nakalipas,
ng inyong balat ang isang politikal na hulma,
ng inyong mga mata ang isang politikal na larangan.
May alingawngaw ang anumang inyong sasabihin;
May pahiwatig ang anumang iniiwasan ninyong pag-usapan.
Sa alinman daanin, ito'y politikal.
Kahit sa pagtungo ninyo sa kanayunan
umuusad kayo sa politikal na mga hakbang
sa politikal na saligan.
Kahit apolitikal na mga tula ay politikal,
at sa itaas nati'y kumikinang ang buwan,
na sa ngayo'y hindi na hugis karit.
Tanong? Anong tanong? Mahal, naririto ang mungkahi:
isang politikal na tanong.
Ni hindi n'yo na kailangang maging tao
upang magkaroon ng politikal na halaga.
Puwede na ang krudo,
o dayami, o anumang hilaw na materyales.
O kahit hapag-pulungang ang hugis
ay pinagtatalunan sa loob ng ilang buwan:
atin bang pagdidiskusyunan ang buhay at kamatayan
sa hapag na pabilog o roon sa kuwadrado?
Samantala maraming taong nalilipol,
mga hayop na nangangamatay,
mga bahay na natutupok,
at mga bukid na nagiging mapanganib,
tulad ng sa mga panahong lubos ang layo
at hindi gaanong politikal.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment