*Workshop Blues Poster of the 10th Iyas Creative Writing Workshop. Courtesy of Jordan Carnice (Yung Poster), and Paul Gumanao (Yung pag-coin ng term na "workshop blues". Para iwas plagiarism.)
"The IYAS Creative Writing Workshop proudly announces its roster of Fellows for 2010.
The Fellows for Fiction in English are: Fred Jordan Carnice, Roselle Jimeno, Vernan Jagunap, Francis Dizon and Anne Carly Abad (English), and Arbeen Acuña (Filipino). (Si Chiva o Jes, yung fellow pa in Hiligaynon.)
The Fellows for Poetry are: Gian-Paolo Lao, Alyza Mary Taguilaso, Charmaine Carreon (English), Arbeen Acuña, Noel Fortun, Rogerick Fernandez (Filipino), Paul Randy Gumanao, Glenn Muñez (Cebuano), Elsed Togonon (Kinaray-a) and Simplicio Gadugdug (Boholano).
The panelists for this year are Dr. Dinah Roma-Sianturi, Dr. Elsie Coscolluela, Dr. Genevieve Asenjo, Dr. Danilo M. Reyes, Dr. Anthony Tan and Prof. John Iremil Teodoro.
The IYAS Creative Writing Workshop is sponsored by the University of St. La Salle and the Bienvenido N. Santos Creative Writing Center of De La Salle University and the National Commission for Culture and the Arts.
The 10th IYAS Creative Writing Workshop is set on April 25- May 1, 2010."
Ang "iyas" nga pala ay "binhi." Kung nagkakamali ako, bukas ako sa puna, tulad ng pagiging bukas ng lahat ng fellows sa mga komento ng panelists--maging ng kapwa fellow. At dahil ako ang unang hiningan ng "synthesis" noong huling araw ng palihan, at parang ang sabog lang ng pinagsasabi ko, dito na lang sa blog entry na ito ako magtatangkang bumawi.
Una, kahit pa ang gasgas na, yung madami pang dapat matutunan at subukan. Isa dito ang pagbabasa ng mga babasahing hindi lamang nagtatapos sa paglilibang. Oo, marapat lang basahin ng manunulat ang gusto niyang basahin. Pero, para sa akin, mas makabubuti kung may maitutulong ito sa paglilinang at pagpapayaman ng kaalaman sa pagsusulat ng isang akdang papasa sa panlasa ng masa at matatanggap ng mga "cultural managers" (terminong narinig ko noon kay Amang Jun Cruz Reyes sa Philippine PEN conference). Yung mga tipong Neruda o Lacaba. Yung tipong ililimbag nang paulit-ulit makalipas ang ilan pang taon matapos magpaalam sa pisikal na daigdig ang makata.
Pangalawa, isa pang gasgas, yung pagtitiwala sa sarili--na iba sa pagiging arogante. Tiwala na rin sa tinatahak na landas habang pinagbubuti ang pagluluwal ng makabuluhang akda. Siguro, ang unang dalawa ang buod ng natutunan ko sa group session.
Ikatlong gasgas na natutunan, yung disiplina sa wika at pagpili ng idadaldal at hindi. Bagamat madalas na tahimik sa totoong buhay, napagtanto kong madaldal nga ako sa pagsusulat. Tipong pwede ko namang paiksiin, pinaliligoy pa. At tipong pwede ko namang tuldukan na ang tula o kwento, pero magkokomento pa sa dulo para magpaliwanag.
Huli na sigurong leksyon ng palihan, yung muling pagkumpirma ng kung ano ang gusto kong gawin sa buhay. Bagamat palaging walang katiyakan dahil buhay ang internal na kontradiksyon sa pang araw araw, alam kong gusto ko pa ring magsulat. Pagsusulat na para sa nakararami, bilang taga-dokumento ng pakikibaka para sa panlipunang pagbabago--at hindi bilang kristong magdudulot nito. Itinampok ng palihan ang iba't ibang paraan (form) at dahilan (content) ng pagsusulat, ngunit ang dati kong paraan at dahilan pa rin ang nais kong ipagpatuloy--nang may karagdagang pagwawari mula sa IYAS. Sa katunayan, nahahati ang nararamdaman ko, na parang nakakahibang, kahapon--Mayo Uno. Gustong gusto kong maging bahagi ng pagtitipon sa lansangan para sa araw ng mga manggagawa, pero nasa Bacolod ako at nagpapahinga habang napapapagod sa kakaisip kung ano nang nangyayari sa Timog Katagalugan at sa Maynila.
Bilang pagwawakas, bagamat maraming karagdagang kaalamang biyaya ang palihan ng iyas (o binhing handog, ika nga, ng panelists at fellows sa isa't isa), ubos-lakas ko pa ring patutubuin at payayabungin ang mga natutunan hanggang maabot ang pamantayang magsisilbi sa sambayanan, ngunit yayanig din sa mga haligi ng naghaharing sistema. Makikipag-gitgitan at makikipag-gasgasan pa rin ako, sa mga kadahilanang binanggit. Mananatiling handa at bukas sa pakikipagtubuhan, sa pamamagitan ng diskurso at panitikan, laban sa mga umaastang panginoon ng estado poder. Sa madaling salita, magsusulong pa rin ng mapagpalayang panitikang mangangahas pa ring makipagwasakan at makipagbasagan ng paninindigan at ideolohiya.
Kudos! Mahusay na pagninilay ang iyong ginawa at nakapagluwal ka ng ganitong akda. parang gusto ko na rin sumulat ng isang blog entry. Ngayon kasi, mas nananaig ang katahimikan sa akin. Ewan. Pero sabi nga, wag tayo padadaig sa emosyon. Maging obhetibo hanggat maari. Kaya patuloy at patuloy pa rin tayo. Gagamitin natin ang itinuro ng palihan hindi upang talikuran ang dati nating paraan ng pagsulat, kundi para mas hasain pa ito at mas maging matalim na sandata. Ingat,kasama.
ReplyDelete"Gagamitin natin ang itinuro ng palihan hindi upang talikuran ang dati nating paraan ng pagsulat, kundi para mas hasain pa ito at mas maging matalim na sandata. Ingat,kasama."
ReplyDeleteTama, Paul. Salamat. Haha. Minabuti ko na ring magsulat dahil napakadalang ko talagang magsulat. Katunayan, kundi lumang akda, classroom exercises yung pinasa ko sa iyas. Abangan ko rin ang blog entry mo a.
Good, you're here! Let me link this.
ReplyDeleteJust read this. Thanks, Jords. Linked your site as well. See you somewhere in the urban jungle again!
ReplyDelete(hm.. it has been two years. much have changed. i was more enthusiastic back then. more naive, too. ewan. hay.)
ReplyDelete