Wednesday, February 27, 2013

ang intelektwal (bukowski)

ang intelektwal

malayang salin ni tilde acuña
ng tula ni charles bukowski


sumusulat siya
nang tuluy-tuloy
na parang mahabang hos
na nagwiwisik
sa hangin,
at nakikipagtalo siya
nang tuluy-tuloy;
wala na
akong masabi
na hindi mangangahulugan
ng ibang bagay,
kaya,
wala na akong sinabi
at sa wakas
nakipagtalo siya hanggang
makalabas sa pinto
nang may sinasabing
parang ganito—
hindi ko sinusubukang
magpakitang-gilas
sa iyo.

pero alam kong
siya ay
magbabalik, palagi silang
bumabalik.

at
alas singko ng hapon
kumakatok siya sa pinto.

pinapasok ko siya.

hindi ako magtatagal, wika niya,
kung ayaw mo.

ayos lang, wika ko,
kailangan ko lamang
maligo.

at pumasok siya sa kusina at
pinagbuntunan ang
mga pinggan.

tulad ito ng pagpapakasal:
tanggapin mo
ang lahat
na para bang
hindi ito nangyari.

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]