Mga Salita
malayang salin ni Tilde Acuna
ng tula ni Edel Garcellano
Ipinapalagay ng salita ang isang katahimikang
sa katunaya'y batbat ng mga salitang
nangangahulugan ng ganito & ng ganoon
& wala nang iba.
Oo, tila kinakapos ang lahat
sa totoong pag-uusap
dahil binibigo tayo ng mga salita.
Pero nalulunod tayo sa ilog ng mga salita
na tila kabulaanan ang binibigkas,
isang pagtataksil sa inaakalang kahulugan.
Walang kaligtasan sa pagwiwika ng mga salita--
Pero anong sandata ang gagamitin natin
laban sa mga naniniil & nananakal?
Nananakmal ang katahimikan
pero kailangang patuloy tayong lumikha ng salitang
babasag
sa makapal na salaming namamagitan sa atin.
Dakila ang tungkulin.
Balewala ang panulaan.
Showing posts with label salin. Show all posts
Showing posts with label salin. Show all posts
Thursday, December 25, 2014
Wednesday, September 17, 2014
Huling tula ni Victor Jara
isinulat daw ito sa concentration camp, kinabisa at itinakas ng ibang bilanggong pulitikal; isinulat ng makatang Chileanong si Victor Jara ilang saglit bago siya paslangin noong Setyembre 17, 1973; aking isinalin sa parehong petsa, makalipas ang 41 taon. pasintabi na lamang kung may nauna na.
Limanlibo kaming
Nakakulong dito sa sulok ng bayan
Limanlibo kami
Ilan sa amin dito ang nagkalat sa bansa?
Limanlibo kaming
Nakakulong dito sa sulok ng bayan
Limanlibo kami
Ilan sa amin dito ang nagkalat sa bansa?
Thursday, August 14, 2014
Ang mga Uwak*
Sa kabilang ibayo ng itim na sulok nag-aapura ang mga uwak
Sa katanghalian kalakip ang gumagaralgal na uha.
Tinatangay ang anino nilang lumalampas sa ina ng mga usa
At minsan may nakakakita sa pamamahinga nilang mapanglaw.
Kung papaano nilang nagagambala ang kayumangging katahimikan
Kung saan namamalikmata ang inararong bukid
Tulad ng isang binibining nagagayuma ng matinding salagimsim,
At minsan may nakaririnig sa kanilang pagtutunggali
Sa ibayo ng ilang salot na naaamoy kung saan;
Biglaan silang lilipad patungong hilaga
At unti-unting mauubos tulad ng prusisyon ng patay
Sa alapaap na nangangatal sa kagalakan.
*aking malayang salin ng tula ni Georg Trakl

Tuesday, August 12, 2014
Takbo ng Kaayusan
Takbo ng Kaayusan
malayang salin ni Tilde Acuna
ng tula ni Lena Khalaf Tuffaha
"Tinatawagan nila kami ngayon.
Bago nila ilaglag ang mga bomba.
Kumuliling ang telepono
at isang nakakaalam ng palayaw ko
ang tumawag at nagwika sa perpektong Arabe
"Si David ito."
Sa pagkagulantang ko sa mga sonikong dagundong at mga himig ng salaming nababasag
na nadudurog pa rin sa paligid ng aking isipan
inalala ko "May kakilala ba akong kung sinong David sa Gaza?"
Tinatawagan nila kami ngayon upang sabihing
Takbo na.

Thursday, August 7, 2014
Operation Pakawalang Tingga
*hindi ko direktang masipi ang salin sa ingles dahil tila may kaunting mga sabit, pero pasasalamat kay Rizzo at naging accessible ang napapanahong komentaryo ni Galeano hinggil sa pananalakay (hindi pa nga ata matatawag na "giyera" dahil hindi naman patas ang laban, ika nga ni Edel Garcellano somewhere sa Knife's Edge) ng Israel sa Palestine*
Operation Pakawalang Tingga (Galeano)
malayang salin ng [salin] ni Mary Rizzo
ng [artikulo] ni Eduardo Galeano
Upang mapawalang-sala nito ang sarili, lumilikha ang terorismo ng estado ng mga terorista: naghahasik ito ng matinding galit at gumagapas ng mga pangangatwiran.

Tuesday, July 1, 2014
Leksyon ng Bomba
Leksyon ng Bomba
malayang salin ng sipi mula sa Ang Hari (The King) ni Donald Barthelme
Pero ipagpalagay mo ang lohika. Noong unang panahon, may layuning militar ang pambobomba o iba pa —paglusob sa looban ng riles, pagdurog sa mga pabrika ng kaaway, pagsara sa mga pantalan, mga gano'ng shit. Ngayon, hindi na gano'n. Ngayon, ginagawa ang pambobomba upang maging karanasang pang-edukasyon. Para sa mga binomba. Pedagohiya ang pambobomba. Sa bubungan, isang sibilyang may patpat ng puting posporus ang malalim na nag-iisip kung gaano katagal niya pang nais magpatuloy ang giyera.

Sunday, June 29, 2014
bilangan na ng araw
Pagbibilang
malayang salin ni Tilde Acuña
ng tula ni Philip Larkin
Madaling gawin
Ang pag-iisip nang nakabatay sa isa--
Isang silid, isang banig, isang silya,
Isang taong naririyan,
Makabuluhan; isang tungkos
Ng nais ang matutugunan,
Isang napunang ataul.
Ngunit mas mahirap gawin
Ang pagbibilang hanggang dalawa;
Dahil kailangang ikaila ang isa
Bago ito masubukan.
malayang salin ni Tilde Acuña
ng tula ni Philip Larkin
Madaling gawin
Ang pag-iisip nang nakabatay sa isa--
Isang silid, isang banig, isang silya,
Isang taong naririyan,
Makabuluhan; isang tungkos
Ng nais ang matutugunan,
Isang napunang ataul.
Ngunit mas mahirap gawin
Ang pagbibilang hanggang dalawa;
Dahil kailangang ikaila ang isa
Bago ito masubukan.
Wednesday, June 25, 2014
Tag-ani, Taong-mamamatay, Tagos
Hind ko tiyak kung saan galing ang sulsol na muling yumari ng tula at magsalin. Ang inisyal kong balak para sa blog na ito, ay ang pagpopost ng patalastas, i.e. progress (or lack thereof) report, mid-year carcasses, ganyan. Pero dahil hindi naman ako aktibong makalahok sa wasakan hinggil sa wika, wala naman ako sa posisyon, sa aba kong palagay, kaya baka ito ang naging labasan ko ng buntong hininga. May ilang haka-haka at kuru-kuro naman na ako rito, salamat sa paanyaya at sa paglalabas sa tekstong bopis, pero marami pa akong hindi mailagay sa kinalalagyan. Nagkaroon ng porum, may opinyon ang maraming tao at sa katunayan, medyo namangha ako sa pagiging popular ng isyu ng wika. Pero, hindi ko alam, ito siguro ang aking munting ambag, bukod pa sa pagdalo at pagiging odyens at reader ng mga porum at mga kolum: isang tula sa payak na porma, isang salin ng sipi ng nobela at isang salin ng tula ng hukbo:
Friday, May 31, 2013
plug + tulang walang tuldok
hindi na marahil mapepreempt at hindi na siguro kalabisang ianunsyo nang maaga na may aanihing dalawang tanim (tho, ewan ko, yung ibang "in press," nananatiling "in press," at hindi pala kami nag-iisa sa LLAB na nagkakahasel sa paglalabas ng antho): isa sa [antolohiya ng iyas] ("binhi," aking banggit sa [sinaunang blog entry]) na inaasahan kong bumibiyahe na mula bacolod patungong kamaynilaan, at isa sa [antolohiya ng querida] ("mistress," malamang, obyus) na inaasahan kong nasa palimbagan na at lalabas bago matapos itong taon. pasasalamat sa u.s.l.s at anvil; at magpopost ako ng update kapag mayroon nang anuman tulad nito: may write-up hinggil sa iyas antho sa [balay sugidanun]. salamat mam gen. isang piyesa ang ibabahagi ko bago ang finale sa sinimulang pag-intindi sa bunganga ng [buwaya]:
tulang walang tuldok
hinalaw ni tilde acuña
sa salin ni chana bloch
ng tula ni yehuda amichai
tulang walang tuldok
hinalaw ni tilde acuña
sa salin ni chana bloch
ng tula ni yehuda amichai
Friday, May 17, 2013
3 salita + ika-3 salin
gusto ko sana munang magbahagi ng mahaba-habang pagmumuni-muni hinggil sa pagsasalin, pero baka sa susunod na lamang. tatangkaing magkomento, magtanong hinggil sa interaksyong nagaganap dito. kahit papaano, ang relasyon ng awtor at ng tagasalin, marahil masasabing parang relasyon ng manunulat at ng dibuhista sa kolaboratib na mga komix; may ganito ring engagement, sa aba kong palagay, kapag nagcocover ng kanta ang mga banda (mga huling trip na cover version: puscifer binanatan ang "bohemian rhapsody" ng queen, rage against the machine naman tinira "clampdown" ng the clash at gregorian inawit ang "engel" ng rammstein, tas syempre, yung a perfect circle, iba rin, mash-up, "diary/diarrhea of a madman" ng black sabbath at ng the cure, at may mash-up din ako, lateralobZen, meshuggah at tool, anyway). may nagaganap sa pagitan ng kinocover at ng nagcocover. may bagong nabubuo mula sa luma. ang solb lang. ganito ang mga trip ko nitong nakaraan. mas gusto kong mag-engage sa ibang tao sa pamamagitan ng kolaborasyon, kaysa gumawa nang mag-isa. ang kolaborasyon, pagsasalin, at mga katulad na interaksyon sa patay man o sa buhay--ganito ang trip kong paglikha nitong huling mga araw. ayokong mag-soloflight. malungkot. pag sumemplang, ikaw lang yun. pag umubra, ikaw lang yun. the more the manier. gusto ko sana munang magbahagi ng mahaba-habang pagmumuni-muni, at mukhang hindi rin nakapagpigil at nagawa rin ang ginusto at sa ihinaba nito, eto, naririto na ang burador ng ikatlong lipat-wika, salin, anuman, ng tula ng paboritong polish poet:
Ang Tatlong Pinaka-kakatwang mga Salita
malayang salin ni Tilde Acuña ng salin
ni Baranczak at Cavanagh ng tula ni
Wislawa Szymborska
Kapag binibigkas ko ang salitang Hinaharap,
umaanib na kaagad ang unang pantig sa nakaraan.
Kapag binibigkas ko ang salitang Katahimikan,
nawawasak ko ito.
Kapag binibigkas ko ang salitang Wala,
nakakagawa ako ng hindi matatanganan ng sinumang walang-katauhan.
Thursday, May 16, 2013
Usigin, Basagin yang Mabuting Mamamayan
taos pusong paumanhin at pasintabi kay brecht. mas sober ang ["Pag-iimbestaga sa Mabuting Pilipino"] na unang ipinost noong 2011. ang imahe ay lumabas sa [under the storm] antho, at mga kasama naman nitong pyesa sa seryeng "eraserase" ay maiispatan sa [words get in the way] antho.
Usigin, Basagin yang Mabuting Mamamayan
Usigin, Basagin yang Mabuting Mamamayan
Wednesday, May 15, 2013
Ang Suliranin ng Tagasalin (Ann Lauterbach)
burador. sana pagpahingahin mo na ang diwa ko. ika nga rito sa
shelved artik na sana lumabas na, kung lalabas pa: sa mga eksenang “wala
pang multo, internalized ang fear; at kapag lumabas na ito, deal with
it.” si ser roland tolentino yang kinokowt ko, sa lecture hinggil
sa nation-building at sa shake, rattle and roll. sa mass comm audi yun.
okay? sa mass comm. anyway, eto na, suliranin, parang ikaw na multong
handa ko nang harapin, pero ayaw pang lumabas.
Ang Suliranin ng Tagasalin
malayang salin ni Tilde Acuña
ng tula ni Ann Lauterbach
Ang Suliranin ng Tagasalin
malayang salin ni Tilde Acuña
ng tula ni Ann Lauterbach
Friday, May 10, 2013
Isang Gawain (Milosz)
burador, di mapakali, nagkamali atang magpahiwatig, salin lang nang salin
Isang Gawain
malayang salin ni Tilde Acuña (ng salin
ni ?) ng tula ni Czeslaw Milosz
Sa pangamba at pangangatal, palagay ko'y magiging ganap ang buhay ko
Tanging kapag aking naitulak ang sariling sumambit ng pagtatapat sa madla
Magbunyag ng isang pagkukunwari, aking pansarili at sa aking panahon:
Pinapayagan tayong mapahiyaw sa wika ng mga duwende at demonyo
Ngunit ipinagbabawal ang mga salitang payak at mapagbigay
Sa ilalim ng multang lubos ang tindi na ang sinumang bibigkas ng gayo'y
Ituturing ang kanyang sarili bilang isang taong napahamak.

Tuesday, May 7, 2013
Magkasabay (Merwin)
ganito umangkop. daanin sa pagsasalin ang pinagdaraanan. burador:
Magkasabay
malayang salin ni tilde acuña
ng tula ni w.s. merwin
Habang nag-uusap tayo
libu-libong wika ang nakikinig
walang sinasabi
habang isang pinto ang ating isinasara
mga kawan ng ibon ang lumalagos sa taglamig
ng walang-hanggang liwanag
habang inilalagda natin ang mga pangalan
maraming atin ang lalong
pinakakawalan
at hindi kailanman tutugon

Wednesday, May 1, 2013
mayo uno w bopis
bagamat sa sabado pa ang free comic book day [fcbd], naririto ang paunang pa-komix, poetry x komix, para sa araw ng paggawa [at sana may maihandog din sa fcbd, tho forever namang accessible, available ang retrograde: stories & images]:
mula ang teksto sa nagluluto ng bopis, na baka maghain din ng anotasyon tungkol sa kolaborasyong ito. mula ang guhit sa inyong lingkod na magbabahagi ng ilang tala, post-process realization shiz, hinggil sa paglalapat ng imahe:

Tuesday, April 30, 2013
Sa mga Mag-aaral ng Kagawaran... (Brecht)
burador, syempre. btw, full version ng [ipinost] na trojan horse, keep out cartoon e uploaded na sa bulatlat (dot) com: [link]. takits bukas. ika nga ni john lennon, diba, a working class hero is something to be.
Sa mga Mag-aaral ng Kagawaran ng mga Manggagawa at Magsasaka
malayang salin ni Tilde Acuña ng tula ni Bertolt Brecht
Kaya nakaupo ka riyan. At gaano karaming dugo ang dumanak
Upang maari kang umupo riyan. Nababato ka ba sa ganitong mga kwento?
Mabuti pa, huwag mong kalimutang may ibang naunang umupo sa iyo
na di-nagtagal ay umupo sa mga tao. Manatiling taas-noo!
Walang kabuluhan ang iyong agham, makikita mo
At baog ang karunungan, kapag nakakahalina
Kung hindi mo ilalagak ang talino sa pakikibaka
Laban sa lahat ng kaaway ng sangkatauhan.
Huwag kalimutang nasaktan ang mga taong tulad mo
Upang maari kang umupo riyan, at hindi ang kabilang pangkat.
At huwag mong itikom ang mga mata, at huwag tumakas
Pero matutong matuto, at tangkaing matuto para sa alin.

Friday, April 19, 2013
cover cover: the division bell, r.i.p storm thorgerson
here's a visual cover version of the album cover of pink floyd's the division bell, whatever the fvck visual cover version of album cover means, let us just keep talking.
rest in peace storm thorgerson. (i'll update this post w album covers he did. i'll update this post at the soonest time possible, append covers after the cut)
rest in peace storm thorgerson. (i'll update this post w album covers he did. i'll update this post at the soonest time possible, append covers after the cut)
Labels:
adaptation,
arts,
music,
salin,
tribute
Saturday, April 13, 2013
isip at puso (bukowski)
burador. pangounterattack sa anxiety attack.
isip at puso
sobrang layang salin ni tilde acuña
ng tula ni charles bukowski
isip at puso
sobrang layang salin ni tilde acuña
ng tula ni charles bukowski
Friday, April 12, 2013
Mala-Rousseau (Baraka)
burador, as usual. parang ikaw. parang tayo. jokbye may skirmish pa bukas wag nang puro shit at maghanda, else magrelaks at malalampasan din at matatalo o mananalo lang naman
Mala-Rousseau
sobrang layang salin ni tilde acuña
ng tula ni amiri baraka
Mala-Rousseau
sobrang layang salin ni tilde acuña
ng tula ni amiri baraka
Saturday, April 6, 2013
Kasaysayang Lihim (Simic)
burador. pakyu ol.
Kasaysayang Lihim
sobrang layang salin ni tilde acuña
ng tula ni charles simic
Kasaysayang Lihim
sobrang layang salin ni tilde acuña
ng tula ni charles simic
Subscribe to:
Posts (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]