Thursday, May 16, 2013

Usigin, Basagin yang Mabuting Mamamayan

taos pusong paumanhin at pasintabi kay brecht. mas sober ang ["Pag-iimbestaga sa Mabuting Pilipino"] na unang ipinost noong 2011. ang imahe ay lumabas sa [under the storm] antho, at mga kasama naman nitong pyesa sa seryeng "eraserase" ay maiispatan sa [words get in the way] antho.

Usigin, Basagin yang Mabuting Mamamayan


Psssst, uy! May mga nagsasabi
ambait mo raw, tol.
Hindi tumatanggap ng lagay, hindi naglalagay. Pero
Di ba yung kidlat nga
na nakakasunog ng barung-barong paminsan,
hindi rin naman yun tumatanggap ng lagay?
May isa kang salita.
E ano bang pinagsasabi mo?
Nagsasalita ka kapag may naaagrabyado.
E ano nga ba yang pinagsasabi mo?
Matapang ka.
E ano yang pinagsasabi mo at puro ka salita?
Matalino ka.
Saan banda?
Hindi ka tumitingin sa pinag-aralan ng tao.
E anong pinagsasabi mo sa mga masang 'bobo'?
Ambait mo raw na katropa.
Swabe ka rin naman bang makisama sa sambayanan?
Wag ka munang umalis, labo mo naman mehn, e.
Dito ka muna kahit nakakabadtrip ka. Nakita mo yang
dingding na yan? Mabait yan. Baka mag-klik kayo kaya
ngayon, dahil ambait mong mamamayan, ganito:
Harap ka dyan sa mabait na pader (hindi yan papalag), may
mga mabait ritong punglo (magalang, laging may 'po' at 'opo'),
ikakarga namin dito sa masipag na baril (may trabaho, hindi tambay,
hindi tamad, nagbabayad ng income tax), tas eto may pala,
ambait din nito, palasimba, tas habang sumasalangit ka dahil
sa kabaitan mo, makikita mo rito sa ibabang
nililibing ka namin dito sa mabuting lupa. Tingin mo? Tara, game?

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]