burador. sana pagpahingahin mo na ang diwa ko. ika nga rito sa
shelved artik na sana lumabas na, kung lalabas pa: sa mga eksenang “wala
pang multo, internalized ang fear; at kapag lumabas na ito, deal with
it.” si ser roland tolentino yang kinokowt ko, sa lecture hinggil
sa nation-building at sa shake, rattle and roll. sa mass comm audi yun.
okay? sa mass comm. anyway, eto na, suliranin, parang ikaw na multong
handa ko nang harapin, pero ayaw pang lumabas.
Ang Suliranin ng Tagasalin
malayang salin ni Tilde Acuña
ng tula ni Ann Lauterbach
Wari mahuhulaan ang isang karaniwang sadya, kalakip ang mas kaunting salita.
Kalakip ang mas kaunti, mas karaniwang mga salita.
Mga salitang dalawa ang pantig, halimbawa.
Halimbawa: antas, o manggas.
Dalawang paborito ang mga ito, sa marami pa.
Marami pang matatagpuan kung titignan nang maigi.
Pero kahit tignan ko pa nang maigi, tiyak na ang isang salita ay hindi
Kinakailangang naririto, sa pambungad.
Isang gilid ng papel ang nakikita ko, kahel ang nakikita ko, tainga ang nakikita ko.
Mga salita ang nakikita ko at mga bagay ang nakikita ko. Isang lumang kuwento,
Walang makakahula sa karaniwang sadya.
Ang nakikita ko'y "kanyang taglamig," at ang nakikita ko'y "Ako'y abang
Turista lamang dito." Paksa ba ang mga ito ng
Pagsasalin, mga hadlang sa pagsasalin?
Nakikita ko si Juan at ang isang bukas na aklat, bukas sa isang araw
Ng Agosto. Nakadarama ako ng pagkadaig
Sa mga tanawing ito, para bang hindi ko na matatagpuan
Ang manggas man o antas. Ang mga karaniwan
At kaaya-ayang mga salita, nakaugnay sa
Mga karaniwan at kaaya-ayang mga bagay, na para bang
Ipinapahayag nilang ako'y
Nagpapahayag ng pamantayang tiyak. Ang manggas, ang antas,
Nakakahalina sila sa pag-aligid sa ibaba ng at sa loob ng
Ating mga pangangailangan: isang barong, isang baitang.
Pero isa lamang akong abang turista rito, bingi sa liwanag.
Ano itong tiara? Ano itong bagay?
Walang mahuhulaan ang karaniwan, ang paglundag nito sa kabila.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment