Friday, May 17, 2013

3 salita + ika-3 salin

gusto ko sana munang magbahagi ng mahaba-habang pagmumuni-muni hinggil sa pagsasalin, pero baka sa susunod na lamang. tatangkaing magkomento, magtanong hinggil sa interaksyong nagaganap dito. kahit papaano, ang relasyon ng awtor at ng tagasalin, marahil masasabing parang relasyon ng manunulat at ng dibuhista sa kolaboratib na mga komix; may ganito ring engagement, sa aba kong palagay, kapag nagcocover ng kanta ang mga banda (mga huling trip na cover version: puscifer binanatan ang "bohemian rhapsody" ng queen, rage against the machine naman tinira "clampdown" ng the clash at gregorian inawit ang "engel" ng rammstein, tas syempre, yung a perfect circle, iba rin, mash-up, "diary/diarrhea of a madman" ng black sabbath at ng the cure, at may mash-up din ako, lateralobZen, meshuggah at tool, anyway). may nagaganap sa pagitan ng kinocover at ng nagcocover. may bagong nabubuo mula sa luma. ang solb lang. ganito ang mga trip ko nitong nakaraan. mas gusto kong mag-engage sa ibang tao sa pamamagitan ng kolaborasyon, kaysa gumawa nang mag-isa. ang kolaborasyon, pagsasalin, at mga katulad na interaksyon sa patay man o sa buhay--ganito ang trip kong paglikha nitong huling mga araw. ayokong mag-soloflight. malungkot. pag sumemplang, ikaw lang yun. pag umubra, ikaw lang yun. the more the manier. gusto ko sana munang magbahagi ng mahaba-habang pagmumuni-muni, at mukhang hindi rin nakapagpigil at nagawa rin ang ginusto at sa ihinaba nito, eto, naririto na ang burador ng ikatlong lipat-wika, salin, anuman, ng tula ng paboritong polish poet:

Ang Tatlong Pinaka-kakatwang mga Salita
malayang salin ni Tilde Acuña ng salin
ni Baranczak at Cavanagh ng tula ni
Wislawa Szymborska

Kapag binibigkas ko ang salitang Hinaharap,
umaanib na kaagad ang unang pantig sa nakaraan.

Kapag binibigkas ko ang salitang Katahimikan,
nawawasak ko ito.

Kapag binibigkas ko ang salitang Wala,
nakakagawa ako ng hindi matatanganan ng sinumang walang-katauhan.

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]