Thursday, December 25, 2014

Mga Salita* (Garcellano) ++

Mga Salita
malayang salin ni Tilde Acuna
ng tula ni Edel Garcellano

Ipinapalagay ng salita ang isang katahimikang
sa katunaya'y batbat ng mga salitang
nangangahulugan ng ganito & ng ganoon
& wala nang iba.
Oo, tila kinakapos ang lahat
sa totoong pag-uusap
dahil binibigo tayo ng mga salita.
Pero nalulunod tayo sa ilog ng mga salita
na tila kabulaanan ang binibigkas,
isang pagtataksil sa inaakalang kahulugan.
Walang kaligtasan sa pagwiwika ng mga salita--
Pero anong sandata ang gagamitin natin
laban sa mga naniniil & nananakal?
Nananakmal ang katahimikan
pero kailangang patuloy tayong lumikha ng salitang
babasag
sa makapal na salaming namamagitan sa atin.
Dakila ang tungkulin.
Balewala ang panulaan.



***
baon sa utang ngayong pasko. hindi lang sa tinataguang inaanak, maging sa mga salita at mga dibuho. wala akong paliwanag. masyadong marami ang nangyayari. masyadong mabilis ang daigdig. hindi bababa sa limang ulit nanghimasok sa diwa, panaginip ko si c. cthulhu. cthulhu na lang. may xmas kwento si gaiman na tampok si cthulhu na pinamagatang "i, cthulhu." samantala, may class struggle sa north pole. kapitalista pala si santa. si christ, hippie-guerilla hybrid, sabi ni eagleton na inuna kong pakinggan kaysa pagtuunan ng pansin ang mga matagal nang dapat binigyang-pansin. naiinip na si adelina gurrea, si mebuyen, si ilog, at baka may nakakalimutan pa akong (edit: tiyak na may nakalimutan akong) tagpuin ngayong bakasyon. sana hindi sila magtampo. hanggang dito na lang muna okbye.

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]