Wednesday, December 31, 2014

bago dumating ang kambing

sa taong naghihingalong ito, 2014, ata pinakakaunti ang mga naipaskil kong update sa buhay. itinuturing ko itong tagumpay dahil pagbabawas ito ng pagbabahagi ng sarili, na tingin ko, mabuting disiplina sa panahong nalululong sa sarili ang lahat ng may kakayanang mag-ere ng sarili, sa henerasyong selfie ang validation ng existence. nabanggit ko sa social media account kong ayoko mag-account ng 2014 sa venue na iyon, pero sa venue na ito, mapagbibigyan naman siguro ako dahil hindi naman mapupunta rito ang mambabasa kung hindi niya ninais mapadpad dito.


ito ang huling dibuho ko sa taong ito. nabanggit ko na ito sa social media. na "ito na sana ang kailangang buwelo para matapos ang mga gawaing nakabinbin pa rin. may mga panahon ata talagang mas masayang gumawa ng hindi nakaplano at nauuna pa ito sa mga nasa to-do list. ayoko nang i-account dito, pero naging mabuti ang 2014. medyo mataas ang aasahan sa 2015, dahil taon ito ng mga kambing. ya know, goat, isa sa mga paboritong hayop. happy new year sa lahat. tribute kay fritz lang ang drawing." hayaan na ninyo akong mag-indulge. after ng pangungusap na ito ang accounting bago dumating ang kambing, isa sa paboritong hayop maliban sa matandang ulupong ng 2012:


hunyo pala ako muling nagsimulang mag-update matapos ang mahabang hiatus, at may [mid-year accounting] nang naganap. naupdate ko na rin ang mga publikasyon noong oktubre. so, events na lang siguro, maliban pa sa mga booklaunch: 1) BLTXV: unang collab w janine dimaranan, at simula ng pagka-obses sa laibach at sa idea ng overidentification na dinala ko rin sa 2) graduate colloquium ng kal, kung saan idinaldal ko ang pag-aplay ko nito sa erasure project, NIHIL VERS na madalas kong dala saanman magpunta; 3) event na rin siguro ang pag-iiwan ng stuff sa uno morato sa quezon city, unang beses ko rin nagpa-consign, then nag-akyat na rin sa mount cloud sa baguio; 4) mahalaga ang dalawang palihang nadaluhan--sa bacolod, para sa Kritika at sa baguio, para sa panitikang pambata, dahil sa mga workshop na ito ko rin natagpuan ang ilang mahahalagang tao; 5) art art: ikinararangal kong mapasama sa CONDEMNED art exhibit ng contend, at sa paparating na FACTSHEET exhibit ng artists arrest at sa kids komix antho na PIKO, na inedit ni Josel Nicolas at ilalabas ng anino comics, naririto ang promotional material.



so sa madaling sabi, sa limang bullet points, ganito ang 2014: 1) zines/indie counterculture (naks); 2) literary, art, cultural production, and graduate studies; 3) operation distribution ng kalakal; 4) national writing workshops; at 5) ahrt ahrt at palitix palitix. ganito at higit pa ang inaasahan ko sa 2015. at sa pagitan ng lahat ng ito? struggle. ngayon pa lang, may naaaninag nang mga pagsubok sa tatag ng loob.

p.s.: dispensa, pasintabi, pasensya sa mga naging pagkukulang dahil sa mga pinagdaraanang hindi naman dapat maging dahilan ng mga pagkukulang. ginagawa ang abot nang makakaya, at sana magtiwala pa rin ang mga pinagkakautangan ng proyekto, tambay, at, anuba, atensyon. lubos na pasasalamat sa contend at sa UP at sa mga kaibigang kritikal sa lahat ng bagay. tagay (ng kape at/o tsaa) sa 2015, taon ng kambing!

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]