Saturday, May 26, 2012
shorts [ii]: ang dalawang di-bawal na gamot
tulad ng naunang shorts (ang bobong pulitikal), hindi ko matunton ang pinagmulan ng siping ito, pero sinalin ko ito mula sa post ng page na the other 98%. ako na rin ang pumili niyang pamagat. sa isang banda, sumasakto ito sa akin, at maari ring sumakto sa iyo at, malamang na sumakto sa marami sa atin dahil malamang na maraming makaramdam ng "oo nga, no?" dami pang pasubali, eto ang malayang salin ko ng sabi ni bill hicks na idol ni maynard james keenan na idol ko:
"kung nais mong maunawaan ang lipunan, pagmasdan mong mabuti ang ginagamit nitong mga gamot. at anong ipinakikita nito hinggil sa (ating) kultura? tignan mo kung ano ang mga ginagamit nating mga 'gamot.' maliban sa mga lason mula sa botika, dalawang gamot lamang ang hindi bawal at kinukunsinti ng (ating) sibilisasyon. caffeine mula lunes hanggang biyernes para bigyan ka ng sapat na lakas para maging produktibo kang miyembro ng lipunan, at alcohol mula biyernes hanggang lunes para panatilihin kang masyadong tanga para matuklasan ang kalabosong kinaiiralan mo."
btw, nagsimula ang nakaraang linggo nang panget dahil may nagparamdam na hindi naman kailangan magparamdam, at may mga tanong na namang itinanong. tas kababasa ko lang, as in, ngayong umaga lang, etong mula sa thoughcatalog--tungkol sa mga bagay na hindi kailangan malaman at mga tanong ng nagsisimulang manunulat. nawa'y magkita tayo mamaya sa komikon. kunwaring magandang umaga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
Kuya Tilde, ang ganda nito. At ang ganda rin kung maging kanta ito. (Naisip ko lang.)
ReplyDeleteOo nga, ano? Magandang ideya. Tas, baka maganda rin iperform o samting! Matsala sa pagbisita.
Delete