burador. pangounterattack sa anxiety attack.
isip at puso
sobrang layang salin ni tilde acuña
ng tula ni charles bukowski
di-maipaliwanag na nag-iisa tayo
nag-iisa magpakailanman
at ganoon talaga
ang tunguhin,
hindi maaaring
iba ang kahantungan–
at kapag ang pagpalag sa kamatayan
ay nasimulan
ang huling bagay na nais kong makita
ay
isang kumpulan ng mga mukha ng taong
nakalutang sa ibabaw ko–
mabuti pang mga dating kaibigan,
mga dingding ng aking sarili,
hayaang sila lamang ang naroroon.
Naranasan ko nang mag-isa pero madalang
na malumbay.
Napawi ko na ang aking uhaw
sa bukal
ng aking sarili
at masarap ang alak na iyon,
pinakamasarap na aking natikman,
at ngayong gabi
nakaupo
nakatitig sa karimlan
ngayon ko tuluyang naunawaan
ang karimlan at ang
liwanag at ang lahat
ng nasa pagitan.
kapayapaan ng isip at puso
ay dumarating
kapag natanggap na natin kung ano'ng
naririto:
sa
pagkakasilang dito
sa kakatwang buhay
dapat nating tanggapin
ang naaksayang sugal ng ating
mga araw
at magkaroon ng pagtamasa sa
kasiyahan ng
pag-iwan ng lahat ng ito
sa paglisan.
huwag tumangis para sa akin.
huwag maghinagpis para sa akin.
basahin
kung anong aking isinulat
at
kalimutan ito
lahat.
uminom mula sa bukal
ng iyong sarili
at magsimulang
muli.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment