burador, as usual. parang ikaw. parang tayo. jokbye may skirmish pa bukas wag nang puro shit at maghanda, else magrelaks at malalampasan din at matatalo o mananalo lang naman
Mala-Rousseau
sobrang layang salin ni tilde acuña
ng tula ni amiri baraka
Nananatili siyang katabi ko, nananatiling malayo,
ang malabong kawalang-pakialam
ng mga pangarap niya. Nangangarap, na magpatuloy,
at magpatuloy roon, tulad ng mga hayop na lumilikas
sa pagbangon ng daigdig. Ngunit nananatiling
hindi mawari, ang pagnanasa isang pinagpagurang poot
isang saradong pantakip, para sa kaluluwang matabsing.
Kaya umatras, at saan ka tutungo? Kahon ng mga kataga
at larawan. Mga lobong bakal na nakatali sa mga bibig natin.
Napupuno ang silid, at ang tahanan. Tumatabingi ang lansangan.
Dumadausdos ang lungsod, at dumadausdos sa ilog ang mga gusali.
Ano pa roon ang natira, upang magiba? Hindi iyon malapit
o malapitan. Palayong humihilig sa anggulo ng wika.
Tinutulak nang tinutulak, lahat ng mga mata nati'y sumalungat
at sumilakbo. Mga mangingibig, kinakalas ang bakanteng balangkas.
Naghihintay sila at tumitimo at pinapanood ang mga pangarap nilang
umaga ang nilalamon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment