Sa katanghalian kalakip ang gumagaralgal na uha.
Tinatangay ang anino nilang lumalampas sa ina ng mga usa
At minsan may nakakakita sa pamamahinga nilang mapanglaw.
Kung papaano nilang nagagambala ang kayumangging katahimikan
Kung saan namamalikmata ang inararong bukid
Tulad ng isang binibining nagagayuma ng matinding salagimsim,
At minsan may nakaririnig sa kanilang pagtutunggali
Sa ibayo ng ilang salot na naaamoy kung saan;
Biglaan silang lilipad patungong hilaga
At unti-unting mauubos tulad ng prusisyon ng patay
Sa alapaap na nangangatal sa kagalakan.
No comments:
Post a Comment