Within the day, may kasunod pa itong dalawa o higit pang transliterasyon, terminong napulot ko kay Axel Pinpin. Pag translit (uy, may fare hike sa transpo, P8.50 na ang minimum, can't find a link, pero nabasa ko sa inquirer, at, oo hindi pa ako sumasakay ng jeep kasi parati akong naglalakad, anyway, balik sa translit) parang salin ito o adaptasyon batay sa kultura ng wika kung saan ito, er, inampon? As usual, sorry Whitman, hindi ko maaral ang pagfoformat. Ito na:
Mula sa Mga Indikasyon
ni Walt Whitman, transliterasyon ni Tilde Acuña
Magbibigay sa iyo ng mas higit pa sa mga tula ang mga salita ng tunay na mga tula
Bibigyan ka ng mga ito upang lumikha para sa iyong sarili, ng mga tula, mga pananampalataya, mga pulitika,
digmaan, kapayapaan, kaugalian, mga kasaysayan, sanaysay, mga romansa, at lahat ng iba pa,
Tinitimbang nito ang mga hanay, kulay, lahi, paniniwala, kasarian,
Hindi sila humahanap ng kagandahan—sila ang hinahanap,
Habangbuhay silang hinahaplos, o nalalapit sa kanila, sumusunod ang kagandahan, nag-aasam, nakukuntento, nababaliw sa pagmamahal.
Naghahanda sila para sa kamatayan—ngunit hindi sila ang wakas, kundi ang panimula,
Wala silang dinadala sa kani-kanilang himlayan, o ang pagiging kuntento at buo;
Sinumang kanilang tinatangay, tinatangay nila sa kalawakan, upang matunghayan ang pagsilang ng mga tala,
upang matutunan ang isa sa mga pakahulugan,
Upang maglakbay nang may ganap na pananalig—upang kumaripas sa walang humpay na mga kawing,
at hindi na muling manahimik.
The Indications [excerpt]
[source]
The words of the true poems give you more than poems,
They give you to form for yourself, poems, religions, politics,
war, peace, behavior, histories, essays, romances, and everything else,
They balance ranks, colors, races, creeds, and the sexes,
They do not seek beauty—they are sought,
Forever touching them, or close upon them, follows beauty, longing,
fain, love-sick.
They prepare for death—yet are they not the finish, but rather the outset,
They bring none to his or her terminus, or to be content and full;
Whom they take, they take into space, to behold the birth of stars,
to learn one of the meanings,
To launch off with absolute faith—to sweep through the ceaseless rings,
and never be quiet again.
**(12:30am | 03222012) updates as promised kaninang umaga***
Kung Bakit Hindi Ako Pintor
ni Frank O'Hara, transliterasyon ni Tilde Acuña
Hindi ako pintor, ako ay makata.
Bakit? Sa palagay ko mas nais kong maging
isang pintor, pero hindi. Buweno,
halimbawa, nagsimulang magpinta
si Jose Joya. Dumaan ako.
"Umupo ka at tumagay," wika
niya. Tumagay ako; Nag-inom kami. Tumingala
ako. "May SARDINAS ka sa loob nito.
"Oo, kailangang may pumuno roon."
"A." Umalis ako at lumipas ang mga araw
at dumaan ulit ako. Nagpatuloy siya
sa pagpipinta. Dumaan ako. Tapos na
ang obra. "Nasaan ang SARDINAS?"
At ang tanging natira ay
mga letra. "Nasobrahan," wika ni Jose.
Pero ako? Isang araw, may iniisip akong
kulay: kahel. Sumulat ako ng isang linya
tungkol sa kahel. Sa ilang saglit naging
isang buong pahina ng mga salita, hindi mga linya.
At isa pang pahina. Dapat magkaroon
ng higit pa, hindi ng kahel, kundi ng
mga salita, kung gaano kasaklap ang kahel
at ang buhay. Lumipas ang mga araw. Kahit pa sa
prosa, tunay akong makata. Tapos na
ang aking tula at ni hindi ko man lang nabanggit
ang kahel. Labindalawa ang mga tula, tinawag ko
itong MGA KAHEL. At isang araw sa tanghalan ng obra
nakita ko ang pininta ni Jose, pinamagatang SARDINAS.
Why I Am Not a Painter [source]
I am not a painter, I am a poet.
Why? I think I would rather be
a painter, but I am not. Well,
for instance, Mike Goldberg
is starting a painting. I drop in.
"Sit down and have a drink" he
says. I drink; we drink. I look
up. "You have SARDINES in it."
"Yes, it needed something there."
"Oh." I go and the days go by
and I drop in again. The painting
is going on, and I go, and the days
go by. I drop in. The painting is
finished. "Where's SARDINES?"
All that's left is just
letters, "It was too much," Mike says.
But me? One day I am thinking of
a color: orange. I write a line
about orange. Pretty soon it is a
whole page of words, not lines.
Then another page. There should be
so much more, not of orange, of
words, of how terrible orange is
and life. Days go by. It is even in
prose, I am a real poet. My poem
is finished and I haven't mentioned
orange yet. It's twelve poems, I call
it ORANGES. And one day in a gallery
I see Mike's painting, called SARDINES.
***
Kahulugan ng Tula
ni Boris Pasternak, transliterasyon ni Tilde Acuña
Isa itong sipol na umihip sa isang saglit,
Ito ang pagbibitak ng yelo sa amihan,
Isa itong gabing pinagyeyelo ang luntiang mga dahon,
Isa itong pagtutuos ng dalawang maya.
Isang baging na marangal ang marahas na pagkaripas,
Ito ang luha ng daigdig na nasa sisidlan,
Figaro itong tulad ng tumilapong bubog
Mula sa mga plauta sa basang himlayan ng mga bulaklak.
Ito lamang ang inaasam matagpuan ng gabi
Sa kaibuturan ng malalim na lawang paliguan,
Ito ang bituing napadpad sa palaisdaan
sa iyong mga palad, basa at nanginginig at malamig.
Kasinglapad ang hanging ito ng mga tabla
sa sapa. Malapad sa mukha nito ang langit.
Nakakalibang kung ang humalakhak itong mga bituin-
ngunit nakakabatong kasadlakan ang kalawakan.
Definition of Poetry [source]
It's a whistle blown ripe in a trice,
It's the cracking of ice in a gale,
It's a night that turns green leaves to ice,
It's a duel of two nightingales.
It is sweet-peas run gloriously wild,
It's the world's twinking tears in the pod,
It is Figaro like hot hail hurled
From the flutes on the wet flower bed.
It is all that the night hopes to find
On the bottom of deep bathing pools,
It's the star carried to the fish-pond
In your hands, wet and trembling and cool.
This close air is as flat as the boards
In the pond. The sky's flat on its face.
It would be fun if these stars guffawed-
But the universe is a dull place.
No comments:
Post a Comment