halaw / salin / transliterasyon ni tilde
Pebrero. Sumalop ng tinta at tumangis,
isulat ang Pebrero habang ika'y humihikbi,
habang sumasahol ang lapnos ng dilim ng tagsibol
na tumatagos sa paglusak at pagsikdo.
Sumakay sa padyak. Para makahawak sa katuwang,
sa mga tore ng kampana at ingay ng manibela,
pumunta kung saan napupunit ang bulahaw ng bagyo,
nang higit na malakas pa sa luha o tinta.
Kung saan nabubuwal ang mga haliging libo ang bilang,
parang mga peras na tinupok ng kalangitan,
inilagapak upang maging pusaling may dinadalang
mapanglaw na lumbay sa kaibuturan ng mga mata.
Sa ilalim, maaaninag ang tumatagos na kadiliman,
at kumulubot ang hangin sa kangangawa,
ang higit na malaya, ang higit na tunay
sa gayon, nawawari ang humihikbing berso.

***
Random good reads while loitering the interwebz as the bowel movement persists on a revolution. I should have been at the Better Living Through Xeroxography Bring Your Own Tools Book Making Workshop of the Youth and Beauty Brigade, but I failed to shop for my own tools that I would have to bring because, er, I've mentioned it, right? Would hopefully drop by to observe later, and maybe, sit at the Worst Contest Rule Ever discussion of Freelance Writers' Guild of the Philippines, all at Chef's Bistro--a place that I shall try to find in the urban jungle of Quezon City, a place which should have grown on me by now. Anyway, here are the, er, current reads:
Excerpt from "Body World" by Dash Shaw, 2011 Best American Comics
Selections from the Collected Fictions of Jorge Luis Borges
Tonyo Cruz's Fundamentals and Introduction to #Noynoying
Mixkaella Villalon's "Balita"
***
Sana lang matapos ko ang mga pinagbibiling libro (yes, feeling bourgeoisie) last week kung kailan ipinanganak din ang isang bagong nilalang--literal hindi, er, espiritwal, may bago akong pinsang kamumulat lang sa napakabeautiful na mundong ito--totoo hindi, er, sarcastic, mas maganda naman talaga ang imperfections at shit kesa sa perfection at certainty, etc. *update* nagtagumpay ang sikmura sa pagpapanatili sa akin sa bahay. Saklap. Ang pamagat pala ng FWGP discussion ay "Tricks in the publishing scene." Nakuntento na lamang ako, bagamat hindi tunay na nakuntento at produktibo dapat ang sabado ko, sa live streaming. Plus, yung bookmaking workshop nga na sana, magkaroon pa ulit ng pagkakataon at mapaglaanan ng oras at, hay, parang panahong nakakapakyu lang kasi umulan at ang init, hindi kasi nakisama ang sikmura kong pakyu lang kasi ang hirap ispelengin. Hanggang ngayong matatapos na ang araw, hindi pa rin maayos ang pakiramdam ko. Dahil sa init at sa tiyan. Pakshet. Marami pa akong kailangang gawin. Makisama kayong mga hindot kayo, lalo ka na, pldt myDSL.
No comments:
Post a Comment