Burador. Indikasyong hindi na naman makasulat ng sariling akda.
Tala Hinggil sa Tulang Hindi Kailanman Maisusulat
ni Margaret Atwood, transliterasyon ni Tilde Acuña
Ito ang dakong
hindi mo na lamang nanaising magagap.
Ito ang dakong mamumugad sa iyo
Ito ang dakong hindi mo madadalumat
Ito ang dakong sa huli'y lulupig sa iyo
kung saan ang salitang bakit ay nanghihina at nababakante
sa sarili nito. Ito ang paghihikahos.
Wala kang tulang maisusulat
tungkol dito, sa kumunoy
kung saan napakaraming nalunod
at nasiwalat, ang di-matagalang
pasakit na nakabakat pa rin sa kanilang balat.
Humahabi tayo ng pumpon ng mga pang-uri para sa kanila,
binibilang natin silang parang mga abaloryo,
ginagawa natin silang mga datos at mga litanya
at mga tula tulad ng isang ito.
Walang gumagana,
Nananatili ang lahat sa kung ano sila.
Nakahilata ang babae sa sahig ng basang semento
sa ilalim ng walang patid na liwanag,
minarkahan doon ng karayom ang kanyang manggas
upang patayin ang utak
at magtaka kung bakit siya namamatay.
Namamatay siya dahil sinabi niya.
Namamatay siya para sa kapakanan ng salita.
Ang katawan niya, tahimik
at walang daliri, ang sumusulat nitong tula.
Nagmimistula itong isang operasyon
pero hindi ito isa sa mga iyon
hindi rin, sa kabila ng pagkakabukaka, mga ungol
at dugo, ito isang pagluluwal.
Bahagya, isa itong hanapbuhay
bahagya isa itong pagpapakita ng kahusayan
tulad ng isang orkestra.
Maaring sablay itong maisagawa
maaring magaling, sila ang makapagsasabi.
Bahagya, isa itong sining.
Tahasang makikita ang mga katotohanan ng daigdig
sa pamamagitan ng mga luha;
bakit, sabihin mo sa akin,
may pagkakamali sa aking mga mata?
Upang malinaw na makakita nang hindi kumukurap,
nang hindi umiiwas ng tingin,
ito ang pagdurusa, ang mga matang mulat na piniringan
dalwang pulgada mula sa araw.
Ano ngayon itong nakikita mo?
Masama ba itong panaginip, o isang kapraningan?
Isa ba itong pangitain?
Anong naririnig mo?
Ang labahang tumawid sa mata
ay isang detalye mula sa lumang pelikula.
Ito rin ay isang katotohanan.
Saksi ang siyang kailangan mong dalhin.
Sa bansang ito iyong masasabi ang nais
dahil wala namang makikinig sa iyo,
sapat ang seguridad, sa bansang ito maari kang magtangkang sumulat
ng tulang hindi kailanman maisusulat,
ng tulang mag-iimbento
ng kawalan at mangangatwiran sa kawalan,
dahil iimbentuhin at bibigyang-katwiran mo ang iyong sarili sa bawat araw.
Sa kung saang dako, ang tula ay hindi imbensyon.
Sa kung saang dako, tapang ang kailangan sa tula.
Sa kung saang dako, dapat maisulat ang tulang ito
dahil patay na ang mga makata.
Sa kung saang dako, dapat maisulat ang tulang ito
na parang namatay ka na
na parang wala nang anumang magagawa
o masasabi upang ika'y maisalba.
Sa kung saang dako dapat mong isulat ang tulang ito
dahil wala nang anumang ibang magawa.
***
Notes Towards a Poem That Can Never Be Written
This is the place
you would rather not know about
This is the place that will inhabit you
This is the place you cannot imagine
This is the place that will finally defeat you
where the word why shrivels and empties
itself. This is famine.
There is no poem you can write
about it, the sandpits
where so many were buried
& unearthed, the unendurable
pain still traced on their skins.
We make wreaths of adjectives for them,
we count them like beads,
we turn them into statistics and litanies
and into poems like this one.
Nothing works,
They remain what they are.
The woman lies on the wet cement floor
under the unending light,
needle marks on her arms put there
to kill the brain
and wonders why she is dying
She is dying because she said.
She is dying for the sake of the word.
It is her body, silent
and fingerless, writing this poem.
It resembles an operation
but it is not one
nor despite the spread legs, grunts
& blood, is it a birth.
Partly, it's a job
partly it's a display of skill
like a concerto.
It can be done badly
or well, they tell themselves.
Partly, it's an art.
The facts of this world seen clearly
are seen through tears;
why tell me then
there is something wrong with my eyes?
To see clearly and without flinching,
without turning away,
this is agony, the eyes taped open
two inches from the sun.
What is it you see then?
Is it a bad dream, a hallucination?
Is it a vision?
What is it you hear?
The razor across the eyeball
is a detail from an old film.
It is also a truth.
Witness is what you must bear.
In this country you can say what you like
because no one will listen to you anyway,
it's safe enough, in this country you can try to write
the poem that can never be written,
the poem that invents
nothing and excuses nothing,
because you invent and excuse yourself each day.
Elsewhere, this poem is not invention.
Elsewhere, this poem takes courage.
Elsewhere, this poem must be written
because the poets are already dead.
Elsewhere, this poem must be written
as if you are already dead,
as if nothing more can be done
or said to save you.
Elsewhere you must write this poem
because the is nothing more to do.
No comments:
Post a Comment