Sunday, March 25, 2012

Mula sa "Pamantayang Kartel ng Krudo" ni Neruda, sinipi ni Arundhati Roy sa sanaysay niyang "Capitalism: A Ghost Story"

Burador as usual.

Mula sa Pamantayang Kartel ng Krudo (Standard Oil Company)
isa sa mga unang tula ni Pablo Neruda, sinipi ni Arundhati Roy sa sanaysay niyang "Capitalism: A Ghost Story," isinalin ni Tilde Acuña

Dalisay at nakangising mga mamamatay-tao
ang mga bundat nilang hari mula sa New York
na namamakyaw ng sutla, tela, mga tabako
hamak na mga despotiko at diktador.

Namamakyaw ng mga bansa, mamamayan, dagat, pulis, barangay
malalayong rehiyon kung saan iniimpil ng maralita ang mais
tulad ng pag-iimbak ng mga ganid ng kanilang ginto:
Ginigising sila ng Pamantayang Krudo,
binibihisan sila ng uniporme, itinatakda
kung sinong kapatid ang kaaway.
Inilulunsad ng tubong Paraguay ang kanyang pakikidigma
at nangangamatay ang tubong Bolivia
sa kagubatan, tangan ang kanyang armalayt.

Isang presidenteng pinaslang para sa patak ng petrolyo,
humigit kumulang limang bilyong yardang parisukat na sangla,
isang kagyat na pagpuksa sa isang umagang mortal na may liwanag, tigalgal,
isang bagong kalaboso para sa mga subersibo,
sa Patagonia, isang pagtataksil, kalat-kalat na putukan
sa ilalim ng buwang sagana sa krudo,
isang pailalim na pagpapalit ng mga ministro
sa kapital, isang bulong
tulad ng agos ng langis,
at wasak, makikita mo
kung paano kuminang sa itaas ng mga ulap ang mga titik ng Pamantayang Krudo,
sa itaas ng dagat, sa loob ng iyong tahanan,
nagliliwanag sa kanilang nasasakupan.

***

On a not-so-related note, pa-fangurl. Continuation nung naunang entry na may simsimi mainstreaming conversation dahil may simsimi encounter din ako kanina, ito, tnweet ko kasi wala lang: #Noynoying on a sunday morning. ako: "god is dead." simsimi: "all the time!" ako: "god fvcks you." simsimi: "god loves you too."


***

1845 today: update, nakahanap akong kumpletong bersyon dito, heto ang salin:

Pamantayang Kartel ng Krudo
ni Neruda, salin ni Acuña

Nang bumutas pailalim ang barena patungo sa mabatong mga bitak
at sumadlak sa bituka nitong hindi nagpapatinag
sa tago nitong estado,
at mga patay na taon, mga mata ng panahon,
ugat ng ikinalabosong mga tanim
at sistemang natutuklap
na naging mga saray ng tubig,
apoy na mabilis kumalat sa mga lagusan
at naging likidong malamig,
sa mga gusali ng adwana sa kaitaasan,
kumikita mula sa mundong nagbabanta ang lalim,
nakaengkwentro nito ang isang maputlang inhinyero
at isang kasunduang ligal.

Kahit gaano ang pagkakabuhol ng mga ugat-lagusan ng petrolyo,
kahit gaano baguhin ng mga patong ang tahimik nilang pagdarausan
at kumilos ang soberanya nila sa gitna ng sikmura ng dagidig,
kung ibulwak ng bukal ang pagkit nitong yabong,
una nang dumating ang Pamantayang Krudo
tangan nito ang tseke at mga baril,
kasama nito ang mga goberyno at mga bilanggo.

Dalisay at nakangising mga mamamatay-tao
ang mga bundat nilang hari mula sa New York
na namamakyaw ng sutla, tela, mga tabako
hamak na mga despotiko at diktador.

Namamakyaw ng mga bansa, mamamayan, dagat, pulis, barangay
malalayong rehiyon kung saan iniimpil ng maralita ang mais
tulad ng pag-iimbak ng mga ganid ng kanilang ginto:
Ginigising sila ng Pamantayang Krudo,
binibihisan sila ng uniporme, itinatakda
kung sinong kapatid ang kaaway.
Inilulunsad ng tubong Paraguay ang kanyang pakikidigma
at nangangamatay ang tubong Bolivia
sa kagubatan, tangan ang kanyang armalayt.

Isang presidenteng pinaslang para sa patak ng petrolyo,
humigit kumulang limang bilyong yardang parisukat na sangla,
isang kagyat na pagpuksa sa isang umagang mortal na may liwanag, tigalgal,
isang bagong kalaboso para sa mga subersibo,
sa Patagonia, isang pagtataksil, kalat-kalat na putukan
sa ilalim ng buwang sagana sa krudo,
isang pailalim na pagpapalit ng mga ministro
sa kapital, isang bulong
tulad ng agos ng langis,
at wasak, makikita mo
kung paano kuminang sa itaas ng mga ulap ang mga titik ng Pamantayang Krudo,
sa itaas ng dagat, sa loob ng iyong tahanan,
nagliliwanag sa kanilang nasasakupan.

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]