Thursday, September 6, 2012

Karaniwang Buhay (Zagajewski)

si szymborska dapat ang isasalin ko dahil adbans kong niregaluhan ang sarili sa unang taon ng pagiging kawani. ng ano? ng kuleksyon niya ng mga tula, yung "Here," at first time ko atang bumili ng librong ganoong kanipis tas ganoong kamahal, so bourgeois pero ewan ko, mahal ko si szymborska at iba pang taga-poland dahil karaniwang kaunti ang patinig sa kanilang pangalan (o si wislawa lang yun at si czeslaw). ang likhang sining nga pala ay kay beksinski. that is all. i thank you, source ng artwork ni zdzislaw, i thank you cosmos nakatagpo ako ng

***

Karaniwang Buhay
malayang salin ni Tilde Acuña ng salin ni 
Clare Cavanagh ng tula ni Adam Zagajewski


Karaniwan ang ating buhay,
nabasa ko sa ginusot na papel
na pinabayaan sa isang bangko.
Karaniwan ang ating buhay,
sinabi sa akin ng mga pilosopo.

Karaniwang buhay, karaniwang mga araw at mga alalahanin,
isang konsiyerto, isang huntahan,
mga paglalagalag sa mga laylayan ng lungsod,
mabuting balita, masasamang—

ngunit ang mga bagay at mga hinagap
kahit papaano'y hindi tapos,
mga guri-guring burador.

Nag-aasam ng higit pa
ang mga kubo at mga punongkahoy
at nasasakluban ang planetang nagpupuyos
ng luntiang mga pastulan
tulad ng kapoteng itinapon sa karagatan.

Naghahangad ng liwanag ang pelikulang madilim.
Humihingang tila sinisinat ang kagubatan,
banayad na umaawit ang mga ulap,
isang bulawang kilyawan ang nananalanging umulan.
Nag-aasam ang karaniwang buhay.

***

p.s. yung orihinal na nasa intro ko ay maraming ligoy. nilagay ko na lang dito sa dulo na unang kinalagyan niyang intro ngayon dahil baka toxic, so, eto, read at your own risk at kailangan mong umeffort dahil sa strikethrough so baka gusto mo nang lumayas at magbasa ng ibang bagay tungkol sa mainstream noise sa ating mga feed. pero kung mapilit ka, eto:


bukas ko mamarkahan ang unang taon sa pagiging kawani. ngayon ko tutulaan ang tungkol dito. o, mas mainam sigurong sabihing ngayon ako magsasalin ng tula para rito. mahirap nang matulad kay tito sotto na pinagbuntunan ng lahat ng gitnang uri ng kanilang galit sa mundo sa isyung ang gitnang uri lang ang apektado: plagiarism. property kasi. intellectual property. hindi porke ayaw kong banatan si sotto tulad ng senado na hindi ito tinuturing na isyu e hindi na big deal sa akin ang plagia, ha. oo, nagmamatter iyon sang ayon kay syjuco, ang sa akin, hindi lang malinaw kung bakit karamihan sa gitnang uri e mas apektado sa isyu ng plagia, pero sa pagpatay halimbawa sa katutubo, pandurukot sa mga estudyante ng pamantasan, hindi gaano.

sa pagpursue ng mga pro-RH bill ng plagia charges na tila ang trabaho na lang nila sa buhay at mag-hanap ng trivial na mga bagay kumpara sa mga panukalang batas at sa paglalaro nila sa boardgame na sinimulan ni sottong anti-RH bill, naiwan na ang isyu ng reproductive health sa pangkabuuan na tinuturing ko ring isang minor na isyu pero siyempre tututukan iyan ng corporate media for ratings and all, kasi bakit nga naman tututukan ang mga (delayed na paglalabas ng) pag-aaral tungkol sa garapalang pagtataas ng presyo ng langis, at-- ugh, tama na, eto na lang:

mas isyu kaysa sa plagia ang tinangkang panghihimasok diumano ni puno sa bahay at opisina ng namayapang si robredo at tinataya kong hindi ko na kailangan magbigay ng background at maingay naman ang isyung itong dinumog ng mga trapo at ng mga mersenaryong midya kasi pop. anu't ano pa man, ang buhay sa third world at ang buhay ng tinaguriang 99% na nagkakasya sa (bagamat siyempre may isyu rin ako sa occupy at iba pang saloobing hindi ko maarticulate, kahiya at pinagkakakitaan ko ang pagsusulat ng artikulo, anyway, may balak ulit ang occupy wall street sa 17, nawa'y may patunguhan, atlis may pagtatangka, so, eto na ang salin, andaming pasubali, parang--)

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]