malayang sinalin ang bukas na liham mula sa thought catalog. kasi, stressed. marami rin akong bahaging hindi na isinalin. kasi, stressed. mas solid ang alaala ng karanasan pag sa ganitong wika. ata. osiya. tae lang nang tae. kahit kras mo, idol mo, tumatae, punyeta. may pelikula, pinakitang tumatae si god
Bukas na liham sa taong tumatae nang tahimik sa pampublikong kubetang katabi (patae-taeng alin ni Tilde Acuña ng liham ni Julia Reinstein)
Mahal kong taong taong tumatae nang tahimik sa pampublikong kubetang katabi,
Nakikiusap akong huwag kang mahiya. Alam ko. Gets ko. Tao ka at tao ako, at bilang kapwa tao alam mo at alam ko at alam nating dalawang ang pagtae sa pampublikong kubeta ay medyo nakaka-trauma. May banta sa twinang baka may makarinig sa tae. Naririyan ang kapraningan sa pagharap sa ibang tao sa paligid ng kubeta sa iyong paglisan.
Pero sa totoo lang, gusto ko lang sabihing, ituloy mo lang. Tumae nang buong puso. Tumae nang parang wala nang bukas. Tumae nang parang walang nanonood. Seryoso. Wala akong pakialam kung iyan ang pinakadambuhalang tae sa kasaysayan ng mga tae, pero nangangako akong hindi kita pag-iisipan ng masama.
Noong tinuturuan akong tumae, humiram ang aking inay sa silid-aklatan ng librong pinamagatang "Everybody Poops." Tumatae lahat. Ang katwiran ay iyon: lahat, lahat ay tumatae. Bagamat alam ito ng 75% ng pagkatao ko, ang natitirang 25% ay namamangha na ang pagtae ay isang bagay na ginagawa araw-araw ng bawat tao at bawat hayop (o maraming beses sa isang araw, dahil may mga gifted sa atin) at sa kabila nito nahihiya pa rin ang mga tao na tumae kapag may ibang tao.
At sa wakas, kahit pa nakikisimpatya ako sa tumataeng hindi kakilala, aaminin ko ang kaparehong hiyang nararamdaman sa pagtae sa pampublikong kubeta. Suliranin itong kinakaharap ko at ng marami pang iba araw-araw.
May ilang solusyon sa isyung ito. Una, at marahil ang pinaka-obyus, ay ang pagpipigil dito. Bagamat hindi palaging uubra kung iisasaalang-alang ang tagal ng panahong nasa labas ang isang tao, mukhang ito ang daan na madalas tinatahak.
Ikalawa ay ang pagharap sa suliranin at tumae. Noong hayskul, napagalaman kong may isang grupo ng mga tao (na sana ay nangangasiwa bilang isang lihim na mapangahas na samahan ng mga tumatae, pero hindi ko malalaman) na tatae sa paaralan dahil lamang gusto ng thrill.
Ang ikatlo ay ang isang natunghayan ko lang sa mumunting mga musmos at mga matatanda: garapalang pagtae. Sa ganitong porma, tumatae ang tao sa isang pampublikong kubeta nang hindi iniinda kung ilang tao ang naroroon, nang walang takot. Ito ang paraan ng pagtaeng dapat nating matutunan at maabot. Pinakikita nito ang pagsasakatuparan ng sarili at kumpiyansa, kung kaya marahil ang nakakagawa lang nito ay ang mga sobrang inosente at sobrang matatanda at marami nang nalalaman.
Kakatwa ang tae. Inilalabas natin ito, at alam nating lahat kung paano ito gawin. Nagkakaisa tayo sa ganitong tungkulin ng ating katawan, pero hinahayaan natin itong ilayo tayo sa isa't isa. Bilang sangkatauhan, dapat tayong magkaisa at iwaksi ang ating kahihiyan. Isa para sa lahat. Lahat para sa tae.
Nagmamahal,
Ang babae sa pampublikong kubetang katabi nung sa iyo habang tumatae ka.
P.S. Nawa'y nakatae ka nang matiwasay.
Saturday, September 29, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment