higit isang linggo na nang binili ko ang A Book of Luminous Things: An International Anthology na tinipon at pinamatnugutan ni Czeslaw Milosz. nilimbag ito ng Harcourt. binili ko ito sa National Bookstore. hindi ito kabilang sa kanilang sale. atat akong magbasa ng mga tula kaya pinatos ko na rin. sa kasamaang palad, dalawang pahina nito ang blangko. wala akong oras para idaan ito sa Cubao. at, maari kong isaglet doon bukas dahil dulot ng katangahang walang kinalaman sa mga pinagsasabi ko rito, may kailangan akong puntahan sa nasabing erya.
nag-iisa lamang ang nasabing aklat nang matiyempuhan ko at duda akong may stock, kaya iniisip ko kung papalitan ko pa ba o o ibabalik o hahanapin ko na lamang ang nawawalang mga tula. nakita ko naman mga ito sa internet. ang isa sa dalawa ay isinalin ko sa ibaba. Dusk in Winter ni W.S. Merwin. ang isa ay ang Odysseus to Telemachus ni Joseph Brodsky. naispatan ko rin sa cyberspace. Hindi ko pa napasadahan nang buo ang antolohiya. sana nama'y wala nang nawawalang piyesa. mula sa panlilinlang ng paper monster press, patungo rito. gandang simula ng setyembre. kulang nang kulang nang kulang
Pag-aagaw-dilim sa Taglamig
malayang salin ni Tilde Acuña
ng tula ni W.S. Merwin
Lumulubog sa lamig ang araw nang walang mga kaibigan
Nang walang mga pagsisisi sa kabila ng nagawa nito para sa atin
Pumapanaog ito nang nananalig sa kawalan
Sa paglalaho nito naririnig ko ang batis na bumubuntot dito
Nagbitbit ito ang sariling plauta malayo na ang nararating
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment