Friday, April 10, 2020

Halaga sa F-, atbp

updates lang, buhay pa at habang tinatayp ko ito ang hirap isaisantabi at hindi sabihing: mabubuhay tayo, pero timplahin ang ideyalismo at riyalismo; hindi pa rin na-update ang publications tab nitong blog, pero kahit papaano may naisama sa researchgate; may natapos na komix, Halaga sa F-, narito ang pabalat pero may hinihintay pang sumthn at iniisip kung magdaragdag pang short komix (11-page piyesa lang + epilogo of sorts na otw, so 12 pahina); bukod sa Materials, for Preposterity sa DavaoToday, may Materyales, alay sa Salinluho sa Kuliti.Art, kung saan may interbyu rin hinggil sa ilang konsern at interes; mababasa ang "Terms," salin sa Ingles ni Bernard Capinpin ng "Tuntunin"; panghuli, may @tildeclutter sa instagram at twitter, former ay for ahrt lang dapat at latter ay public twitter; salamat ingat!


Friday, January 31, 2020

re: flex on 2020

antagal nang walang update bagamat wala namang humihiling, pero palagay ko mainam itala ang mga hindi naitala dahil andali nang makalimot at dahil malapit na ata ang wakas. ano ba naman yung alalahanin at itala ang mga bagay-bagay. after ng cut, mas mga ganap o timeline ov sorts after april 2019 siguro? klik mo na lang kung tutuloy ka, walang kaso kung hinde

Sunday, April 21, 2019

itineraryo, kahit saan

perpektong excuse itong linggo ng pagkabuhay para sa tila nekromantikong reanimation sa espasyong ito at magbahagi ng repleksyon. ewan e, biglang natulak na isuma ang pag-iral sa daigdig sa simpleng paglabas kanina sa lungga upang bumili ng pagkain sa labas. sa panahong patay ang anak ng dios, nabuhay ako sa tinapay, granola, tubig, gatas, kape, at pana-panahong alak. kung ikukumpara sa kinahantungan ang balak kanina sa unang hapunan ko matapos ang Huling Hapunan Niya , may aral ng buhay at muling-pagkabuhay:

natagalan bago ako lumabas ng bahay dahil nakakatamad, nagupo na naman ako sa pagtingin sa mga online bookshop at pumili ng mga librong hindi ko naman agad mababasa, at iba pang kaululan, nagmuni, ano bang gusto kong kainin, hanggang magpasya: plan (a): aroy mak: thai food, sa ikatlong pagkakataon, nung lunesanto at martesanto (o miyerkulesanto ba?), dito rin ako e, gusto ko ng shrimp tom yum at extra rice sa aroy mak (mas oks rice dito e); else, plan (b) ministop uncle john's chicken, at extra rice sa may malapit sa amin (mas mura kasi at mas marami). game na, game na. along the way, sa mas malapit, nakakita ako ng shawarma. ignore. may plans a at b na ako, e. nakarating sa aroy mak. walang ilaw. huhu. oks, kaya nga may plan b e. so ministop, pero nagpasyang sumugal, mas mahal extra rice kaso, ewan, by any chance, baka pahinga mode pa ang kapit-bahay tindahan? tinignan ko ang inignore na shawarma rice, shet, mukhang mas mura at solb, sayang, dapat hindi na ako nagpakalayu-layo. buntong-hininga pero along the way pauwi, kalma naman na. tas mas napanatag dahil panalo sa mini-sugal sa mas-mahal-nang-kaunting kanin sa ministop kasi: sarado ang secret garden sa malapet. sa dulo ng kuwento, moral lesson: may mga tama at maling pasya tas sa dulo oks lang ang lahat, ganda pa ng full moon. bahagi ng pinned tweet: magugunaw / gunaw na ang mundo, ano pang inaalala natin? (fatalistik ba ito? hindi. maipapaliwanag ko ba ngayon? hindi rin)

wala pang materials, for preposterity bagamat andami nang napag-interesang paksain, pero habang wala pa, narito ang ambag sa debasement. in a few days, baka magbahagi rin ng ilang bagay, aktibidad, kuru-kuro, sa absens ng kolum articles at presens ng tweets. possibly, arkibo ng tweets na handang isapubliko? kung may mga follower rekwes na di ko pa natugunan, pasensya na. pa-safe space (delusion, i know) ko ang twitter, so pag approved kayo, baka tsamba lang, pag hindi, baka hindi ko kilala ang twitter handle ninyo. mauugnayan naman ako sa ibang paraan, at makikita kung saan.

Saturday, January 27, 2018

mediocrity at mocha uson fiction (at hiatus again)

kailan pa naging brilliant ang naive? apparently, last week at sa previous years and decades na binibinyagan ng godfathers bilang brilliant ang mga akda ng mga godchildren nila.

bilang lurker sa social media, may nadiscover akong disturbing. may kumakalat palang piyesang awfully familiar. reminiscent of "Apo sa Ika-22 Siglo" (nasa INWW 2016 proceedings, 2017?) at "Mga Abstrak na Parangal" (nasa Entrada, 2016; print version this 2018?) at "Apo sa Ika-22 Siglo: Mga Abstrak" (2017; zine). ibinahagi ko ang mixed feelings sa ilang kaibigan, at na-validate naman (haha) as kauna-unawa ang discomfort. may basbas ang mocha-fiction ng mga nagfifeeling na new protest literature pioneers, pero walang kakayanang mag-define at mag-historicize.

kung may joy kang nadarama sa superficial gazette, baka magustuhan mo ang piyesang bina-blind-item dito. para sa akin true to its name ang superficial gazette. pero popular.

may mga hilaw talagang kapag inilalako, bumebenta. sapat at masarap na ito para sa mga hindi sopistikado ang panlasa. hindi ako nangmamaliit. hindi kasalanan ninuman, maliban ng sistemang edukasyon.

puwede na iyong hilaw, kung makakapawi ng takam sa "bago," kahit bigo at mediocre at inferior at walang vision. may mga lason nga ang inilalako, hindi lang bumebenta, yumayaman pa.

ang clone, dapat superior sa orihinal. enhanced. hindi clone ang nakita ko. borador na pinuri ng mga ninong ng panitikang nananalampalataya sa bagong kritisismo. kinilig ang naglako. nasa yugto ng boyhood. wag lang humantong sa pagsusulat nito at pag-aastang CV. dapat tantanan ko na ang lurker mode. para mahinog na yung mga tinatapos na inaakala kong makabuluhan at ipinapalagay kong makakapag-ambag kung aabangan ang pagkakayari. uulitin ko na lang dito bilang pagwawakas ang huling post (at sana manatiling huli!) sa aking tanging social media account:

patalastas: bawas Materials, for Preposterity. wala muna ngayon. sana makaisa man lang kada buwan. bawas social media rin, kung madidisiplina ang sarili. dapat. may kailangan ma[g]tapos this sem. kung may kailangan kayo sa akin, o ako sa inyo, email. sa ngayon, iwan ko muna rito ang mga salita ng nang-iwang si Ursula K. Le Guin. mula sa "The Birthday of the World":


Saturday, January 6, 2018

Gallus Ignis, Angelus Novus, Lateralux

This is an updated, extended, and more, say, indulgent version (with shameful-shameless plugs as parenthetical remarks) of my year-ender column article for Materials, for Preposterity published last 28 December 2017. More details about some sort of milestones, with hyperlinks. -TA

The series of “previews” (part translation, part summary, part review as noted in the last three column articles) shall end with Bomen Guillermo’s “Kawayan” (2007/2017) and Emiliana Kampilan’s Dead Balagtas: Mga Sayaw ng Lupa at Dagat (2017). Incidentally, the first two previews were fueled by fire and air: text’s terrorism and author’s sentimentalism, flickers that can either be blown by the wind into puffs of smoke blending with the atmosphere or into flames of arson causing alarm; while the last two were weaved by earth and water: peasants’ komiks and scholars’ scripts.
Before putting my feet back on earth allow me to hover a bit. Pardon my indulgence, as the next paragraphs serve as my brief entry to the infamous essay-writing contest that shall crowd newsfeeds come the end of the year of the fire rooster:

Wednesday, August 30, 2017

pansamantalak: hiatus 2017

 

matagal na pala ang huling [post], at marami nang naganap pero sa sandaling ito, baka ang [alinlangan] ang mahalaga, pero hanggang kailan at paano kaya maiiwasang maging hungkag at baog ang pagdududa sa ginagawang pakikipagbuno sa panulat? hanggang kailan itong palaisipan at pagpapasyang magbubunsod muli ng palaisipan? (may sinulat si ivan [diyan] at [doon], kung saan nagpatianod ako para mabalikan and sinulat ni [levi] hinggil sa palihang, ano ba, utopian?). makailang-ulit ko na marahil nabanggit sa ilang pormal na panayam at impormal na kwentuhang nagtatampisaw ako sa mga institusyon at sa mga alternatibo dahil may dayalektika of some sort ang dalawa. perpetual atang pagkukunutan ito ng noo. o pagtatawanan nang, sana, kritikal (banta: walangyang plugz alert). kaya pinamagatang "Materials, for Preposterity" ang kolum, [fentanihilismo] ang unang ipinaksa. may isa o tatlong zine na naglalaro sa isip. sana masundan soon ang Apo sa ika-22 Siglo: Mga Abstrak (2017), bago matapos ang taon. kunsakali, baka magpatalasatas at magparamdam muli sa espasyong ito. muli, pabatid: baka [roon] muna mamalagi.

Tuesday, December 20, 2016

paghantong sa panimula

paligsahan na naman ng pagsulat sa social midya ng kani-kanyang year-end essay, pero dito ako sa munting sulok maglalahad ng kuru-kuro sa taong ito ng ungguyan. ito na marahil ang isa sa pinaka-produktibo kong taong magiging pamantayang mahirap mapantayan muli sa nagbabadyang taon, pero kailangang magsumikap upang mahigitan pa ang sarili. sarili lang naman ang mainam na maging pamantayan ng buhay at hindi ang iba; sa ganitong pagtingin, mapananatili ang pagiging tao: kung paano umunlad o umatras mula sa ipinapalagay na ideyal. nag-update ako ng cv, at sa tuwing ginagawa ito, hindi maiwasang sukatin ang pagkatao batay sa mga ginawa at hindi, nakumpleto at hindi, atpb. natanggap naman sa pinaghandaang aplikasyon at pinalad na matanggap sa posisyon. panibagong kabanata ang susunod na taon; ganito ang pakiramdam noong disyembre 2015. magliligpit na naman ng gamit at maglilipat ng kuta. umaasa sa pinakamainam, maghahanda sa pagsubok. tulad ng pag-ikli ng aking bionote at pagbawas ng isasamang detalye, gayundin ata ako sa blogging, o kung anumang tawag dito. baka mas lalong nananahimik at nagmamasid na lamang kapag tumatanda. baka nababago ang pokus mula sa sarili tungo sa iba. sana maging handa sa paparating na hamon. at sana walang nagbabasa at nagwawaldas ng oras sa espasyong ito. sa dami ng sinabi, parang wala naman akong nasabi sa kabila ng dami ng nais sabihing mga alalahanin sa pagdating sa teritoryong hindi pamilyar sa puntong ito.

Friday, July 8, 2016

mala-midyear 2016: nangyari, mangyayari

ikalawang entry itong iyong binabasa sa taong ito, at puro tungkol sa mga palihan at publikasyon ang lalamanin. kung nais ma-update sa kung anu-anong shit sa unang hati ng taon, magpatuloy sa pagbabasa. kung iba ang pakay maliban dito, move along, nothing to see here.

***

Friday, January 1, 2016

pambungad sa pagkakaisa

katapusan ng taong 2015, katuparan ng third impact. salamat at umatikabo naman kahit papaano ang taong ito, pakiramdam ko naging empleyado ako ng nerv. mula ang screenshot sa live fireworx ng end of evangelion. sabi ng seele, "the fate of destruction is the joy of rebirth." sa katapusang ito, may ipinahiwatig na naging iisa na ang mga tao at hindi mo na malaman kung nasaan ang katapusan mo at katapusan ko (absurdong pagkakaisang mala-bangungot?), pero muli ring bumalik sa dati (riyalidad na bangungot din naman kung tutuusin?). babalik sa wala ang lahat, sabi sa "come, sweet death," theme song ng palabas na ito. babalik sa wala ang lahat, bagong taon man o hindi.



mula sa bomabalabs, sumaglit tayo sa may relatibong mas malinaw na ipinahihiwatig: isang siglo na ang nakalipas nang irehistro ni Gramsci (1916) ang badtrip niya sa pagdiriwang ng bagong taon: "I would like every hour of my life to be new, though connected to the ones that have passed. No day of celebration with its mandatory collective rhythms, to share with all the strangers I don’t care about. Because our grandfathers’ grandfathers, and so on, celebrated, we too should feel the urge to celebrate. That is nauseating. // I await socialism for this reason too. Because it will hurl into the trash all of these dates which have no resonance in our spirit and, if it creates others, they will at least be our own, and not the ones we have to accept without reservations from our silly ancestors."

ilang gawain pa mula 2015 ang nagmumulto at binubuno hanggang sa mismong sandaling ito. hindi naman masama. ako lang ang masama sa pagdidisiplina sa sarili. dapat nang mapabuti ang pagdidisiplina dahil maraming bago sa taong ito, pero hindi lantarang ibabahagi, may bagong "kuta," bagong "opensiba," bagong "alyado," bagong "target," bagong "operasyon." pero bago itong mga bago, marami pang lumang dapat sentensyahan at tapusin. hanggang dito na muna ang litanya. magiging maayos ang lahat. wasak ang lahat, e. aayusin at wawasakin hanggang mas maging maayos.

Wednesday, November 25, 2015

likhaan lunsad-aklat, kathang kabilang


kinabukasan, ika-26 ng nobyembre, launch ng Likhaan. lumanding ang piyesang "Tuntunin," at babasahin ang ilang bahagi nito. alas-6 NG ang simula, sa executive house, unibersidad ng pilipinas diliman, lungsod ng quezon. baka o baka hindi magdala ng zines, DIY things. at sana madala rin ang sariling kailangan dalhin kahit ilang sa ganitong mga aktibidad na maraming tao. shy type. takits sa lahat.

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]