Sunday, February 5, 2012

Ang Wakas at ang Simula (Wislawa Szymborska)

Burador, as useless. Gusto ko ng UP diksyunaryong filipino. Medyo 
nirepaso: ika-5 ng Nobyembre 2012. May kopya ako ng salin ni 
Joseph Brodsky nitong parehong tula. Maisalin din kaya? 

Ang Wakas at ang Simula
salin ni Tilde Acuña ng salin 
ni Joanna Trzeciak ng tula 
ni Wislawa Szymborska

Matapos ang bawat digmaan
mayroong dapat magligpit.
Hindi isasaayos ng mga bagay
ang kanilang mga sarili, sa kabila ng lahat.

Mayroong dapat magtabi ng kalat
sa isang gilid ng kalsada,
upang makadaan
ang karitong puno ng bangkay.

Mayroong dapat na lumusong
sa latak at abo,
sa mga pako ng silya,
sa mga bubog,
at sa mga duguang katya.

Mayroong dapat humila sa tahilan
upang isandal sa dingding.
Mayroong dapat magpakintab ng bintana,
magkabit muli ng pinto.

Hindi ito maganda sa paningin,
at tumatagal nang ilang taon.
Lumisan na ang lahat ng kamera
para sa isa pang giyera.

Kakailanganin nating ibalik ang mga tulay,
pati ang mga bagong estasyon ng tren.
Magugulanit ang mga manggas
mula sa pagkakarolyo nito.

Tangan ang walis, mayroong
mga makakaalala pa rin ng nakagisnan.
Mayroong isa pang nakikinig
at tumatango nang may ulong hindi napugot.
Pero mayroon ding mga nasa di-kalayuang
nagsisimulang magbilang ng poste
at mapapagtantong nakakabato ito.

Mula sa halamanan
paminsa'y mayroong nakakabungkal
ng mga katwirang kinalawang na
at dadalhin ang mga ito sa tambak ng basura.

Ang mga nakakaalam
kung anong nagaganap dito'y
marapat na gumawa ng paraan para
sa mga kapos ang nalalaman.
At mas kaunti kaysa kapos.
At sa huli, singkaunti ng wala.

Sa damuhang lumabis ang paglago
ng mga sanhi at mga bunga,
mayroong dapat magpalawig
talim ng damo sa kanyang bibig
tumutunghay sa langit.


[ni zdzislaw beksinski (source)]

***baka gusto mo isalin [source]***

Love at First Sight
translated by Stanislaw Baranczak and Clare Cavanagh

They're both convinced
that a sudden passion joined them.
Such certainty is beautiful,
but uncertainty is more beautiful still.
Since they'd never met before, they're sure
that there'd been nothing between them.
But what's the word from the streets, staircases, hallways --
perhaps they've passed each other a million times?
I want to ask them
if they don't remember --
a moment face to face
in some revolving door?
perhaps a "sorry" muttered in a crowd?
a curt "wrong number" caught in the receiver?
but I know the answer.
No, they don't remember
They'd be amazed to hear
that Chance has been toying with them
now for years.
Not quite ready yet
to become their Destiny,
it pushed them close, drove them apart,
it barred their path,
stifling a laugh,
and then leaped aside.
There were signs and signals,
even if they couldn't read them yet.
Perhaps three years ago
or just last Tuesday
a certain leaf fluttered
from one shoulder to another?
Something was dropped and then picked up.
Who knows, maybe the ball that vanished
into childhood's thicket?
There were doorknobs and doorbells
where one touch had covered another
beforehand.
Suitcases checked and standing side by side.
One night, perhaps, the same dream,
grown hazy by morning.
Every beginning
is only a sequel, after all,
and the book of events
is always open halfway through.

Commemoration
translated by Joanna Trzeciak

They made love among the hazel shrubs
beneath the suns of dew,
entangling in their hair
a leafy residue.
Heart of the swallow
have mercy on them.
They knelt down by the lake,
combed out the earth and leaves,
and fish swam to the water's edge
shimmering like stars.
Heart of the swallow
have mercy on them.
The reflections of trees were steaming
off the rippling waves.
O swallow let this memory
forever be engraved.
O swallow, thorn of clouds,
anchor of the air,
Icarus improved,
Assumption in formal wear,
O swallow, the calligrapher,
timeless second hand,
early ornithogothic,
a crossed eye in the sky,
O swallow, pointed silence,
mourning full of joy,
halo over lovers,
have mercy on them.

2 comments:

  1. Replies
    1. tengks din sa mungkahi! inupdate ko pala, ser. bagamat huli ko nang nakilala si szymborska, yung kababayan nya nga pala e impluwensya sa akin--si beksinski.

      Delete

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]