Tuesday, December 20, 2016
paghantong sa panimula
paligsahan na naman ng pagsulat sa social midya ng kani-kanyang year-end essay, pero dito ako sa munting sulok maglalahad ng kuru-kuro sa taong ito ng ungguyan. ito na marahil ang isa sa pinaka-produktibo kong taong magiging pamantayang mahirap mapantayan muli sa nagbabadyang taon, pero kailangang magsumikap upang mahigitan pa ang sarili. sarili lang naman ang mainam na maging pamantayan ng buhay at hindi ang iba; sa ganitong pagtingin, mapananatili ang pagiging tao: kung paano umunlad o umatras mula sa ipinapalagay na ideyal. nag-update ako ng cv, at sa tuwing ginagawa ito, hindi maiwasang sukatin ang pagkatao batay sa mga ginawa at hindi, nakumpleto at hindi, atpb. natanggap naman sa pinaghandaang aplikasyon at pinalad na matanggap sa posisyon. panibagong kabanata ang susunod na taon; ganito ang pakiramdam noong disyembre 2015. magliligpit na naman ng gamit at maglilipat ng kuta. umaasa sa pinakamainam, maghahanda sa pagsubok. tulad ng pag-ikli ng aking bionote at pagbawas ng isasamang detalye, gayundin ata ako sa blogging, o kung anumang tawag dito. baka mas lalong nananahimik at nagmamasid na lamang kapag tumatanda. baka nababago ang pokus mula sa sarili tungo sa iba. sana maging handa sa paparating na hamon. at sana walang nagbabasa at nagwawaldas ng oras sa espasyong ito. sa dami ng sinabi, parang wala naman akong nasabi sa kabila ng dami ng nais sabihing mga alalahanin sa pagdating sa teritoryong hindi pamilyar sa puntong ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment