Friday, July 8, 2016

mala-midyear 2016: nangyari, mangyayari

ikalawang entry itong iyong binabasa sa taong ito, at puro tungkol sa mga palihan at publikasyon ang lalamanin. kung nais ma-update sa kung anu-anong shit sa unang hati ng taon, magpatuloy sa pagbabasa. kung iba ang pakay maliban dito, move along, nothing to see here.

***

kundi nagkakamali, ngayong taon lang ata nakatanggap ng pagkilala sa patimpalak na nasa pambansang antas. sa UP Press Critical Writing Contest, finalist (ika-lima) at sa Balacuit Awards ng Iligan National Writers Workshop (INWW), unang gantimpala. samantala, ngayong taon din lang natanggap sa apat na pambansang palihan: naging fellow sa maikling kwento sa INWW at sa Palihang Rogelio Sicat (PRS), sa poetry sa Iowa Writers Program Alumni (IWPA) Workshop, sa kritisismo sa Ateneo National Writers Workshop (ANWW). may mixed feelings ako sa mga naganap, pero hindi na marahil kailangan palawigin. elsewhere mainam palawigin.

maaakses na ang kwentong "Tuntunin" na lumabas sa Likhaan (2015); ang sanaysay na "Reverse Carnival, Reactionary Laughter: Critique of an Intermission" na kalalabas ngayong taon sa Kritika Kultura (2016); ang mga piyesang "Bullet Points" at "Bulldozer" na kalalabas lang sa Bulatlat; ang komiks na "hulaw" (drought) na isinulat namin ni China De Vera at iginuhit ni Renan Ortiz; mahihingi via email ang "Apat na Tula[k]" (2016), salin-suri at kolaborasyon namin ni JG Dimaranan. inupload sa youtube ang maikling animation na "GIKAN: MITO KAN BIKOL," ang isa sa huling mga rekisitong kinakailangan ko sa masterado bago magpanukala ng tesis.

samantala, ibabahagi ko na rito ang halos tiyak kong lalabas (sana tama ang tantsa) bago matapos ang taon, o sana early next year: ang mga artikulo at mga updating sa mga entry sa literature at peoples volume ng ikalawang edisyon ng encyclopedia ng Cultural Center of the Philippines, kuwento sa Wagi/Sawi: Mga Kwentong Luwalhati at Pighati, tula sa Sustaining the Archipelago: An Anthology of Philippine Ecopoetry, presentasyon sa kumperensya sa DLSU. 


may ilan pang hinihintay na maging positibo sana ang tugon (pero kung hindi, walang problema). may ilang mahalagang bagay na nakaligtaan at dapat balikan: ang pagbabalik sa pagguhit at paggawa ng zine. may natitira pang ilang buwan sa 2016, sana magawa ang mga dapat pang magawa.


No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]