Wednesday, October 31, 2012

Sa Kaniyang Bumabasa sa Akin (Borges)

burador, as useless. pakasabog lang.

Sa Kaniyang Bumabasa sa Akin
sobrang layang salin ni Tilde Acuña
ng salin ni Tony Barnstone
ng tula ni Jorge Luis Borges

Hindi ka matitinag. Hindi ba nila ipinahatid
(silang mga puwersang humahawak sa iyong kapalaran)
ang katiyakan ng alabok? Hindi kaya maaaring
ang oras mong di-maibabalik ay ang mismong ilog
na nagtataglay ng salaming maliwanag na nagpabatid kay Baybayan
ng kanyang pagiging panandalian? Inilaan ang isang tipak ng marmol
para sa iyo, iyon bang hindi mo babasahin, nakalilok na
sa lungsod, lapida, mga petsa ng patay.
At mga panaginip ng panahon ang ibang tao,
hindi tansong pinatigas, gintong pinalinis. Sila'y alabok
katulad mo; si Alimugkat ang sansinukob.
Anino, magbibiyahe ka sa kung anong nakaungos na naghihintay,
ang nakamamatay na aninong naghihintay sa gilid.
Dalumatin ito: kahit papaano'y namatay ka na.

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]