Monday, October 6, 2014

Tampalasan (pasintabi, Zagajewski)

Tampalasan
pasintabi kay Adam Zagajewski

Kami ang mga tampalasan.
Niyayanig namin kayo sa inyong mga palasyo.
Dinadaga ang dibdib ninyo sa pag-aabang sa amin.
Pinupuna ninyo ang aming mga wika:
wari binubuo lamang ito ng mga katinig,
ng mga kaluskos, ng bulong at ng panggatong.
Nanirahan kami sa bundok at naging skwater sa lungsod.
Kinatatakutan kami ng mga konyong umiinom ng milktea,
nananalig kami sa mga -ismo at kumakapit sa patalim
na hindi nila mauunawaan, ni masasalat, kailanman.
Pero dinadalaw rin kami ng pangungulila
at pangamba, at nag-aasam ng tula.

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]