Friday, September 11, 2015

Litrato mula sa ika-11 ng Setyembre*

Tumalon sila mula sa mga sahig na nasusunog—
isa, dalawa, kaunti pa,
taasan pa, babaan pa.

Pinahinto ng sila ng litrato sa hininga,
at ngayo'y pinananatili silang
nakaangat sa lupa patungo sa lupa.

Buo pa rin ang bawat isa,
may natatanging mukha
at nakakubli nang maigi ang dugo.

May sapat pang panahon
upang malagasan ng buhok
at mahulugan mula sa mga bulsa
ng mga susi at mga barya.

Nakapaloob pa rin sila sa saklaw ng hangin,
nakapaloob sa bruhula ng mga lugar
na kabubukas pa lang ngayon.
    Dalawang bagay lang ang magagawa ko para sa kanila—
ilarawan ang huling paglalakbay na ito
at huwag nang magdagdag ng huling linya.

*Burador ng aking salin ng salin nina Clare Cavanagh at Stanislaw Baranczk ng tula ni Wislawa Szymborska

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]