Sunday, April 22, 2012
panandaliang pagbabalik-tanaw sa pamantasan sa may paanan ni maria
halos isang taon na pala ang lumipas. halos ilang kilometro ang agwat. halos ganoon din bagamat may kaunting pagkakaiba. nananatiling ganoon. wika nga ng kung sinumang nagwika, malayo ma'y malapit din. wika nga ng kung sinumang nagwika, ang panahon at espasyo, kapwa pook na maaring puntahan. naalala ko ang einstein's dreams ni lightman, isa sa unang love at first sight [alam kong redundant] sa ganoong panitikan. tama na nga ito. panindigan ang pamagat na panandalian lamang ang pagbabalik-tanaw at umasang kahit ilan man lamang sa mga magsisipagtapos ay makakasama sa pagpapatag ng mga bundok.
sobrang mahabang p.s: earth day nga pala. may litrato ako kaso mas gusto ko na lamang ilarawan. may punong kulay lila ang mga bulaklak. ganda. gusto ko sanang ipaskil dito dahil ang mainstream na ng sunflowers. pero, hindi ako litratista at hindi ko nagawang imortal sa litrato ang ganda nung puno. pero, mas maganda at mas may espesyal na pakiramdam ang mga kapok sa kabundukan kaysa sa kulay lilang puno o sa matingkad na sunflower. may isa ring nagwika, na naisip ko na bago ko nabasang winika niya, ewan ko kung si camus, well, ano ba namang bago sa ilalim ng sikat ng araw, na may parang love affair daw tayo sa mga lugar.
[may pahayag nga pala rito sa bulatlat.com ang UP KILOS NA]
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment