burador, as useless. depressed, as useful. sana magamit. btw, isa sa mga iniiwasan ko isalin e si simic. yung line cuts niya kasi, hassle, pahirap sa buhay. buti nakahanap ng medyo relatibong madaling piyesa. ayun lang. walang pagbabahaging magaganap. hanggang dito na lang at salamat sa pakikiramay, sadya man o hindi--malamang, hindi. malay mo ba.
Ang Puting Silid
adaptasyon ni Tilde Acuña ng tula ni Charles Simic
Ang lantad ay mahirap
Patunayan. Maraming pumipili
Sa nakakubli. Kahit ako.
Nakinig ako sa mga puno.
Mayroon silang lihim
na malapit na nilang
ibunyag sa akin,
ngunit hindi inilahad.
Sumapit ang tag-init. Bawat puno
Sa aking kalye ay may sariliing
Urduja. Ang aking gabi'y
bahagi ng nagpupuyos nilang
Pagkukwentuhan. Kami'y
Pumuslit sa madidilim na bahay,
At marami pang madidilim na bahay,
Pinatahimik at pinabayaan.
May isa sa aming nakapikit
Sa mga palapag sa itaas.
Hindi ako mapakali
Sa kakaisip dito, at sa hiwaga.
Walang ligoy at walang habag ang katotohanan,
Sambit ng babaeng
Parating nakasuot nang puti.
Hindi siya gaanong lumalabas sa kanyang silid.
Tinukoy ng araw ang isa o dalawang
bagay na nanatiling buo
Pagkalipas ng mahabang gabi,
Ang pinakapayak na mga bagay,
ligalig sa kanilang pagkakalantad.
Wala silang nililikhang ingay.
Iyon ang tipo ng araw na
inilalarawan ng mga taong "sakto."
Mga bathalang kinukubli ang mga sariling
Aguhilyang itim? Munting salamin?
Suklay na may nawawalang ngipin?
Mali! Hindi iyon iyon.
Ang mga bagay lamang bilang sila,
Walang kurap, walang imik,
Doon sa maningning na tanglaw,
At sa mga punong nag-aabang sa gabi.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
tae nauna mo palang ginawa ito? at AGUHILYA pala ang tawag doon? di bale may payneta ako, UY! yung isang koleksyon pala niya walang masyadong enjambment, yung that little something kaso konti ang maganda dun. sa 60 poems ni Sir Chris ko nakuha ang white room ko.
ReplyDeletemay espanyol roots ata yang aguhilya, ser, though parang mas naririnig ko iyang payneta pala noon. itong white room na to e mula lang sa cyberspace. wala akong simic. sana me mapirata o maispatan.
Deletepahihiramin kita sa pagbabalik mo rito o pagbabalik ko riyan o sa (knock on wood) kabilang buhay
ReplyDeleteayus. salamat ser. at, si dean young. para sa kin, masaya din siya
Delete