Tuesday, June 26, 2012

Hinggil sa Itinakdang Destiyero (Bertolt Brecht)

(may CAMPHUNT FOR PALPARAN mamaya sa college of mass communication, university of the philippines, diliman, 8:30 ng umaga. magtutungo ang mga iskolar ng bayan mula sa iba't ibang unit sa pinakamalapit na kampo ng militar sa kanilang kampus, ayon sa opisina ng rehente ng mga estudyante. bagamat magkaiba ang mga na-destiyero sa mga desaparecido, at mas matindi ang huli kaysa sa una, naririto ang munting ambag sa pag-gunita ng ika-anim na taon ng pagkawala nina Karen at She.)

Hinggil sa Itinakdang Destiyero
Salin ni Tilde Acuña sa Tagalog ng salin ni 
Adam Kirsch sa Ingles ng tula ni Brecht sa Aleman

Hindi na kailangang lagusan ng pako ang dingding
Upang makapagsabit ka ng iyong sombrero;
Sa iyong pagdating, ipatong mo lang sa silyang
hindi pa nauupuan ng bisita.

Huwag alalahanin ang pagdidilig ng mga halaman—
Sa katunayan, huwag na silang itanim.
Makakauwi ka naman bago pa sila sumibol,
At sino ang magnanais sa kanila?

Kung masyadong mahirap maging bihasa sa wika,
Maging matiyaga lamang;
Hindi nangangailangan ng salin
Ang telegramang dumaraing ng iyong pagbabalik.

Pakatandaan, kapag nagbalat ang kisame ng sarili
Sa alikaskas ng masilya,
Kasingbilis o mas mabilis pang
Natitibag ang dingding na nagbabawal sa iyong pag-uwi.

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]