mula sa brainyquotes, naririto ang ilang diumano'y sinabi ng futurist (kita mo na, paano mo sasabihin sa ating wika ang futurist?) na si alvin toffler. sa pagkakatanda ko, sa librong "future shocks," tinalakay niya ang pag-usbong ng super industrial society. nasa ibaba ang mga siping ipapasa ko na lamang sa inyo ang pagsasalin dahil, hay, ewan, ang hirap:
"The illiterate of the future will not be the person who cannot read. It will be the person who does not know how to learn."
"The next major explosion is going to be when genetics and computers come together. I'm talking about an organic computer - about biological substances that can function like a semiconductor."
nasa ibaba naman ang mga, kahit papaano, ay naisalin ko:
"Isa sa depinisyon ng may matinong pag-iisip ay ang abilidad na tukuyin ang imahinaryo sa hindi. Hindi magtatagal, kakailanganin na natin ng panibagong depinisyon."
"Lumalakas ang teknolohikal nating kapangyarihan, subalit ang mga sekundaryong epekto nito at mga posibleng peligro ay lumalawig rin."
"Nabubuhay ang teknolohiya sa paglamon sa sarili nito. Lumilikha nang mas maraming posibleng teknolohiya ang teknolohiya."
"Ang dakilang umaangil na makinarya ng pagbabago - teknolohiya."nasa ibaba ang paboritong quote mula thinkexist na hasel din isalin:
“The illiterate of the 21st century will not be those who cannot read and write, but those who cannot learn, unlearn, and relearn.”hanggang dito na lang. mahirap lang kalawangin. kailangan ugaliing gumawa ng mga aktibidad na may kinalaman sa pagsusulat. salamat sa pagbisita.
[source]
(p.s. siyangapala, ewan lang talaga, habang nagbabasa parang nauubos ang kumpyansa magsulat. yung binabasa ko ngayon, "severance" ni butler--62 na piyesa ng prose poetry [ewan, ganoon ko siya kinategorya] ng mga 240-salitang litanya ng mga ulong pinugot. bakit?
kasi malay pa raw ang napugutan sa loob ng isang minuto at tatlumpung segundo. at kapag agit [o mataas ang emosyon], nakakadaldal daw ang isang tao ng 160 na salita kada minuto, kaya 240 na salita yun kada 1.5 minuto. dahil mas mahaba pa ang p.s. ko, at so far, hindi pa naman pugot ang ulo ko, pero hanggang dito na lang talaga't mananahimik na ako. ano kaya kung--
anyway, apir. at matsala sa transaksyon w undertow books.)
No comments:
Post a Comment