Sunday, November 11, 2012

nais (mula sa retaso)

pagbati, dostoevsky at vonnegut! maisalin ko nawa kayo. balang araw.

Nais*


Madalas kaysa hindi, kakatwa ang paninimbang ko sa mga praktikal na usapin. Nangangahas ako sa pangunahing mga hakbang, ngunit humihinto rin pagkatapos ng mga paunang pagtatangka. At wala kang makukuhang pakinabang bago ang pangalawang mga pagtatangka. Nagkakaroon ako ng maraming kaalaman at nakakaligtaan ang pagbalik at pakikipagkita sa mga ito dahil nakakabato sila para sa akin.

Hindi ko lubusang mapagtagumpayang kumbinsihin ang sarili na may mga bagay talagang sadyang umiiral. Tinuturing kong natuldukan na ang kanilang pag-iral kapag tinantanan ko na silang pag-isipan. O kahit papaano'y wala na silang gana sa akin kapag nawalan na ako ng gana sa kanila. Para sa akin, salamin ang daigdig, at namamangha ako tuwing pangit ang pinapakita nitong repleksyon sa akin.

Isa lamang dapat ang ninanais ng isang tao at dapat itong naisin nang tapat. Nang sa gayo'y matiyak na masusumpungan ito, mapapasakamay, maaangkin. Subalit hinahangad ko ang lahat ng bagay at bilang resulta nito, wala akong anumang nakakamtan, napapasakamay, naaangkin. Nalalaman ko na lamang (tunay ngang nasa huli ang pagsisisi) na nilapitan na pala ako ng isang bagay habang may ibang bagay akong hinahabol.

*burador. bahagi ng kasalukuyang proyektong balak na may tentatibong pamagat na "retaso: mga tagni sa talaarawan ni gide (transliterasyon ni tilde acuña)." nawa'y mailabas bilang illustrated zine bago matapos ang taon, at hindi maudlot, pakiusap, mga bathala at diwata. pero kung mauudlot, so be it, hindi ipipilit.

naririto na rin ang mga tab na aking ibabahagi bago tuluyang isara dahil wala lang, pagbabalik lang ng pabor ng mga nagbahagi nito, noon, ngayon, bukas, ganyan, share share:


sampung bagay na tanda ng, uhm, pagtanda. pangungumpisal ng troll. dalwampu't limang kababaihan o, okay, chix, sa komix. link sa special fullaction body type doll model na ambangis lang save for the fez nung model, sana wala na lang mukha pero other than that, no complaints, sana makaiskor nito somewhere sometime: [link][link][link]. pamamaalam ni han suyin [ingat ingat sa new york times as usual, olrayt?]. aeon flux sa liquid television ng mtv. poot ang bagong pag-ibig. g for grafitti [tungkol sa v for vendetta]. kaayusan ng kalawakan. pagbabalik-basa kay alan moore. lalagyan ko rin ng music w videos ni mjk etc sa dulo para masaya at maitago ang hindi kasiyahan dahil sa mga bagay na dapat itago na lamang natin sa pangalang pangngalan. cryptic is the new black kasi.









1730 update. quoting prof. gerry lanuza quoting kierkegaard (uy, death anniv btw ni soren!), "Do you feel left out and missing a lot of social life because you are alone right now? I prefer to be alone. And my consolation is Kierkegaard: "True individuality is measured by this: how long or how far one can endure being alone without the understanding of others. The person who can endure being alone is poles apart from the social mixer. He is miles apart from the man-pleaser, the one who manages successfully with everyone–he who possesses no sharp edges.""

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]