Sunday, September 7, 2014

MAYNILA NILA*

*bahagi ng work-in-progress na tentatibong pinamagatang TETANO na dagdag sa sandamakmak na work-in-progress. zine ito siyempre. hindi naman ako magsasapubliko ng stuff na hindi zine material o diyaryo material. yung mga panlibro, ay nasa kani-kanilang pahina sa, well, libro o publikasyon.

sikip ng dibdib,
awa ng putang

walang sasakyang
tambutso,
ang hudyat
sa pagtakbo at pagtigil
ng eksena

sa eskwela
sa opisina
ang Maynila nila
wala
sa loob ng
matanda at bata
walang
maayos o mabango
wala ring
hinto
ang milya
ng sasakyan,
may kargo
ang batas
na dilaw,
at kumpas
ng tanod
ng bangketa
sa nagtitinda ng
nagtitinda
ng susi
at iba pa
ng Maynila nila
anay
na guhit
anay
na bakal
anay ang upos
ng tama
ng basurero na inis
magpagawa ng basurahan
ng trak ng basura
ng ilang bayad ng ilang piso
sa sasakyang
bayaran
ng kaayusan
ng Maynila nila.
Walang
tula ko
ang maganda,
walang kasalanan
walang yaman
walang bayan

sa Maynila.

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]