Hind ko tiyak kung saan galing ang sulsol na muling yumari ng tula at magsalin. Ang inisyal kong balak para sa blog na ito, ay ang pagpopost ng patalastas, i.e. progress (or lack thereof) report, mid-year
carcasses, ganyan. Pero dahil hindi naman ako aktibong makalahok sa wasakan hinggil sa wika, wala naman ako sa posisyon, sa aba kong palagay, kaya baka ito ang naging labasan ko ng buntong hininga. May ilang haka-haka at kuru-kuro naman na ako rito, salamat sa paanyaya at sa paglalabas sa
tekstong bopis, pero marami pa akong hindi mailagay sa kinalalagyan. Nagkaroon ng porum, may opinyon ang maraming tao at sa katunayan, medyo namangha ako sa pagiging popular ng isyu ng wika. Pero, hindi ko alam, ito siguro ang aking munting ambag, bukod pa sa pagdalo at pagiging odyens at reader ng mga porum at mga kolum: isang tula sa payak na porma, isang salin ng sipi ng nobela at isang salin ng tula ng hukbo: