Tuesday, August 28, 2012

Ang Bulan (Borges)

maraming naiuugnay sa buwan. ang huli ang pagpanaw ng diumanong unang taong nakatapak dito, si Neil Armstrong, r.i.p. (delayed na naman nang kaunti ang pakikiramay sa mundo, tulad nung kay jerry nelson, pasensiya na.) ang bawat mythos, madalas sa hindi, may diyos/ang partikular sa buwan. ang kasamang pelikulang nasa orb ng oceania concert nang awitin nila ang "tonight, tonight" ay "Trip to the Moon" ni Georges Méliès na makikita rin sa pelikulang "Hugo."


at maging ang mga kwento ng paboritong kwentista, hindi nakaliligtas sa alindog ng buwan, halimbawa'y ang "Distance of the Moon" ni Calvino, at ngayo'y itong tula ni Borges (bagamat, siyempre, mas kilala siyang kwentista pero maari, malamang, may kwento siya tungkol sa buwan, hindi ko lang mahagilap sa memorya sa kasalukuyan.) magkasunod palang namatay ang dalawang nabanggit. 1985 si Calvino, 1986 si Borges.


pinili ang salitang bulan para hindi gaanong maiugnay sa "month." at-- ayoko nang magpaliwanag pala-- silipin na lamang at saglit lang naman ngunit may lamlam pa rin ang liwanag

Ang Bulan
salin ni Tilde Acuña ng salin ni 
A.s. Kline ng tula ni Jorge Luis Borges

Naroroon ang katulad na pag-iisa sa bulawan.
Ang bulan ng mga gabing ito ay hindi ang buwang
Nasumpungan ng unang Adan. Mahabang mga siglo
Ng paglalamay ng tao ang pumuno sa kanya ng
Isang sinaunang lumbay. Sipatin. Siya ang iyong salamin.

No comments:

Post a Comment

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]