Tuesday, April 24, 2012

an excerpt from The Enigma

"No man can say what he is. But sometimes he can say what he is not. Everyone wants the man who is still searching to have already reached his conclusions. A thousand voices are already telling him what he has found, and yet he knows that he hasn't found anything. Should he search on and let them talk? Of course. But, from time to time, one must defend himself. I do not know what I am looking for, cautiously I gave it a name, I withdraw what I said, I repeat myself, I go backward, and forward. Yet people insist I identify my term or terms, once and for all. Then I object; when things have a label aren't they lost already? Here, at least, is what I can try to say."

That's from "The Enigma," from the collection of Lyrical and Critical Essays by Albert Camus. And with this comes a declaration of hiatus, in an attempt to search whatever is left of my soul of meaning and other sorta fvcking petty bourgeois bullshit amid the offensives that sparked from blood and oil and water.

Sunday, April 22, 2012

panandaliang pagbabalik-tanaw sa pamantasan sa may paanan ni maria


halos isang taon na pala ang lumipas. halos ilang kilometro ang agwat. halos ganoon din bagamat may kaunting pagkakaiba. nananatiling ganoon. wika nga ng kung sinumang nagwika, malayo ma'y malapit din. wika nga ng kung sinumang nagwika, ang panahon at espasyo, kapwa pook na maaring puntahan. naalala ko ang einstein's dreams ni lightman, isa sa unang love at first sight [alam kong redundant] sa ganoong panitikan. tama na nga ito. panindigan ang pamagat na panandalian lamang ang pagbabalik-tanaw at umasang kahit ilan man lamang sa mga magsisipagtapos ay makakasama sa pagpapatag ng mga bundok.

sobrang mahabang p.s: earth day nga pala. may litrato ako kaso mas gusto ko na lamang ilarawan. may punong kulay lila ang mga bulaklak. ganda. gusto ko sanang ipaskil dito dahil ang mainstream na ng sunflowers. pero, hindi ako litratista at hindi ko nagawang imortal sa litrato ang ganda nung puno. pero, mas maganda at mas may espesyal na pakiramdam ang mga kapok sa kabundukan kaysa sa kulay lilang puno o sa matingkad na sunflower. may isa ring nagwika, na naisip ko na bago ko nabasang winika niya, ewan ko kung si camus, well, ano ba namang bago sa ilalim ng sikat ng araw, na may parang love affair daw tayo sa mga lugar.

[may pahayag nga pala rito sa bulatlat.com ang UP KILOS NA]

Saturday, April 21, 2012

pagbulalas o pagmumuni-muni

pinatay ko ang oras ng paghihintay kanina at tila sa kauna-unahang pagkakataon, nakatapos akong magbasa ng mahabang piyesa nang isang upuan lamang--nang hindi naman literal na nakaupo at hindi ako makapirmi. ang nabitbit kong aklat sa di-inaasahang pagkakataong ito ay ang tutubi, tutubi, 'wag kang magpahuli sa mamang salbahe ni jun cruz reyes.

binasa at natapos ko ito sa panahong (dapat) ang tinatrabaho ko ay ang artikulong kasalukuyan pa ring nananatiling hindi tapos--isang lathalain tungkol sa mga nanay. binasa at tinapos hindi dahil wala akong ibang magagawa. pinili ko ito dahil nasa kalagayang ito lang ang maari kong gawin upang pumatay ng oras at kalmahin marahil ang hindi makalma-kalmang isip. hindi ko maisiwalat at 'di ko rin alam, 'di ko tiyak ang madarama. hindi pamilyar ang teritoryong ito sa akin. kung lalahukan ng isyung panlipunan at ibubuhol sa pamilya, magulang, nanay, papasok pa ang usapin ng kasarian--na isa rin sa mga usaping hindi ko pinagtuunan ng pansin.

at mukang madaragdag ang karakter ni reyes na si mamay sa nasabing lathalain. ang sisipiin kong talata ay nasa pahinang malayo pa sa kwento ni mamay pero, sa tingin ko'y kahit papaano'y naglalarawan sa kasalukuyang kalagayan. may gusto pa sana akong sipiin, kaso, masyadong mahaba at wala akong luxury ng oras para rito at sa pagpapalawig ng kahulugan nito para sa saglit na pagbabahaging ito. naririto ang sipi:

"ay buhay! problema kung dumating ay parang kadena. kawing-kawing at sa dulo'y may bigat pang kasama. kung matigas lang ang loob ko, kung kaya lang ng konsensiya ko, matagal na akong naghurumentado. todas silang lahat na pumapatay sa akin nang unti-unti. kung nalulutas lang sa ganito ang problema, sasama na lang ako sa mga muslim at magpapaturo kung paano natatalo ng kris ang armalite."

may mga dapat nga palang ipagdiwang tulad ng sinundan nitong patalastas. at bukod pa rito, hindi ko pa ata nababanggit na may dalawa ring piyesa sa filipino na may tsansang maisama sa isang antolohiya--sinama na raw ng mga patnugot ngunit nasa publisher ang huling pasya; may isa ring tulang lalabas sa isang antolohiya sa susunod na taon; at ang pinakahuli ay dalawang dibuho sa isang internasyunal na journal. nasa email pa lamang ang mga kumpirmasyon sa mga ito kaya parang ayoko munang magpartikular dahil wala pang opisyal na release ang mga kinauukulan.

pero sa kabila ng lahat ng magaganda at masasamang balita, nananatili ang tanong na ilang ulit ko na ring tinanong, sinagot, upang muli lamang itanong at muling sagutin. marahil, kunsakaling maging matagumpay at muli ko itong masasagot sa nalalapit na hinaharap, darating ang panahong itatanong ko ulit ito sa sarili. may mga bagay lang sigurong kailangan pagdaanan nang paulit-ulit. ay, ewan. magandang madaling araw. ngayon, ano nga ulit ang mga gagawin ko. anong uunahin.

p.s. hirap akong umangkop sa mga biglaang pagbabago. tulad na lamang nitong bago na namang itsura ng blogger dashboard. mabuti na lang at di pa ako tinatamaan ng virus na facebook timeline. salamat sa pagbisita.

Friday, April 20, 2012

Shameless Hundred Loves Plug


Waw, kumonek sa pangangamusta ni Bukowski, ha. Sobrang saglet na plug. Masyadong exhausted sa katumalan, kabagalan, ka-idle-an kahit nag-exert naman ng enough effort to do what needs to be done para mag-exert ng extra effort to be glad, pero, hey, we need, yak, love, pero, oo, ewan ko, anyway, eto, details:

Nakatanggap ng email. P220 raw ang 100: The Hundreds Project ng UP Writers Club. "Pick-up available at UP and Katipunan. For more details, contact: Rupert Bustamante IV (0917 844 5134; rupertivabustamante@yahoo.com) or Michelle Esquivias (0926 642 9158; ellie.esquivias@gmail.com)." There. At, ilang inaassume kong kasama rito dahil nakitang naka-cc ay si Michael David na lumikha ng kubori kikiam komix, si Alyza Taguilaso na humahabi ng origami at si Rey Araja na hindi ko inakalang umiiral pa pala sa daigdig kasi di na nagpaparamdam pero nakasama ito sa klase at konseho sa elbi noong unang panahon.

Magaupdate pag may update sa list. Yung zdzislaw beksinski-ish drawing ko ata ang kasama sa kuleksyong ito. Matsala. Ayun lang. Kbye to you. Khello to desk.

Wednesday, April 18, 2012

May tinatanong si Bukowski

Kamusta Ang Puso Mo?
hinalaw [?] ni Acuña sa tula ni Bukowski [source]

sa pinakamasahol kong mga oras
sa mga bangko sa liwasan
sa mga piitan
o sa pakikisama sa
mga puta
parati akong mayroon nitong tahasang
pagkakuntento --
hindi ko ito tatawaging
kasiyahan --
mas katulad ito ng pangkaloobang
timbangang
tumitining sa
anumang nangyayari
at tumutulong sa mga
pabrika
at tuwing ang mga pakikipagrelasyon
ay sumasablay
sa mga
babae.

tumutulong itong
iraos ang
mga digmaan at ang
alimpungat
ang mga banatan sa madidilim na eskinita
ang
mga ospital.

ang pag-gising sa mumurahing kuwarto
sa isang kakatwang lungsod at
paghila pataas ng silong --
ito ang pinakabangag na uri ng
pagkakuntento

at ang paglalakad patawid sa sahig
patungo sa lumang tokador na may
salaming may lamat --
makita ang aking sarili, pangit,
nakangisi sa lahat ng ito.

ang pinakamahalaga sa lahat ay
kung gaano ka kagaling
sumuong sa
panganib.

***

sakto lang. may mga hindi gaanong nakakasalamuha pero lalong tinitingala habang nakikilala, may mga dating madalas nakakasalamuha pero lalong kinamumunghian habang, well, nakikilala ang panibago nilang mga mukha. sagwa. ang blind item. yak. anyway. mas malamang sa hindi, hindi makakaramdam yung latter. or, kung makaramdam, character assassination yan. kidding. fiction ito, fiction.

***

How Is Your Heart?
Charles Bukowski

during my worst times
on the park benches
in the jails
or living with
whores
I always had this certain
contentment—
I wouldn’t call it
happiness—
it was more of an inner
balance
that settled for
whatever was occuring
and it helped in the
factories
and when relationships
went wrong
with the
girls.

it helped
through the
wars and the
hangovers
the backalley fights
the
hospitals.

to awaken in a cheap room
in a strange city and
pull up the shade—
this was the craziest kind of
contentment

and to walk across the floor
to an old dresser with a
cracked mirror—
see myself, ugly,
grinning at it all.

what matters most is
how well you
walk through the
fire.

Thursday, April 12, 2012

post-Friday-the-13th Art, Lit, Cult Weekend

[All images in this shameless plug galore entry belong to their respective owners, as hyperlinked.] And they all happen, all at once, all at the same, er, time. Googled away and found these images and information:

(PMP SANDIGMAAN issue [list of contributors] launch [source]

at the United South Arts and Music Festival on the 14th. [source])


(Feed the Starving Creators: BEEF Clothing Launch on the 14th. Poster by Josel Nicolas [source]. PSEUDOCUMENTS Volume One and Ang Sandatahang Banga [details?] shall be available at the table of The Cabinet / PANTAS peeps. Salamat!)


(Muy Bien! Guro at Artista ng Bayan on the 15th. [source])


There. I would not be in the aforementioned events. I shall be on another plane, in another culture, in, perhaps, another, say, reality--as I have been living in another (quasi)reality. And, I am clumsy but really not that clumsy enough to divulge any more information. Basta, mahirap ako kontakin simula Friday the 13th. Magpaparamdam pag maari na akong maabalang muli. Matsala sa pagbisita.


PS Ang ganda nitong likhang sining ni Neil Doloricon. Mula sa [prison diary] ni Ericson Acosta ang imahe. Magandang basahin din ang nilalaman ng blog.

Wednesday, April 11, 2012

Apat na tula (Pavlova), atbp

Salamat kay Shane Carreon sa pagbabahagi ng [tula ni Pavlova] na pinamagatang "Heaven is Not Verbose: A Notebook | Why poetry is like earthworms, thought is like cud, and understanding like insanity," na ginusto ko sanang isalin kaso hanggang "Hindi Masalita ang Langit: Isang Kwaderno | Kung bakit parang bulate ang pagtula, parang nginangatang damo ang pag-iisip, at parang kahibangan ang pag-intindi." Sa madaling salita, hanggang pamagat lang ako. So, naghanap akong ibang tula ni Pavlova na medyo mas hindi mahaba at mas hindi mahirap isalin, angkinin, balahurain nang hindi sinasadya, anuman, kung anuman ito sa iyo:

Apat na tula
salin ni Tilde Acuña ng salin ni Steven Seymour ng [tula] ni Vera Pavlova

Sa palagay ko taglamig na kapag dumating siya.
Mula sa di-matagalang pamumutla ng landas
susulpot ang tuldok, sa sobrang itim manlalabo ang paningin,
at magpapahiwatig ito sa mahabang, mahabang panahon,
hinahalintulad sa kanyang pagkawala ang kanyang pagdating,
sa mahabang, mahabang panahon, mananatili itong isang tuldok.
Batik ng alikabok? Alab sa mata? At niyebe,
wala nang ibang mayroon kundi niyebe,
at sa mahabang, mahabang panahon, habang kawalan ang mayroon,
at hinihila niya palayo ang nagyeyelong kurtina,
magkakamal siya ng laki at tatlong dimensyon,
darating siya, palapit nang palapit . . .
Ito ang hangganan, hindi na siya makakalapit. Pero siya'y nagpapahiwatig,
ngayo'y masyado nang matindi para sukatin.

***
Kung may dapat hangarin,
may dapat panghinayangan.
Kung may dapat panghinayangan,
may dapat muling maalala.
Kung may dapat muling maalala,
walang dapat panghinayangan.
Kung walang dapat panghinayangan,
walang dapat hangarin.

***
Haplusin natin ang isa't isa
habang mayroon pa tayong mga kamay,
mga palad, mga braso, mga siko. . .
Mahalin natin ang isa't isa para sa lumbay,
pahirapan ang isa't isa, gambalain,
papangitin, lumpuhin,
upang makaalala nang mas mainam,
upang maghiwalay nang menos ang hapdi.

***
Sagana tayo: walang mawawala sa atin.
Hukluban tayo: wala tayong tatakbuhan.
Ipapagpag natin ang mga banig ng nakaraan,
dadalirutin ang mga baga ng mga darating na araw,
mag-uusap tungkol sa kung anong lubos na may katuturan,
habang naglalaho ang aligagang bukang-liwayway.
Ihihimlay natin ang ating walang kamatayang patay:
Ako ang maglilibing sa iyo, ikaw ang maglilibing sa akin.



=====




Tas ito ang "atbp" kasi na-miss ko ang IYAS at ninonostalgia ako at gusto ko magreplek-replek at gusto ko basagin ang mga dating napagtanto, o i-update ang sarili sa paraan ko kung paano ako nag-iisip. Metacognition shit, ganyan. Purpose purpose. Relevance relevance sa society society na ito, ganyan. 12th IYAS fellows muna [source], congrats, wala akong personal na kakilala sa inyo, pero inggit ako sa inyo kasi --

The IYAS Creative Writing Workshop of the University of St. La Salle (USLS), Bacolod City, has selected 15 Fellows for 2012, out of 81 applicants from the country and abroad. The Fellows for Fiction are Maria Amparao Warren, Brylle B. Tabora (English), Chuckie Perez Manio, and Anthony de la Cruz (Filipino), Daryl Nino Toring Jabil (Cebuano), Fr. Reynaldo Villanoy Jr. (Hiligaynon). The Fellows for Poetry are Miro Frances D. Capili and Ramon Enrico Damasing (English), Early Sol Gadong and GL John Clavel Haro (Hiligaynon), Mariane A.R.T. Abuan (Filipino), Gratian Paul R. Tidor and CD Borden (Cebuano). Fellows for Drama are: Fundador Tipon III (Hiligaynon) and Mario Mendez (Filipino).

IYAS will interface with the Kritika National Workshop on Art and Cultural Criticism sponsored by the De La Salle University Bienvenido N. Santos Creative Writing Center (BNSCWC) and the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) which will also be held on the same dates at USLS.

The interface activities are: film screening of “Oro, Plata, Mata” by Peque Gallaga; a craft and reading lecture by Dr. Stuart Cooke; and an introduction to Negrense culture through trips to cultural landmarks in Talisay, Silay, and Victorias cities.

The IYAS Workshop Director is Dr. Marjorie Evasco and the panelists for this year are Dr. Genevieve Asenjo, Dr. Ronald Baytan, Prof. Danilo M. Reyes, Ms. Grace Monte de Ramos, Mr. John Iremil Teodoro, and guest panelist Dr. Cooke from Australia. IYAS Founder Dr. Elsie Coscolluela also sits in the panel.

The IYAS Creative Writing Workshop is co-sponsored by the BNSCWC and the NCCA, and will be held on April 22 – 28, 2012 at the Balay Kalinungan Complex of the USLS, Bacolod City.

kasabay ninyo ang KRITIKA 2012 [source]. Congrats muli kay Ser Christian --

The DLSU Bienvenido N. Santos Creative Writing Center and the National Commission for Culture and the Arts (NCCA) award eleven fellowships for KRITIKA 2012: National Workshop on Art and Cultural Criticism, which will be held at the University of St. La Salle (USLS) in Bacolod on April 22-28, 2012.

The workshop will focus on critical writing in the following arts: literature, visual arts, architecture, film, and multi-art. It is envisioned to give young scholars and critics a forum where they can discuss their work and concerns with established art critics. The fellows are: Marie Rose Arong (literature), John Barrios (literature), Patrick Campos (multi-art), Feorillo Petronilo Demeterio III (visual arts), Rene Luis Mata (architecture), Chuckberry Pascual (multi-art), Jay Jomar Quintos (literature), Jaime Oscar Salazar (visual arts), Oscar Serquiña, Jr. (literature), Christian Tablazon (film), and Michael Carlo Villas (literature). Rolando Tolentino, BNSCWC Associate for Film, is workshop director. The distinguished panel of art critics includes Paulo Alcazaren (architecture), Isagani R. Cruz (literature), Cid Reyes (visual arts), and Jose Victor Torres (cultural history).

This event is in cooperation with USLS-Bacolod and supported by NCCA.

tsaka sa mga mapapagpala ng wisdom ng workshop on drama. Ayus. Namiss ko ang play. Shadowplay. Overhead projector. Gupit gupit ng puppets. Hay. *tignan ang ikalawang taludtod ng tula ni Pavlova for more buntonghininga drama shit*

Monday, April 9, 2012

defragmentation [iii]

defragmentation: [i] + other species [here]; [ii] + other relatives [here].

defragmentation [iii]

I'll feel the hands that
felt me, cold hands,
your hands [01] into this ethics

mold confined; define

sense: one man's sin is another
man's goal [02] into the belly
of the holy mother: a chamber

black as pitch [03]; last chance

to lose control [04]: straighten thy serpent
made of bones [05], deformed,
uninformed and hunchbacked [06].

Breathe as the wind blows. Heedless

nature holds [07] these burning eyes gazing
at an empty sky [08], the eye of the tri:

a mystery in a mystery [09] 2,000 miles away.
It lays open like a road [10] of colors streaming

down my face. Between breaths [11],

we confess to the murders
of a million souls [12] in the pages
of this book, gestating

with all the other rats [13],
making sheets of acid, vials
of crack cocaine [14].


[01] "Malpractice" - Faith No More
[02] "Definition of Shapes" - Mr. Bungle
[03] "Sour Grapes" - Puscifer
[04] "Hysteria" - Muse
[05] "Backbone" - Gojira
[06] "You Were Good in Your Time" - Morrissey
[07] "Tiamat" - Queso
[08] "Conquering Hades" - Valley of Chrome
[09] "Center of the Sun" - Wolfgang
[10] "Angelene" - PJ Harvey
[11] "Rainday" - Cynthia Alexander
[12] "Manila Teenage Death Squad" - Chicosci
[13] "Son Et Lumiere" - The Mars Volta
[14] "Santa Claus is Selling Crack" - Nuclear Rabbit

defragmentation [ii]

[Naririto] ang unang defragmentation at ang mala-paunang salita at mga katulad na piyesang nagtagpi-tagpi ng mga lyrcs ng mga kanta. AT isa pa palang sa tingin ko ay medyo kawangis na species ang mga piyesang tinipon ni Prof. Dennis Aguinalo rito sa GAGAYYEM: Mga tulang pinagtagni-tagni mula sa 59 obra at isang excuse slip ng mga estudyanteng UPLB na tumugon, kamakailan, sa kamatayan nina Ray Bernard, Given Grace, at Rochel "Cesil," bukod pa sa Instead of ni Karize Michella Uy. Ilang sipi nito ang makikita sa The Cabinet: [dito], [dito] at [dito]. Yan. Assemblage galore.

Salusalungat na Piraso

Dugong humalo sa dugo, laman laban
sa patalim [01]; di alam kung saan
nanggaling, di alam kung saan
patungo [02]. Ipaskil ang dalangin
sa pisara ng hangin [03]: mga lumang
hinaing sa relasyong inumit [04],
mga nasabi nang masasakit na salita [05];
kaluskos ng dahon, huni ng ibon, malayo
sa dilim ng kahapong [06] puro kwento, walang
istorya [07]; katulad sa segundo ng aking relong
mabilis tumakbo [08], ang alay mo'y nilisan na
ng panahon [09]. Minsan lang umulan [10],
di magpakailanman; kung sakaling dumating
ang sandaling [11] nakakasulaksok, nakaririmarim
nakapanghihilakbot, nakakasuklam [12] dala
ng kalbaryong buhat mo [13], lumikas
sa dilim, sa walang hanggang gabi [14].

[01] "Tulisan" - Wolfgang
[02] "Ang Bayan Kong Sinilangan" - Asin
[03] "Bihag" - Imago
[04] "Hanggat Maari" - Einstein Chakras
[05] "Hiling" - Paramita
[06] "Gabay" - Siakol
[07] "Galit sa Mundo" - Teeth
[08] "Parehong Lagi" - The Wuds
[09] "Alay sa mga Nagkamalay Noong Dekada Nobenta" - Dicta License
[10] "Tikmanangulan" - Razorback
[11] "Huling Hiling" - PAN
[12] "Tsong (Boypren Mo Pokpok)" - Giniling Festival
[13] "Luha" - Kapatid
[14] "Harapin ang Liwanag" - The Dawn

Sunday, April 8, 2012

defragmentation [i]

Holy week's been unholy as I have sinned at lease one of the seven deadly sins: sloth. So, to, uhm, repent, I did something I deem productive while reading Umberto Eco's essays and listening to my shuffled playlist. An assemblage of some sort. Am not sure what this is called.

Similar species that came first are Marrian Ching's "This Feels Like a Song," Alyza Taguilaso's "Play: List (or, Why I Never Let The Boys I Love Listen To The Music I Like)" and my, er, mash-up "LateralobZen." I numbered this with "[i]," implying a "[ii]," "[iii]," and so on. Sana ma-pull-off ang serye. Olrayt, eto na, bahala na:

***

defragmentation [i]

From the depths of his deep darkened hole [01], let me watch
the last living rose quiver [02]. With qualms that I speak
of the wrists that I cut [03] breathing slowly, mechanical
heartbeat [04] full of dead leaves,
bits of twisted branches [05] giggle
and the flames grow higher; dance in a circle
around a central fire [06], haunting familiar
deja vu, I know your end is coming soon [07];
cast a spell on the country you run
and risk [08] all the man in me to be
the dog you wanted me to be [09]:
Turn to the gates of heaven,
to myself be damned [10] quick to the throat
in this ink cartridge funeral [11],
unholy water quenches the thirst [12] with the prophets
on a mission of salvation, cities falling, nations
falling nations [13].

[01] "Coattails of a Dead Man" - Primus
[02] "The Last Living Rose" - PJ Harvey
[03] "Desperate Graves" - The Mars Volta
[04] "The Art of Dying" - Gojira
[05] "Misty" - Kate Bush
[06] "Indigo Children" - Puscifer
[07] "Deja Vu" - Dog Fashion Disco
[08] "Take A Bow" - Muse
[09] "Atlas Air" - Massive Attack
[10] "Eye" - Smashing Pumpkins
[11] "Metronome Arthritis" - At the Drive-in
[12] "Sea Serpent" - Cathedral
[13] "Prophecy" - Soulfly

***

Let me share a quote: "The world of literature is a universe in which it is possible to establish whether a reader has a sense of reality or is the victim of his own hallucinations." -from "On Some Functions of Literature" by Umberto Eco. Back to reading and finding out whether I am of the former or the latter lot. :L

Here's an Easter Nuclear Rabbit, for your pleasure:

Thursday, April 5, 2012

God, Grad, Gore, Grunge, and Government: Summer Strikes, Random Ramblings


To whoever: A brief, quick life update.

Disclaimer regarding the title: Nope. Not really a Marilyn Manson fan.

God. Disturbing my feed are sick people with a sick brand of humour of spreading false hope among the Tool army in a godforsaken thirdworld country that the divine motherfvckers of quasintellectualized (whatever the fvck that means) metal arrives on the 6th of May.




Had the fascist facebook management team whatsoever of Zuckerberg imposed timeline, I have a cover photo in mind. Something from Community:


Graduation. It has been a year since I marched the graduation grounds, and a year prior that year, I have satisfied all the academic requirements, and the hassles in between. And now, the feed is flooded with photos of manuscripts and graduation pictures. Given the chance, I want to browse the theses and creative works of the BA Communication Arts writing majors. Or, maybe even have collaborative, uhm, endeavours with them. This is not a call, but, maybe, to some extent, it is.

Which reminds me of, er, tons of unwritten essays / nonfiction things that I promised to write. And, just like Christ, nananatiling nakapako ang pangako. Paano ba yun isasalin? The promises remain, uhm, crucified?
*1800 update*
Gore. Filipino Catholics go metal these days. [link!]

Ginsberg. "14 years ago today Allen died (...)" [view details, video here]

Grunge. It is Kurt Cobain's death anniv [today]. He had a [daughter].

Government. View pixeloffensive's pwnage of the Yellow Army [here]. Tumblog is updated, I think, by Max Santiago, the same artist behind the images I used in my transliteration of Axel Pinpin's [Remote Control]. Oh, and another thing about another government, today is Arroyo's birthday [happy mugshot here!], also, the 10th death anniversary of Beng Hernandez, former vice president for Mindanao of College Editors guild of the Philippines. Read CEGP's statement [here].

Goodbye. Will take the chance to abuse the "long vacation."

PS: Looking forward to 1.) Morrissey (weh?); 2.) Mangyan Day; & 3.) May 1.

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]