Saturday, January 5, 2013

kalendaryo, orasan, 2013

bago ang lahat, eto libreng kalendaryo mula [paggalaw], andyan sa ibaba ang sa akin. pwedeng gamitin, iprint, bawal ibenta, anuba. pwede rin kita bigyan.


Ang Orasan
sobrang layang salin ni Tilde Acuña
ng iba't ibang salin ng kung sinu-sino
ng tula ni Charles Baudelaire.


Orasang manhid! Diwatang halang ang kaluluwang
tahimik na naninindak at nagbabantang "Tandaan!
Tatamaan kayo ng mga palaso ng Pighati
Sa mumunti ninyong mga damdaming pinuntirya;

Tutungo sa abot-tanaw ang Kaligayahan
Tulad ng sumisibad na Mariang hamog hanggang pakpak,
Na nginangatngat sa bawat saglit ang bawat sarap
Na isinaalang-alang sa buong pag-iral ng bawat binata.

Tatlunlibo't anim na raang ulit kada oras, segundo'y
Bumulong: Tandaan! Tulad ng ingay ng mga kulisap
Huhuni ang kasalukuyan, 'Ibinilang na ako sa Hindi Na Muli,
Nahigop ko na ang buo mong buhay kaya aalis na ako.'

Tandaan! Souviens-toi, gastador! Esto memor!
(Nakakapagsalita ang bakal kong ngalangala sa anumang wika)
Ang bawat minuto, hangal na mortal, ay parang inang-bato
Kung saan pinipiga ang mamahaling metal at/o mineral.

Tandaan. Gahamang sugarol ang Panahong palaging
Nananalo sa bawat laro nang walang pandaraya! Iyan ang batas.
Nagmamaliw ang bukang-liwayway; lumalalim ang gabi; tandaan!
Nauuhaw pa rin ang kailaliman; nauubos na ang buhangin.

Sa malao't madali darating ang oras kung kailan ang Kapalaran,
Kung kailan ang dakilang Huwaran, ang birhen mong asawa, kung kailan
Maging ang Pagtitika (ang huling santuwaryo), kung kailan sasabihin
Nilang lahat: Mamatay ka na, huklubang duwag! Huli na ang lahat!"

1 comment:

Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11

bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]