Sunday, January 6, 2013
lungsod, lalo at lunes
Ang Lungsod
sobrang layang salin ni Tilde Acuña
ng salin ni Rae Dalven ng tula ni CP Cavafy
Sabi mo, "Pupunta ako sa ibang lupain, hahayo sa ibang dagat. / Panibagong lungsod ang matatagpuan, mas mainam kaysa rito. / Bawat pagsisikap ko ay isinusumpa ng kapalaran; / ang puso ko ay nakalibing na tila bangkay. / Hanggang kailan mananatili ang isipan ko sa basurahang ito. / Saan ko man ibaling ang mga mata ko, saan man ako tumingin / nangingitim na pagkaguho ng buhay ko ang nakikita ko rito, / kung saan nasayang ang maraming taon ng pananalasa at paglulustay."
Wala ka nang mahahanap na ibang lupain, wala kang matatagpuang bagong mga dagat. / Susundan ka ng lungsod na ito. Tatahakin mo rin itong mismong mga lansangan. At tatanda ka rin dito sa mismong mga kalapit-bahay; at magiging abo ka rito sa mismong tahanang ito./ Palagi kang hahantong sa lungsod na ito; / huwag ka nang umasang may iba pa. / Walang sasakyan para sa iyo, walang landas. Winasak mo na ang buhay mo rito / sa munting sulok na ito, giniba mo na ito sa buong sansinukob.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paths within the City
arts
adaptation
salin
plug
politics
tilde acuna
literary
published
komix
university of the philippines
quoted literature
prompt
activism
uplb
samhain 30
panitikan
president
olde
karma kolektib
nonfiction
culture
fiction
exhibit
bullshitting
Rizal
IYAS
commentary
icon
banga
calvino
contest
installation art
references
religion
sigwa
uplb banga
PETA
films
Shakespeare
factsheet 43
kiko machine komix
manila times
sunday times magazine
Some other streets within the City as of 11.11.11.11.11
bi cycle : [i] [ii] [iii] buwan ng wika prompts : [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [x] [029] [030] [031] carcosite news net : [x] [x] [x] [x] [x] nausea : [001] [002] pandora's boxes : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii] [ix] [x] [xi] qbccc : [x] [x] [x] [x] [x] [x] [x] reverence : [i] [ii] [001] [002] [003] [004] [005] [006] [007] [008] [009] [010] [011] [012] [013] [014] [015] [016] [017] [018] [019] [020] [021] [022] [023] [024] [025] [026] [027] [028] [029] [030] [031] << samhain countdown | shards : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] spectacles : [i] [ii] [iii] [iv] [v] [vi] [vii] [viii]
No comments:
Post a Comment